It's been a 4 years since Daniel left me.




Akala ko magiging madali, akala ko makakamove-on ako, but I guess I was wrong.






Kasi hanggang ngayon, mahal ko parin siya.





At hindi yun magbabago.




I'm with P5. Andito kami ngayon sa Cemetery. 4 years death anniversary ni Daniel.




Ewan ko ba, sa tuwing makikita ko ang "In memory of Daniel John Ford Padilla" nanghihina ako, nanginginig ang buong katawan ko. At eto na naman ang traydor kong luha, bumagsak na naman.




"Shhh. Alam mo bang mas ayaw ni DJ na nagkakaganyan ka?" Sambit ni Seth.






"Ilang taon na ang nakakalipas, pero bakit hindi ko parin kaya? Bakit araw araw ko siyang nakikita sa panaginip ko? Ang sakit parin pala Seth, ang sakit sakit." Bulong ko.

Niyakap ako ni Seth, sumunod si Kats, sumunod si Lester at sumunod si JC. "Ano ba kayooo. Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niyo eh." Sambit ko.

Tumawa naman sila. "Eh kasi naman, lagi ka na lang malungkot." Lester.

"Babalik rin ako sa dati, promise yan." Sagot ko.

Inakbayan naman ako ni Kats, tapos ginulo niya buhok ko. "Osige sige, sa ngayon ikaw muna ang baby sa grupo namin okay?"

"HALA HALA! BABY DAW KUYA OH, LAGOT KA KATS! DADALAWIN KA MAMAYA NI KUYA, HAHAHAHA" Loko talaga 'tong si JC.

Halos itulak na ako ni Kats palayo sa kanya. "Ano ba yan Kath! Dun ka nga, makakapit ka sakin eh noh?!" Sigaw niya.

Tumawa naman kami. "Uy Bregs. Dalawin mo nga si Kathryn, niyayakap ako eh." 

"HOY KATS HA! HAHAHAA." Salamat kila Kats, dahil sa kanila nagagawa ko pang ngumiti at maging masaya.

Humangin naman bigla, sabay sabay kaming tumigin sa langit. "Miss ka na namin." Sambit ni Seth.

"Bregs, Nakakalungkot. Hindi na ulit tayo makakatugtog ng magkakasama." Sabi naman ni Lester. 

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!