Chapter 5: Revenge

753K 21.2K 2.6K
                                    

Skie's point of view.

Bumalik ako sa table namin na wala sa sarili. What the fvck just happen?

I kissed her. I kissed Angel. My enemy.

"Dude that was epic.. Fail!" Bungad ni Enzo at sabay sabay silang nagtawanan na tatlo. "Ngayon ko pa lang nakita na may sumampal sayong babae. Nakahanap ka na ata ng katapat mo?" Natatawa pa din niyang sabi.

"Shut up dude." Inis kong sabi. "Nagulat lang ako sa nangyari kaya hindi ako nakaiwas sa sampal niya."

"Nagulat? bakit? First time mo bang humalik ng isang babae? Excuses, bro." Sambit ni Luke. "Sabihin mo lang, you're no match to her."

"I know her, okay? Siya si Angel. Yong sinasabi kong dahilan kung bakit ako napunta sa police station at kung bakit hindi ako nakapunta sa anniversary namin ni Anya. Nagulat lang ako na sa lahat pa ng babae siya pa mahahalikan ko. I was just caught off guard." Paliwanag ko.

"So siya pala yong babae na kinakainisan mo? Hindi mo naman sinabing maganda siya at hot." Sambit ni Enzo.

"Yeah bro, she's hot." Dagdag ni Luke.

"Seriously?"

"Pwede ko ba siyang maging kaibigan?" Singit naman ni Caleb.

"C'mon bro, I know you just want to have sex with her but no. Walang pwedeng gumalaw sakanya kung hindi lagot ako kay Dad." Sambit ko.

"Bro," Pangungulit pa ni Caleb. "Marunong din naman ako magseryoso eh."

Napatingin kaming tatlo sakanya. "Lul! Kwento mo sa pagong." Sabay sabay naming sabi.

"Ang hard niyo naman sakin. Kapag ba nakikita niyo ako puro sex na lang naiisip niyo?" Tanong niya.

"Oo!" Sabay sabay ulit naming sabi.

"Ouch bro."

"Trust me Caleb, you will not like her at all."

Kinuha mo ang shot glass ko at uminom ako ng uminom. Tinigil na namin ang dare at nag decide na kaming umuwi. Kung nagpatuloy pa yon baka mawala na ako sa sarili ko.

Hinatid ako ni Caleb sa bahay.

Pumasok agad ako sa bahay at nagulat ako ng naghihintay na pala sakin si Mom at Dad sa sala. Ang sama ng tingin nila sakin. Kinabahan ako bigla. Alam kong hindi maganda ang mangyayari.

"Ganyan ka na ba kalala, Skie?" Sambit ni Dad. "Hindi ka na ba talaga sumusunod samin ng mommy mo?" Mahinahon lang ang boses ni Dad pero alam mong galit siya.

Dalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganito. Una, nang mapahamak si Kiro dahil sakin at pangalawa ng pumunta ako sa Canada ng hindi nag papaalam.

"Skie, ano bang problema mo? Bakit ba nag rerebelde ka na naman sa amin?" tanong ni Mom. "San ba kami nagkulang ng Dad mo?"

Nakaramdam ako ng inis. Sinara ko ang kamao ko at pinipigilan ko ma mainis pa lalo dahil alam ko, wala akong laban sakanilang dalawa.

"Sige sabihin mo samin, ano bang problema mo samin? Ano bang gusto mo?" Tanong ni Dad.

Gusto talaga nilang malaman? Sige sasabihin ko sakanila.

"Nakakatawang hindi niyo alam kung anong problema ng anak niyo." Tumawa ako ng bahagya. "All this time, si Kiro na lang palagi niyong nakikita. Si Kiro na matalino, si Kiro na magaling, si Kiro na mabait at si Kiro na nakukuha kung anong gusto niya. Ako? Ano ba ako sa pamilya natin? Isa lang naman akong black sheep dito, right dad? Si Skie na basagulero, si Skie na walang alam, si Skie na masama. I'm so useless na kailangan niyo pa talaga akong pabantayan kay Angel. You never trust my decisions. Para sa inyo, bata ako. And all I want? Is for you to leave me alone." Sambit ko.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon