" Bastos ka, ah! Nasa akin ang buhay mo kaya umayos ka! Baka 'di kita matantya diyan, at tuluyan kita! " Pasigaw pang wika nito.

 Hindi naman natinag si Agnes. Matapang niyang tinitigan ito. Tiniis niya ang sakit dulot ng pagsampal nito sa kanyang mukha. Doon siya ibinalandra ni Larry sa dingding. Bago galit itong umalis.

" Boss!!! " Tawag nang isang tauhan agad kay Larry ng makalabas ito ng kwarto. Humahangos ito, at kinakapos ng hininga dahil sa pagod.

" O, bakit?! Anung nangyari sa'yo't namumutla ka? " Ani Larry naman sa una.

" Sina Marco, Boss! Natiktikan na tayo! Papunta din dito! "

" Ano?! Putang'nang 'yan! Sinongnagtraydor?! Hindi! " Biglang sigaw ni Larry. Nakaramdam din siya ng takot dahil kilala niya si Marco. Kung masama siya, mas lalong demonyo ito. Walang sinasanto kapag may atraso. Lito ang isip ni Larry. Narindi siya sa mga mangyayari.


 " Erwin! Bilis! Ihanda mo ang mga bihag! Aalis ulit tayo dito bago pa tayo maabutan nina Marco! Tagilid tayo du'n! " Sigaw ni Larry pagkaraan ng ilang minutong pananahimik at pag iisip. Humanda rin ang kanyang mga tauhan. Piniringan ang mag-asawa, at inilabas ng kwarto derecho sa labas pa ng bahay. Nauna na ang iba doon. Nakapwesto na sa sasakyan. Si Larry nama'y bumalik sa kwarto niya't may kinuhang suit case na itim. Iyon ang droga na nadispalko niya sa huling transaksyon nila ni Marco. Inonse niya ito sa pera. Kaya nagalit ito sa kanya't hina-hunting siya.

Malapit naman na sina Cristy sa hide out nina Larry. Panay ang dasal niyang sana'y mailigtas pa niya ang mga kinikilalang magulang.

" O, bakit ka tumigil? " Takang usisa niya kay Ronnie. Nakakunot pa ang noo niya dito.

" Dito na tayo magsimulang maglakad! Mahirap nang dalhin natin ang sasakyan hanggang doon sa pinaka-hide out! " Sagot naman nito na kalmado. Saka kinuha ang baril at siniguradong puno ng bala ang magazine nito. Napatango nalang naman si Cristy. Tahimik din siyang kumilos. Si Angel ay pinababa na rin niya at nagsimula silang maglakad. Nasa huli si Ronnie para magbantay.

~ ~

 Sa ospital naiwan namang nagbabantay si Randy kay Sanda. Hindi pa rin nagkakamalay ito nang mga sandaling 'yun. At si Randy hindi namalayang nakaidlip siya sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Sanda. Isang bulto ng tao ang marahang pumasok sa kwarto kung nasaan sila. Hindi iyon naramdaman ni Randy. Naka all white ito nang suot na parang pang nurse, subalit mahahalatang hindi ito nagtatrabaho talaga sa ospital na iyon. Ngumingisi ito sa tagpong inabutan. Maingat itong lumapit sa kama.  Pumuwesto ito sa kabilang side kung nasaan ang mga tubo nakalagay sa katawan ni Sanda. May kinuha itong injection, at maliit na bote ng gamot sa bulsa ng suot nitong puting uniporme. Ingat na ingat siyang makagawa ng ingay dahil baka magising ang binata. Subalit hindi sinasadyang natapig niya ang stand ng swero na nakakabit kay Sanda. Lumikha iyon ng ingay na ikinagising ni Randy. Napamulat ito, sabay inangat ang ulo sa pagkaka-yungyong sa kama. Mabilis naman tumakbo ang may tangkang masama kay Sanda sa pinto para lumabas, pero nahabol ito ni Randy.

" Sino ka?! " bulyaw niya dito. Mahigpit na nakahawak ang kanyang kamay sa colar ng damito nito patalikod sa kanya. Natigil ito sa paghakbang ngunit walang isinagot sa binata. Bagkus ay mabilis itong gumalaw. Iwinasiwas nito ang kamay ng binata, at tinadyakang.

" Ugh! " Ungol ni Randy na nahihirapan. Sumadsad siya sa baldosa. Naka mask ito sa kalahating mukha. Ni hindi nakilala ni Randy ito. Pagkat umalis din agad matapos siyang saktan. Tantya niya'y babae ito at pamilyar sa kanya ang mga mata. Pilit siya bumangon. Binalingan si Sanda sa kama para siguraduhing walang nangyari dito.

~ ~

" Bang bang bang! " Sunud-sunod na putok ang narinig ni Cristy. Umalerto siya. Binunot ang baril sa kanya likuran, at patuloy na nagpalinga-linga. Alas dos na iyon ng madaling araw. Ilang sandali pang tumahimik at bigla na namang nagkaka putukan.

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!