" Hello.... Ronnie, pa'nu madadala ang bata? Hindi pa maayos ang kalagayan niya.... " Ani Cristy. Tinawagan niya ito nang makalabas sila ng kwarto. Pasado alas tres na rin kase ng hapon iyon. At ilang oras na lamang bago ang itinakdang oras ni Larry kay Cristy na pagkikita nila nito. Kung hindi siya makakarating ay papatayin nito ang kanyang mga magulang.

" Kailangan natin ng isa pang bata...pamalit sa kanya. Nang sa gayon ay makapunta tayo sa tagpuan ninyo! " Sagot ni Ronnie kay Cristy sa kabilang linya. Aburido din ito sa pag iisip ng paraan kung paano nila mahuhuli si Larry pati na mga tauhan nito.


" Saan naman tayo kukuha ng bata na hawig kay Sanda? "


" Susubukan ko humanap...ready na ang lahat ng mga kasama natin. Pupunta nalang mamaya... "


" Okey, Ronnie, salamat! Sana walang masamang mangyari kina Papa... "


" Wala 'yan. Magdasal tayo! "


" O-Oo, Ronnie! Sige! " Ibinaba na ni Cristy ang Cellphone saka naupo sa waiting chair na naroon sa gilid ng pasilyo ng ospital. Nagtaka pa siya nang wala na roon si Randy. Ang akala niya'y naupo lang ito doon. Hinanap ni Cristy ang binata subalit hindi na niya ito nakita. Kaya mas pinili na lamang niya ang umupo. Baka biglang lumabas na ang doktor ay wala siya doon para masabi ang kalagayan ni Sanda.

Si Randy, pagkalabas ng kwarto ni Sanda ay nagpunta agad sa kwarto kung nasaan si Angel. Para kumustahin ito at ibalita na nakita niya ang Ate Sanda nito.


" Talaga, Kuya Randy? " Natutuwang paninigurado ni Angel sa binatang nagligtas sa kanya sa narinig niyang sinabi nito.


" Oo, kaya mag ready kana, at pupuntahan natin siya doon sa kwarto niya... " Naiiling lang na sagot ni Randy. Alam kase niya na mahalaga dito si Sanda, pagkat ito nalang ang itinuturing ng pamilya nito.


" Kaya ko na kaya kuya Randy! Pwede na nga ako irelease dito eh! Tara na! Gusto ko makita si Ate Sanda! " pagyayabang pa ng una.


" Oo, saglit lang.... Heto pala ang mga damit, ibinili kita. Magbihis ka muna... "


" Wow, salamat kuya Randy! Hayaan mo mababayaran din kita! "


" 'ku... 'Wag kang mag isip muna nu'n, ang importante, nakaalis na kayo sa poder ni Larry! Sige na! "


Tumayo na si Angel sa kama niya, at pumunta sa banyo para magpalit. Ilang saglit pa'y bihis na ito. Nailigpit na din ni Randy ang kaunting mga gamit sa kwarto, at lumabas na sila para puntahan si Sanda. Wala na si Cristy sa labas nang datnan nila ito. Kaya kumatok na lang si Randy sa pinto.


" Come in! " Sigaw sa loob na narinig ng dalawa.

Hindi na nag-atubili pang pumasok si Randy, at Angel.


" Ikaw? Saan ka pumunta? Bakit nawala ka kanina? " bungad na tanong agad ni Cristy sa binata kanina. Nagtataka kase siya sa pagkawala nito at naghihinala.


" Ahm...pinuntahan ko po itong si Angel.


Kasama din ni Sanda ito na tumakas kay Larry, at nai-confine din dito. " Sagot naman ni Randy na mahinahon. Baka kase makatikim na naman siya sa babaeng amasona. Masakit din ang pagkakasuntok niya kanina dito.

Bumaling ng tingin si Cristy kay Angel. Nagtama ang mga mata nila nito.


" Ikaw...?! " Paanas na wika ng huli. Namukhaan niya ito.


Napamaang din si Angel. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae na kasama ng ate Sanda niya. Ilang sandali ng katahimikan ang naghari sa kanilang tatlo.


" A-Ate Cristy?! " Hindi makapaniwalang sambit ni Angel. Nasa mukha ang maraming katanungan, at pagtataka.


" O-Oo! Salamat buhay ka pa rin pala! " Naluluhang wika naman ni Cristy. Tumayo na ito sa pagkakaupo at sinalubong ng yakap si Angel.


" Ate Cristy!! " Pag ulit pa sa sinabi ng huli kanina. Mahigpit na nagyakapan ang dalawa. Saka lumapit sa kama kung nasaan nakahiga si Sanda at maraming tubo ang nakakabit sa katawan nito.


" Pa'nu Ate? Saan ka ba dinala ni Aling Trudis, nu'n? " Pagdaka'y tanong pa muli ni Angel kay Cristy. Masaya siya't ito ay nakita niyang muli.


" Mahabang kwento, Angel. Sa ngayon kailangan ko muna ang tulong mo... "


" Huh? Saan? Bakit? Si Ate Sanda, anong nangyari sa kanya? "


" Nabaril siya ng tauhan ni Larry... "


" Ano? Diyos ko! Ang sama talaga niya! " Angal pa ni Angel. Naiiyak siya para sa ate Sanda niya.


" Okey naman na siya...nakuha na agad ang bala sa katawan niya! "


" Sana gumaling agad siya! "


Natahimik silang dalawa. Hawak sa kamay ni Angel si Sanda. Naroon ito sa tabi ng kama ng huli. Si Randy nama'y nasa sofa lamang, at nagmamasid sa mga ito.


Tumayo si Cristy, at lumayo sa kama. Tinawagan niya ulit si Ronnie para ipaalam dito na may nakita na siyang ipapalit kay Sanda para dalhin kay Larry. At iyon ay walang iba kundin si Angel.


Itutuloy. . .


Mahuli na nga kaya si Larry?

Maligtas kaya sina Agnes sa pagkakabihag ng una?


Si Angel, makaligtas pa kaya kung siya ang gagawing pamalit para kunin muli ni Larry?

At si Randy, ano ang lihim niyang hindi pa nasasabi kay Sandra?!


Abanga ang huling kabanata!

Magdalena Series 2:Bugaw (Cassandra Perez )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!