PBAP 11

3.8K 93 0

Ilang araw na akong nagiging sensitibo at lagi akong nasuka tuwing umaga kaya di ko na alam ang gagawin ko sa mga araw na yun. Kaya andito ako kasama si Grace at naikwento ko na sa kanya lahat even the sex story.

"Grace" Tawag ko at napaharap ito "Bakit ganito?? Tuwing umaga lagi akong naduwal, tapos ihi ako ng ihi, tapos kain ako ng kain ng Ice Cream na cookies n cream at pinaghahalo ko yung strawberry at ice cream"

"Anyare sayo?" Sabi nito at inilapag yung pasta niya at hindi ko ginusto yung amoy.

"Ambaho niyan Grace ayoko yung amoy niyan" Sabi ko at inilayo naman niya

"Bakit? Sinong buntis?" Sulpot ni Shane na may hawak na tray at cake at milkshake ang pagkain.

At tinignan ako ng makahulugan ni Grace.

"Di kaya... "

"No!" Sabi ko. Hindi pwede toh,

"Ate France?" -Shane.

"Ubusin na muna natin tong pagkain at may pupuntahan tayong tatlo" Sabi ni Grace kaya kumain na kami.

••••••••

"Pharmacy?" Sabi ko di nila sinagot tanong ko at pumasok na kami sa loob.

"Miss Isang Pregnancy Test nga" Sabi ni Grace

"Pregnancy Test?" Tanong ng matanda na mga nasa 40's

"Opo, siya gagamit" At tinuro ako ni Shane

"Ay naku! Kayong mga bata" At naghanap ng PT.

"Oh, 150 pesos" Ang sungit nito.

Ako na ang nag bayad at kinuha ko na yun paper bag na nilalaman na PT.

Agad kami pumunta sa isang mall na malapit sa University at dun kami sa CR.

.......

"Anong resulta?" Tanong ng magkapatid.
Hays....paano na toh? Baka magalit sa akin si Mama "Hays.....Two Lines, positive" Sabi ko at lumapit sila sa akin at niyakap.

"Paano na toh, Grace, Shane? Paano ko masasabi kay Jhake?? Lalo na sina Mama?" Umiiyak na pahayag ko

"France, alagaan mo na lang yang bata at wag mong ipapaabort" Sabi ni Grace na ikinabigla ko.

"Grace!..Kahit kailan di ko naisip yan!" Sabi ko at nagsorry naman ito.

"Ate, kelan ka pwede pumunta sa Ob-Gyne?" Tanong ni Shane.

"Baka pag uwian na lang" Sabi ko.

Naglakad na kami pabalik sa University.

Hawak ko anak ni Jhake which is Anak ko din... Magkakaanak na ako sa kanya.. Jhake bakit mo toh nagawa? Aish! Ako rin naman din may kasalan, kung sana pinigilan ko siya pero hindi e, kaya eto na lang gagawin ko ay ang alagaan ang batang nasa sinapupunan ko.

..........

"Ok, class don't forget your assignment the two chapters you need to write" Sabi ni Ma'am sa Physics.

"Yes po" Sabi ng iba hindi ko magawang magsalita dahil sa sitwasyon ko.

Kaya pala lagi akong nagcrecrave sa Ice Cream at strawberry.

Tumayo na ako saka kinuha ko na yung mga gamit ko at paglabas ko may bumangga sa akin na babae at dahilan bakit nahulog yung mga gamit ko.

"Sorry, miss sorry" Tarantang sabi niya at pamilyar siya a.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!