PBAP 10

3.8K 89 0

Nagising na lang ako sa sinag ng araw at pagmulat na pagmulat ko nakita ko braso ni Jhake..

Naka dress parin ako at naka suit and tie pa ito hindi pala kami nakapag palit.

Babangon na ako ng may kung ano sa sikmura ko kaya agad akong napabangon at tumakbo sa c.r at dun ako nasuka.

"Ano ba nakain ko kahapon?" Sabi ko na lang.

Pumasok ako kwarto ko at kumuha ng Sando at short tsaka nag bihis duon narin mismo sa kwarto kasi tulog parin naman si Jhake.

Then pumunta ako sa kusina para Magluto ng makakain niya.

Luto lang naman ako ng Bacon, Egg, Sausage at nagtimpla narin ako ng Orange juice at naghain na rin ako.

Habang naghahain ako na bigla ako ng may nagsalita.

"Ano yan?" Tanong ni Jhake.

"Almusal?" Sabi ko "Magpalit ka na tas kumain ka na"

Pumunta ako sa sala at umupo sa couch.. Then nagulat ako 8 messages lahat galing kay Grace!

From: Grace
Hoy! Mag explain ka sa akin bukas babae ka!

From: Grace
Ano tong sinabi ni Shane na boyfriend mo daw tong si Jhake?!

From: Grace
Mag explain ka!!! Kaya pala lagi mo kong tinatakbuhan dahil may relasyon ka na!

From: Grace
Bwisit ka! Kaibigan kita tapos naglilihim ka tampo ako sayo

From: Grace
France Miller!!! Madami kang ieexplain sa akin!

From: Grace
Bukas magkwento ka kundi kokonyotan kita

From: Grace
Ikaw di kita tinuruan mag lihim

From: Grace
France! Mageexplain ka talaga.

Hala! Nagtatampo na yung amazona hahaha! And shit, paano ko maikwekwento? Ingay talaga kahit kelan ni Shane.

"Sino yang katext mo?" Tanong ni Jhake na katabi ko at halatang bagong ligo. Pero bakit ang baho niya?

"Dun ka nga sa kusina! Kainin mo na dun yung pagkain, ang baho mo!" Sabi ko at tinakpan yung ilong.

"Ako? Mabaho? Kaliligo ko lang France" Sabi nito at inamoy amoy sarili.

Ewan ko basta naduduwal ako sa amoy niya, minty e yuck!

"Kumain ka na dun, lumayo ka sa akin" Sabi ko.

"Tapos na ako kumain at ako na rin ang naghugas, ikaw dapat ang kumain" Sabi nito.

"Ayokong kumain" Sabi ko.

Pero hindi ito umalis sa tabi ko kaya agad akong pumasok sa banyo at dun na duwal.
"Anong meron sayo?" Tanong niya at kita mo sa mukha niya ang pagaalala.

"W-wala lang toh hayaan mo na" Sabi ko at nagkibit balikat lang ito.

Anong bang meron sa akin? Bakit biglaan na lang ako naduduwal?...

Naka upo lang ulit ako dito sa couch at nanonood lang ng teleserye.

"Congrats kuya stephen.....hahaha! Ilang buwan ng buntis si Ate Fei?..... So next month na siya manganganak?.... Boy or girl??.....nice Hahaha! Panigurado ako sayo mag mamana yang anak niyo..... Yeah... No, never... I'm so very sure Kuya....Geh may pasok pa ako sa susunod na lang" Sabi ni Jhake na biglang lumabas sa kwarto nito at bihis na bihis..

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng nakatitig sa akin "Ano?" Tanong ko.

"Ayos ka lang ba?, bakit mo pinaghahalo yang mangga at nutella?" Tanong nito.

Aw yeah, ang sarap kasi e "Bakit? Masarap kaya, tikman mo" Sabi ko at umiling.

"Ayoko, sasama lang sikmura ko" Sabi nito at napa nguso na lang ako "Bye" at umalis na ito.

Ang sarap kaya ng Mangga na may nutella, ewan ko bakit ang arte niya, hayaan mo na nga.

~*~*~*~*

Time Check: 8:30 pm

Hanggang ngayon wala parin si Jhake at may nakaluto na pagkain, kumain na rin ako tanging siya hindi pa.

Pero langya naman! Katatapos ko lang kumain pero nagugutom pa ako.. Parang gusto ko ng Ice Cream yung Cookies and Cream at gusto ko rin Ng Strawberries.

Kaya ito ako nagbihis naka Violet V-neck shirt at naka Puting Leggings saka ko kinuha yung wallet ko at Phone and off to go na ako sa Store malapit sa condo ni Jhake.

I don't know why i feel this thing, mostly i'm always craving for food.

Pagpasok ko sa isang Convinient Store na Open 24/7 yeah...

Agad akong bumili ng 2 galons of Cookies and cream and 3 kilos of strawberries, and umabot ako sa 753 pesos dahil lang dyan.

Pero bago ako umalis pumunta ako sa Beverage station at bumili ng dalawang chocolate milk.. At tuluyan na akong lumabas at dali dali pumunta sa Condo Unit ni Jhake.

"San ka galing?!" Bungad sa akin ni Jhake. Di ko naiwasang matakot.

"B-bumili lang naman ako ng Makakain ko" Utal utal kong sabi..

Napatingin naman siya sa bitbit kong supot "Yan?! Kakainin mo?!"

"Please wag ka namang sumigaw" Gusto kong umiyak dahil natatakot ako sa kanya pag galit.

Huminga na lang siya ng malalim at pumasok sa kwarto nito at ako naman dumeretso sa kusina saka ko nilagay sa freezer yung ice cream at sa ref yun chocolate milk.. Hinugasan ko yung strawberries at yung iba nilagay ko muna sa vegetable place basta.

Anong oras na mga 9 tapos eto ako naka sando na puti at pajama na pero andito ako sa sala kumakain habang nanonood.

Pinaghahalo ko lang naman yung ice cream at yung strawberry. Pero di ko alam yun ang gustong gusto ng dila ko.

I can't stop eating this sweet and i don't know why i'm loving eating this! It's like i'm in heaven.

Then i realize it's already 10 in the evening so i decided to go to sleep.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!