iDangs

807 23 8
                                    

iDangs

Her stories are really awesome, una kong nabasang story niya ay Teen Clash: Boys VS Girls. I find it really cute at pinagpuyatan ko din 'yon, sa e-book ko rin siya nabasa. Natatawa ako sa character ni Sab kasi pakiramdam ko magkaugali kami ng konti. Saka ang galing magpayo ng magkaibigan sa isa't-isa. Pati ikaw na mambabasa ay makakakuha ng aral, tungkol sa love nga lang. May times na pwede mong i-adapt yun sa sarili mong buhay.

I'm currently reading her stories which are Teen Clash: The Trouble With The Rule, Wanted: Somebody to Love and Kiss of Fate. Lahat sila ay magaganda at worth it ang paghihintay ng updates.

I can see improvements everytime na mag-u-update siya. Lahat ng stories niya, nakatatak na sa buong katauhan ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga tauhan sa kwento niya.

Ang cute-cute ng TTWTR! Gustong-gusto ko ang lahat ng characters lalo na si Tamara, ang cool niya kasi! And she love her family so much at natututo na siyang makisama. Basta, super feels ang nararamdaman ko kada binabasa ko ang mga kathang gawa niya.

#NatAra #PiTer #HaiRen ftw! XDD

Masyadong tagos sa mga bones ang mga linyahan sa story niya. Kilig to the max kahit hindi nakakakilig ang scenes. I'm attached to each of her stories, sobrang close ng mga ito sa puso ko. Ansarap magbasa lalo na kung nakakainspire ang nga nababasa mo. Mas lalong napapalakas ang determination mo na someday, makakagawa ka rin ng maganda na kwento. Hindi man kasing ganda nang sa kanila, nakaka-inspire at nakakapag-iwan ng saya sa mga mambabasang nag-aabang sa updates mo.

Thank you Miss Ai. I'm one of your greatest fans. Hindi lang ako ang naiinspire mo, pati yung mga taong iniidolo ka at hinahangaan ang mga kathang gawa mo. Keep it up! I hope you'll keep on writing to inspire others. Congratulations for the success you've attained.

PS. Andami kong mga grammarical errors, sorry. T^T

iDangs

----Marah

A Fan's LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon