“Sir, I’m sorry. I need to do this to you,” bulong ni Charm at niyakap si Hugo.

“Cha—Charm, I—I love her… but she left me…she lef—” huling mga sinabi ni Hugo bago ito tuluyang pumikit.


SHE’s currently waiting for him, ihinandan ni Belle ang damit ni Hugo dahil buong akala niyang maaga lamang itong bumangon.

“Manang Karing, si Hugo po?” tanong ni Belle.

“Maagang pumasok sa trabaho,” mahinahon na sinabi ni Manang Karing. 

“Hindi siya nagsabi na aalis siya kaagad,” napangiti lang si Belle pagkatapos ay umupo bandang kabisera. 

“Kumain ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagsisimula na ba ang morning sickness mo?” tanong ni Manang Karing.

“Eh, opo. Ang aga nga po nang nararamdaman ko.”

“Ganyan talaga may early pregnancy signs. Naku at excited na ako sa gender niyan. Ano ba ang gusto mo?”

“Kahit ano na lang po basta healthy.”

Napangiti si Manang Karing at naalala si Franklin Hugo. “I am happy for both of you. Alam mo ba, pagkatapos maging ulila ni Hugo, he dreamt of having his own family at a very young age, fifteen pa lang siya noon nang magsimula ng umibig.”

“Napaka bata naman po niya? Para isipin ang ganyang bagay.”

“Oo hija, Hugo wants to have his own family dahil ayaw niyang maging businessman, ayaw niyang pasukin ang magulong buhay ng negosyo. He only wants to serve the church, until he me—” biglang natigilan si Manang Karing dahil pakiramdam niya’y wala siya sa hulog para ikwento ito kay Belle.

“Okay lang naman po na iwkento niya sa akin. I’m interested about his ex. Ang totoo po nito, nakita ko ang litrato niya sa album ni Hugo. It was well-kept, halatang ingat na ingat siya. Pero ayaw niyang pag-usapan.”

Napansin ni Manang Karing ang pag-iba ng reaksyon ni Belle. She looks jealous and sad. “Naku, hija. Si Hugo kasi first love niya iyon si sister. Hugo likes older women, maybe because he’s longing for motherly love. Tsaka huwag mo masyadong isipin, nakaraan na si Myla. Matagal na rin siyang sumakabilang buhay.”

“Bakit po ba siya namatay?”

“Dahil sa trahedya. Mahabang istorya. Sige na kumain ka na,” pag-iwas ni Manang Karing.

Para bang sising-sisi si Manang Karing na magkwento dahil nawala ang matamis na ngiti ni Belle lalo ang mga mata nitong naging malamlam at para bang may malalim na iniisip.

“That’s why he’s still affected? Nagkahiwalay sila nang walang pormal na paalam dahil sa aksidente… what if she’s still alive? Manang Karing said she likes older woman than him, ano naman kaya ang nagustuhan ni Hugo sa akin? Napakalayo ng agwat ko sa kanya…” bulong ni Belle sa sarili pagkatapos ay yumuko upang hawakan ang sinapupunan. “No… hindi ko kailangan mag-isip ng kung ano-ano against him. Tama si Manang, part na ng nakaraan ang lahat. I am his present, at magkakapamilya kami.”

Pagkatapos ng ilang oras, hindi mapakali si Belle at muling hinalungkat ang gamit ni Hugo, ngunit sa pagkakataon na ito. Wala siyang makitang album. Ang tanging nahanap lamang niya ang isang itim na kahon. Kunot-noo si Belle nang makita ang luma niyang underwear.

“What the hell?” Napasapo ng sentido si Belle nang sumagi sa isip niya ang lalaking kumukuha ng underwear niya sa bar. “Bakit nasa kanya ito? It means noon niya pa ako sinusundan?!” Bulalas ni Belle at nakita pa ang ilang nawawalang underwear. “Pambihira, Hugo…” hindi alam ni Belle kung tatawa ba siya hanggang sa makita niya ang ala-ala mula sa nakaraan. It was the metal ball  from Joseph and Henry.  “Bakit nasa kanya ito? Paano niya nakuha?”

Muling kinalkal ni Belle ang mga gamit ni Hugo hanggang sa hindi niya sinasadya na masubsob at bumangga ang siko sa pader kaya naman umtras ito. 

Napalunok na lamang si Belle nang makita ang siwang. “May secret room din siya,” dahan-dahan na bumangon si Belle at pumasok sa loob. 

Napanganga at hindi halos akalain ni Belle na nakapaskil ang mukha niya sa isang transparent whiteboard. Mula pa sa kanyang lumang litrato hanggang sa makita niya ang screen shot footage, diamond watch ni Gael lalo na ang litrato nito.

Unti-unting inaalala ni Belle ang lugar na ito hanggang sa tinakpan niya ang bibig. “It can’t be… ako… ako ang taong nagnakaw sa milyun-milyon pera ni Frank para kay Cassandra?”

Napaatras si Belle hanggang sa makita pa niya ang lumang dokumento. Her fake birth certificate versus to her birth certificate coming from the church. Biglang bumuhos ang luha ni Belle hanggang sa tuluyan siyang lumabas. Hinawakan niya ang dibdib habng umiiyak.

“Nikawan ko siya… kaya ba nakasunod siya sa akin hanggang ngayon dahil alam niya na ako ang batang iyon?” Para bang lalamunin ng konsensya si Belle habang nakatingin sa salamin. Until she closed her eyes. Binabato ng kanyang isipan lahat nang illegal na pagnanakaw, ang abuso na ginawa ni Henry at Joseph sa kanya pati ang  kung ano-ano pang aabuso sa napala niya sa mga pamilya na umampon sa kanya even her foster mother Marga.

“Sino ba talaga ako? Hindi ko kilala ang sarili ko?! Am I just part of his investigation?!” Bulalas ni Belle at sinabunutan ang sarili.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now