"Hello kuya muntik nang sabunutan ng plastic girl na 'yon si Ate tapos hindi ka lalaban? Ang dami-dami niya pang sinabing pangit na hindi naman talaga dapat. Para niya lang dinescribe 'yong sarili niyang bulok. Saksakin ko pa dede noon para kumipis, e."

"Haze,"

"Tss."

"That's the first and last time that I expect to see you resorting to violence. Ang Ate mo nga hindi man lang naisipan iyon, e. Ang bata-bata mo pa marunong ka nang makipagsabuntan."

"Hello, kuya. Sobra kasi ang baklang 'yon. Akala mo naman gandang-ganda niya. Ni hindi nga dapat ako nagsorry doon, e. Deserve niya iyon."

Napairap na lang ulit si Haze. Napabuntong-hininga na lang ako habang tinitingnan siya. Si Esmeralda naman ay napapailing-iling lamang.

"Isusumbong kita kay Mama."

"Okay lang isumbong din kitang may kalandian kang iba dati."

"Haze, baby. Enough na."

"Okay. Sorry, ate."

"May pasok ka bukas, 'di ba?" tanong ko na lang kay Esmeralda na nag-umpisa nang kumain. "Do you want me to drive you?"

"No. Kaya na namin ni Haze iyon. Pahinga ka na muna kasi may flight ka na naman this coming Wednesday, right?"

"Yeah."

Natapos ang umagahan. Ngayon ay narito lang kami ni Esmeralda sa sala habang may ginagawa siya sa laptop niya. It's a design she is working on. Naririnig ko namang nagkakakanta na naman si Haze sa kwarto niya.

"Mahal..." I said.

"Po?"

"Sama ako bukas sa office n'yo."

Napalingon siya sa akin. Nangungunot pa ang noo.

"Why? Wala ka namang gagawin doon saka isa pa e kasama ko na si Haze. Gagawin na ba nating bahay ang office ko?"

"No. Hindi naman. Parang gusto ko lang sumama tapos diretsong gala tayo ng gabi."

"You'll just get bored there, mahal." sabay tawa niya.

Matapos iyon ay ibinaling na niya sa laptop ang atensyon niya. Heto naman ako ay hindi mapakali. Hindi ko mapigilang hindi magtanong kahit na gusto kong sarilinin na lang ang nasa isip ko.

"I haven't heard you talking about Leo recently, mahal. Are you healing na?"

She looked at me directly at my eyes. Sandali pang ngumiti saka tumango sa akin.

"Yep. I am, thanks to you." she even gave me a smack on my lips. "Bakit? Are you still mad about it? Are you still jealous about him?"

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now