Natawa ako sandali. Kahit papaano ay nabasawan ang kaba ko. Hindi pa naman garalgal ang boses niya. Hindi rin mahirap intindihin dahil malinaw pa iyon. Sa mata niya lang mahahalatang umiyak siya at may tama na ng alak.

"How much did you drink?"

"Two. Dalawang bote."

"What time did you start?"

"Pagkatapos na pagkatapos ko sa design ko."

"Hmm. Okay. That doesn't even matter right now. Bakit ka naglasing?"

Sandali siyang napairap. Humiwalay din sa pagkakahawak kamay sa akin at halos itapon na naman niya iyon. Muntik pang matumba nang biglaang tumayo para kunin ang cellphone niya pero bumalik din kakaagad sa kama. She tapped on her cellphone for seconds and then gave it to me. Sa screen noon ay makikita ang isang picture. A wedding picture, actually. And I know who it is. Leo. He is smiling at his bride at the picture. Agad na nagtaginting sa isipan ko ang nangyayari. Agad-agad na nadagdagan ang pagkaguilty ko sa ngayon dahil kahapon pala ang kasal ng Leo na iyon. Hindi tuloy ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko dadamayan si Esmeralda at isa pa ay dapat hindi ko nakalimutan iyon una pa lang. I should have been prepared to be with her when she breaks down. Kaya pala matamlay siya bago ako umalis kanina.

"See? Ang ganda niya ano? Wait… heto pa."

Binawi niya ang cellphone niya sa akin sandali at agad ding ibinalik iyon. This time, instead of the wedding pictures, it's a recent conversation between her and Leo. Sobrang recent lamang dahil kaninang alas otso lang iyon ng gabi.

"You're the one I was seeing

while I was having my vows."

"I may have married her,

pero ikaw pa rin ang mahal ko."

"Ikaw pa rin palagi."

Napabuntong-himinga na naman ako. The bravery of this man to even send these types of messages to her after he married another girl. Nakakagalit to think that the girl he married will be miserable. Oras pa lang ang lumilipas, her husband is already doing bullshits behind her back. Good thing Emerald did not respond to it and even from the past weeks' constant messages she received from him. Nang lingunin ko siya sa ngayon ay malungkot ang mga mata niya. Hindi umiiyak, walang mga luha. Siguro ay naubos na sa kakaiyak niya.

"Ang malas ni ate girl but at the same time, ang suwerte niya." she smiled. "She married the man I once wished to marry, yet I cannot imagine the pain it will give her if she knows what we did, what he's still doing, and what he truly feels."

Hinayaan ko lang na sandali kaming matahimik. Ako ay pinapakinggan siya at kulang na lang ay lamunin ng galit dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Esmeralda. But even though I am mad, I cannot let her know I am. She is what matters here. Her emotions are what matters here. I need to just listen and be with her.

"I drank kasi kanina pa ako nagcocompose ng congrats sa Instagram post niya." she laughed it off. "Tangina eight letters lang iyon pero hirap na hirap akong isulat 'yon. Everytime I tried to, hindi ko kinakaya. I always end up trembling. I am a really bad person. I should be happy for them, right? But why can't I do that right now? I have these crazy thoughts na sana hindi sila maging masaya, o maging failed 'yong relationship nila. Ang sama ng ugali ko, mahal."

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now