45 "Letting You Know"

41.1K 682 13
                                          

45

"Letting You Know" 


After namin kumain ni Tonsi, pumasok na ulit ako. Syempre buhay student kaya umattend ng classes. Mag-isa lang ako kasi may class din si Tonsi. Si Katy naman, wala na akong balita sa kanya. Nawala na lang na parang bula.

Nagkakasalubong kami ni Cliff, pero hindi ko sya pinapansin. Iniiwasan ko na talaga sya. Kung kausapin man nya ako eh nagdadahilan na lang ako. Ayoko na kasing marinig pa ang mga paliwanag nya at baka ang ending eh maawa at maniwala na naman ako.

Si Tonsi naman bigla-biglang sumusulpot na parang mushroom. Hindi ko alam kung may inilagay ba syang tracker sa'kin at alam nya yung exact location ko. Pero nakakatuwa din naman sya kasi may dala syang pagkain kapag pinupuntahan nya ako. Tapos tinutulungan akong magdala ng mga gamit ko, kahit sya mismo eh walang dalang gamit pag pumapasok. Genius lang ang peg.

Natapos yung last class ko at paglabas ko ng pintuan nakasandal sa pader si Tonsi,  naghihintay.

"Ang tagal mo naman, ngalay na ngalay na ko dito." Naglungkut-lungkutan yung boses nya na parang bata. Hindi ako sanay, parang hindi sya si Tonsi na kilala ko.

Natawa naman ako, hindi ako lumingon. Kunyari di ko sya narinig. Diretso pa din ako sa paglakad.

"Hoy! Aba – " sumunod sya sa'kin. " – tingnan lang natin kung pano ka makakauwi! Wag kang sasabay sa'kin huh." He threatens me kaya naman napatigil ako. Wala akong magawa dahil tama naman sya kaya nilapitan ko na sya.

"Hi!! Kanina ka pa ba dyan? Hindi mo naman ako tinawag, akala ko tuloy kung sino yung sumisigaw." Ngumiti ako habang nagmamaang-maangan pa na hindi ko sya narinig. Pero hindi nya ako pinansin. Tiningnan nya lang ako at naglakad na palabas. Ako naman ang humabol ngayon. Ay! Ang kapal talaga, dahil alam nyang wala akong sasakyan pauwi ginaganito na nya ako. "Tonsi, sandali naman!" Hinabol ko sya hanggang parking lot na parang may marathon dahil sa bilis nyang maglakad.

Nauna syang pumasok ng kotse. Bubuksan ko na yung car pero nakalock. Kinatok ko yung window ng car. "Hello, can you please unlock the car?" Maayos pa akong magsalita nyan ha. Hindi sya magiging si Tonsi kung hindi sya magta-tantrums ng ganito.

Hindi sya tumingin sa'kin at nagbingi-bingihan lang. "Tonsi, ano ba?!" Naiinis na talaga ako sa kanya at nasigaw na ako. Kinuha ko  yung ko at tinawagan ko sya. "Sabi ko unlock the car! Isusumbong talaga kita kay tita!!!" Sigaw ko sa kanya na halos lumabas na yung lungs ko.

Tumawa lang sya na parang siraulo then he unlocked the door. Pumasok ako sa loob ng nagdadabog. Hindi ko sya kinausap hanggang makauwi kami. Nakakainis kasi sya. Hindi ko na hahayaang sya yung maghatid sa'kin next time. Ay! Nasisira ang araw ko. Sobrang unpredictable kasi 'tong si Tonsi. Tinalo pa ang earthquake. Akala mo babae!

Pagdating na pagdating namin sa bahay bumaba agad ako at pumasok agad sa loob. At napaka nya talaga. Sumunod sya agad sa'kin at binangga pa ko na akala mo isa lang akong invisible na living thing na nakaharang sa dinadaanan nya. Sinasadya nya kasi nangiti-ngiti pa sya na halatang nageenjoy sa pambubuwisit sa'kin tsaka sya dumiretso sa kwarto nya.

Hindi pa ko nakakaakyat ng marinig kong may sasakyang tumigil. Naiwan pa lang nakabukas yung gate. Lumabas ako para isara pero nakita kong isinasara na ni tita.

"Tita, napaaga po yata ang uwi nyo?" bungad ko dahil di ko inaasahan ang pagdating nya. Isumbong ko kaya si Tonsi? Kaso malamang kampihan nya yun kasi anak nya. Ano ba yan? Hindi ko na alam saan lulugar dito.

Lumapit sya at nagbeso sa'kin. "Hindi naman ako pumasok. May iniisip kasi ako kagabi pa kaya naglibang muna ako." Tipid nyang sagot sa'kin at mukhang wala syang gana. Para syang walang tulog at problemado. Ano kayang iniisip nya?

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon