Chapter 9

4K 181 30
                                    

Chapter 9

Hinawakan ni Hermes ang braso ko at maingat akong itinabi. Rain parked her bike and took off her helmet.

Hermes snickered, making me look at him. Nilapitan niya si Rain at inakbayan na ipinagtaka ko. Pinalis ni Rain ang kamay nito at walang emosyon itong tiningnan.

"Ikaw na ang dinalaw, ikaw pa ang masungit." Naghalukipkip si Hermes saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Rain. "And look at your clothes. Are you going for a ride?" he asked sarcastically.

Magkakilala sila?

"Shut up! I did not ask you to come and see me." Nilagpasan niya kami, pero mabilis siyang nahawakan ni Hermes sa braso.

"Get your hands off me," she said, almost snarling.
Tiningnan niya ako bago tuluyang hinarap si Hermes. Binitawan siya nito.

"Treat me to breakfast. I drove my dad here. I didn't have time to have breakfast at home."

Kung hindi ko lang alam na kahihiwalay lang ni Rain at Benj, iisipin kong si Hermes ang boyfriend niya. Benj was the most popular guy here in Avira, but if Hermes studied here, people would ignore Benj. Anak ng isa sa mga board member ng private university na ito si Benj.

Teka, sinong tatay ni Hermes?

Bigla kong naalala kung saan ko siya hinatid kagabi. "Is your father the president?" I asked, stealing their attention.

Napahawak si Hermes sa batok niya saka tumango. Good genes, the reason why he was so good-looking!

"Am, hintayin ka na lang namin sa room n'yo!" sigaw ni Sol sa spot kung saan nakaparada ang kotse niya.

Nakababa na rin ang window ng driver seat, si Kuya Habagat ay pinanonood din pala ako.

May ibinulong si Sol kay Yan. Nagtatawanan silang iniwan ako. Ibinalik ko ang tingin kay Hermes at Rain.

"Sama ka sa amin mag-breakfast, Amihan," aya ni Hermes.

He was smiling beautifully. Ayoko sana pero hinawakan niya ang braso ko at hinila ako paglalakad.

Napalingon ako kay Rain nang bigla rin niya akong hawakan at higitin palapit sa kanya. Nabitawan ako ni Hermes.

"Stupid. This is the way to the canteen," she whispered.

Nakasunod sa amin si Hermes at mabuti ay hindi siya nito narinig. Hindi ko maiwasang tingnan ang maganda at makinis niyang mukha.

They broke up yesterday, but she acted as if nothing had happened. Kung ako ay hirap na hirap mag-move on, bakit siya ay parang wala lang? Hindi ba ganoon kalalim ang nararamdaman niya kay Benj o magaling lang talaga siyang magtago ng nararamdaman?

"Stop staring." Nilingon niya ako at binitiwan. Nauna siyang maglakad at si Hermes naman ang sumabay sa akin.

"She's so unpredictable," Hermes commented. "But she's the kindest person I know."

Napangiti ako, bumalik sa isip ko ang mga ginawa niya para sa akin. "What's your relationship with her?"

"She's my best friend." Napatigil siya sa paglalakad at gumaya ako. "We've been childhood friends since we grew up together. Our mothers were also best friends."

Tumingin siya sa likuran ni Rain saka malungkot na ngumiti.

"I came here to check on her. Another friend who studies here told me that she broke up with her boyfriend."

Napalunok ako, nakaramdam nang matinding emosyon para kay Benj—galit. Galit para sa mga tao at buhay na ginulo niya.

"I'm worried because she has no friends at this university."

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon