Chapter 8

4K 196 30
                                    

Chapter 8

"Amihan!"

"Hey, Am!"

Isinubo ko ang fries na hawak bago nilingon sina Yan at Sol. Pinapanuod nila ako, si Yan ay nakakunot ang noo at si Sol ay medyo nakaawang ang bibig na napailing.

"Kanina ka pa namin tinatawag. Naglalakbay na naman ang isip mo." Kumuha si Sol sa fries ko at ngumisi. "Dahil ba 'yan sa pagka-cutting mo kanina?"

Uminom ako ng lemonade at tuluyan na silang hinarap. "I saw Benj kissing Rain."

"They're in a relationship, so kissing is normal." Nanlaki ang mga mata ni Yan nang na-realize ang sinabi ko. "Wait, where?"

"In the locker room."

"And then?" Sol took a sip of my drink and looked at me with a curious expression.

"Rain broke up with him."

"Ooh." Sol sounded like she knew it would happen.

"Is it because you're Benj's ex?" Dumampot si Yan sa nachos niya at marahang ngumuya.

"Bakit naman makikipag-break si Rain nang dahil lang sa akin?" kunot-noo kong tanong.

"Dahil hindi niya kayang i-tolerate ang klase ng tao na katulad ni Benj." Ibinalik ni Sol sa akin ang inumin ko saka sumandal sa puno.

Nasa ilalim kami ng puno ng narra, nagpapalipas ng oras bago pumasok sa susunod na subject. Wala ang professor namin ngayon kaya naisipan namin na magpahangin dito.

"Tanga na lang ang magpapatuloy pa rin sa relasyon na puno ng kasinungalingan. Ikaw ba, anong gagawin mo kung ikaw si Rain? Nagsinungaling sa 'yo na single pa siya, niligawan ka, tapos naging kayo."

After a moment of silence, I started thinking about the situation. "I'll do the same."

"I knew it. That's the kind of person you are, Am." Pinanood ni Sol ang mga estudyanteng nagtatawanan sa hindi kalayuan.

I closed my eyes and attempted to clear my mind. Umalis lang kami sa pwesto namin nang biglang umambon. Tumatawa kaming bumalik sa Nursing Building dahil muntik pang masubsob si Sol sa pagkakatisod.

Palabas ako ng OSA nang nag-ingay ang group chat naming tatlo.

Sol:
We're here in the parking. Overnight tayo sa inyo.

Mabilis akong nag-reply.

Me:
May magagawa pa ba ako, e nakapag-decide na kayo. Kayo ba may-ari ng bahay?

Yan:
Minsan ikaw. Madalas kami.

Natawa ako sa reply ni Yan. Paliko ako sa parking nang may humarang sa daraanan ko.

Tumunghay ako, napakunot-noo sa lalaki sa harapan ko. "Yes?"

Matangkad siya, gwapo, at sa suot ay halatang anak-mayaman. Mukhang hindi siya rito nag-aaral dahil sa unipormeng suot.

He stared at me, his mouth curving up to reveal his perfect white teeth. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko buong buhay ko ay masasabi kong siya ang may pinakamagandang ngiti.

"I'm kind of lost. Can you help me find the president's office?"

Tumango ako. Sinimulan kong maglakad at sumabay siya sa akin. Tumunog ang phone ko, pero hindi ko ito pinansin.

Nilingon ko ang lalaki nang mahina siyang tumawa. "Your boyfriend is being impatient."

"Huh?" lito kong tanong.

"Your phone keeps on vibrating."

"Ah." Mahina akong tumawa. "Mga kaibigan ko. Hinihintay ako sa parking."

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon