CHAPTER 5

212 8 5
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa puwesto ko. Dahil marahil sa pagod sa pagtakbo kanina ay bumigay na ang katawan ko. Naalimpungatan na lamang ako noong maramdaman kong tumigil na ang sasakyan ni Stanley Perez.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at umayos na rin nang pagkakaupo. Wala sa sarili akong napatingin sa labas ng sasakyan at noong mamataan ang isang hindi pamilyar na paligid, agad akong napatingin sa driver's seat at napakunot na lamang ng noo noong makitang wala na roon si Stanley. Napabaling na rin ako sa puwesto ni Lorenzo kanina at kagaya nang inaasahan ko, wala na rin ito roon.

"Ang bilis naman nilang bumaba," mahinang turan ko at sinubukang buksan ang pinto ng sasakyan sa tabi ko. Segundo lang ay natigilan ako at muling sinubukang buksan ito. "It's locked." I stated. What the hell? Napailing na lamang ako at muling umayos nang pagkakaupo. Pinagmasdan ko ang madilim na paligid at pilit na hinanap ang dalawang lalaking kasama kanina. "Saan ba nagpunta ang mga iyon?" tanong ko sa sarili at noong hindi ko sila maaninag man lang sa madilim na paligid, napabuntonghininga na lamang ako.

Isinandal ko ang likod sa backrest ng upuan at hinintay na lamang na makabalik ang dalawa. At pagkalipas ng ilang minuto, namataan ko na si Stanley. Mabilis itong naglalakad pabalik sa sasakyan at noong buksan na nito ang pinto sa may gilid ko, napa-arko ang isang kilay ko.

"Let's go," anito at siya na mismo ang nagtanggal ng suot kong seatbelt. Hindi ako nagsalita at hinayaan na lamang ito sa ginagawa. At noong matapos na ito, mataman itong tumitig sa akin. "You're safe here. Come on."

Napatango na lamang ako at kumilos na. Bumaba na ako sa sasakyan at tahimik na tiningnan ang paligid. Sa mga naglalakihang mga puno pa lang ay alam ko nang malayo na kami sa siyudad. Where the hell are we? Saan naman ako dinala ng lalaking ito? Hindi ba dapat ay sa Police Station kami dumeretso kanina at humingi nang tulong sa kanila?

"Pagmamay-ari ng pamilya ni Lorenzo ang safehouse na ito. Walang nakakaalam na nasa party ito kanina kaya naman imposibleng mahanap nila tayo sa lugar na ito," ani Stanley kahit na wala naman akong tinatanong sa kanya. Napatango na lamang akong muli sa kanya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa safehouse na sinasabi nito.

Tahimik na sala bumungad sa amin noong tuluyan na kaming nakapasok sa safehouse nila Lorenzo. Mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi at napapitlag na lamang noong makarinig ng kalabog sa bandang kanan ko. Napatingin ako kay Stanley at noong mamataan ang pag-iling nito, napakunot ang noo ko.

"Lorenzo, huwag kang magmarunong diyan sa kusina!" sigaw nito na siyang ikinaawang ng labi ko. "He's trying to make some food for us. Ayaw magpapigil."

"Does he even know what he's doing? May alam ba ito sa pagluluto?"

"Definitely not," ani Stanley na siyang ikinangiwi ko. "Maupo ka na lang muna. Ako na ang bahala sa kusina."

Napatango na lamang ako kay Stanley at marahang naglakad patungo sa sofa. Naupo na ako roon at tiningnan ang papalayong bulto ni Stanley. I sighed. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ako. Hindi ko alam kung tama ba ang pagsama ko kay Stanley at sa weirdo niyang kaibigan. Hindi ko na talaga alam!

"Daddy," mahinang sambit ko at isinandal ang likod sa backrest ng sofa. "Sana'y ligtas ito." I sighed again. May tiwala ako sa mga bodyguard nito kaya naman sana'y ligtas itong makaalis sa lugar na iyon. Damn it!

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at ikinalma ang sarili. Mayamaya lang ay napatingin ako sa gawing kanan ko noong sabay na lumabas sa pintuan ng kusina si Stanley at Lorenzo. Nakangisi si Lorenzo samantalang nakasimangot naman ang kaibigan nito. Napaayos ako nang pagkakaupo at wala sa sariling napatingin sa chips na hawak-hawak ni Stanley.

"Here, take this," aniya na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. "This jerk ruined all the ingredients. Wala na tayong magagamit sa kusina ngayon."

"Malay ko bang hindi pala dapat inuubos ang mga iyon at ilagay sa iisang pot lang!" Natatawang wika ni Lorenzo at naupo sa bakanteng upuan sa gawing kaliwa ko. "Magpa-deliver na lang tayo, Stan!"

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon