Chapter 1

18 0 0
                                        

"Tama na yan Al, malalate na tayo sa pinag gagawa mo e."

"Last picture nalang to. Cute kasi ng pusa eh, tao lang naman ako"

Naglalakad kami ng kaibigan ko sa hallway nang may makita kaming kulay black na stray kitten at kulay green ang mata. Siyempre masaya ko 'yon na tinawag and I am in relief that the cat is very affectionate to me right now. Im stroking gently its head at masaya akong marinig yung mahinang pag purr niya. Ang cute talaga.

"Magbabayad tayo ng fee pag nalate sa general assembly! Animal ka, tara na kasi!"

I frowned at her, admitting my defeat. Tama siya, 100 pesos din kasi yung penalty fee kapag absent sa school events. Alam kong kaya niyang magbayad pero ako, hindi.

Hinila ni Selene yung buhok ko habang yung isang kamay niya ay nasa bag ko kaya kahit hindi ko man gusto ay napasunod na ako sakaniya. Gago talaga, parang hindi manlang ako kaibigan dahil parang hayop ako ituring.

"Bye bebe miming!" Sana makita ko ulit siya mamaya, i-uuwi ko 'yon kung puwede lang sana.

Tumakbo kami ng kaibigan ko patungo sa asylum ng school namin as if we were running for a life. Nakahinga ako namg maliwang nang makita kong nakaabot naman kami at maikli na lang yung pila.

"Ikaw nalang mag-pirma sa'kin, ako na mag-rereserve ng upuan mo"

Mag-isa akong pumila para sa attendance namin ngayon. Yung president lang naman ng klase yung naka assign kaya wala ng kaso kung ako yung mag-pipirma para sa attendance ni Selene basta present naman siya.

Bumili muna ako ng snacks sa labas ng asylum since malapit lang yung canteen namin doon. Panigurado kasing matagal-tagal ang event at gusto ko din ng may makakain. Pang alis ng bagot kung sakaling antokin.

"Naks! Ikaw talaga pinapila ko kasi alam kong bibili ka ng snacks!"

"Kaya nga hindi na ako nag reklamo kasi alam ko na mambuburaot ka nanaman"

"Ganoon talaga 'pag friend with benefits Alore, gave and take pero ako lang dapat lagi nag-rerecieve"

I scoffed. "Buti nalang ako kaibigan mo, hayop na ugali 'yan" Its our inside joke.

Sa friendship namin, ako talaga minsan ang nambuburaot sakaniya– sharing foods that I can afford with my small amount pocket money is nothing because she'd always insists na ilibre ako ng pagkain. Hindi din ako makatanggi kasi it will just end up to a light argument and she'd always win. Nasanay na din ako minsan saka isa pa, nakakatulong din sa school expenses ko kahit na may scholarship ako.

"Diba si Steve 'yon? Yung anak ng Dean omg ka!"

Napalingon din ako sa tinuturo ng kaklase ko sa harap. Dinig na dinig ko yung usapan nila kanina pa kaya hindi ako mafocus sa speaker. Hindi naman sa interested ako mga sinasabi sa harap dahil basic moral ethics lang naman halos yung rules na sinasabi na kailangan i apply sa sarili. Pero ayun nga, nakaka distract yung kaklase ko dahil sila yung nasa harapan ko.

"Sabi ko sayo pogi yan eh, kaya nga nasa tamang school ako enrolled" Mahinang saad ni Britney sa kaklase habang tumatawa.

Buti nalang sa pinakagilid kami kaya hindi pansin ng professors yung ingay.

"Ayan nanaman sila sa mga sakit nila" Bulong sakin ni Selene.

I chuckled. "Gago ka talaga..." Bulong ko sakaniya sabay kurot.

Tiningnan ko yung anak ng dean habang rinig ko padin yung mahinang bulongan ng mga kaklase ko. Their section's sitting arragement is atleast 5 meters away from me. I'm lying if I said that Steve is not attractive. From this distance, I can clearly recognize that he has clean hair cut, pointed nose and he also possess appealing dimples. Mukhang mabait dahil siguro ngumingiti sa kung ano mang pinag uusapan nila ng katabi niya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 08, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Binding Deflection Donde viven las historias. Descúbrelo ahora