Chapter 9 - Enjoy it while it lasts

Magsimula sa umpisa
                                        

I never thought na sumali pala si daddy sa fraternity ah! I'll asked him later pag-uwi ko.

"Hindi po niya nai-kwento sa amin." I politely said.

"Ahh! Still the secretive, Edward." Nakatawang sabi nito tapos ay uminom ng hawak niya alak kanina pa.

"Pero, our fraternity is not like those fraternities na pinoportay sa mga pelikula ah!" Depensa agad ni Tito Conrad.

Tipid na ngiti na lang ang naisagot ko dahil hindi ko naman na rin alam kung anong dapat kong sabihin.

I looked down kasi I felt someone is tugging the hem of my dress.

"Hi!"

Isang batang nakangiti na alon-alon ang dulo ng mahaba at kulay tsokolateng buhok.

Shocks! Ang cute niyaaa! Parang manikang buhay siya.

"Oh! Hello, sweetie!" nakangiting ganting bati ko sa bata at lumebel sa tangkad niya.

"Are you my big brother's girl?" She asked me in her cute little voice.

Sige nga, anong isasagot mo dyan, Spring? Nang-uusig na tanong ng utak ko.

"Ah.. eh.. Ano ba.."

Napatingin ako sa kaliwa. Kanan. Sa bata tapos bahagyang ngumiti tapos napatingin ako ng alanganin kay Collin.

Help!

Nanatiling nakatingin sa akin 'yung bata at naghihintay nang isasagot ko sa tanong niyang nakapagpataranta sa kanina ko lang payapang katinuan.

"No. Not yet, baby." Si Collin na lang ang sumagot at binuhat 'yung bata.

"Spring, she's Berniece, my sister." Mabilis na pagpapakilala sa akin dun sa bata.

Napasimangot 'yung batang cute

"Why not?"

Si Collin naman ang hindi agad nakasagot sa tanong. Nagkatinginan kami at napakamot pareho sa ulo.

"Isn't it that when the prince meet the princess, they will be married and live happily ever after? That's what yayay read from my fairytale books!"

"Baby, it's just a story, okay? They don't happen in real life." Mahinahong paliwanag ni Collin.

Pero, mas lalong napasimangot si Berniece.

"No! Fairytales are real!" Pagpupumilit ni Berniece sa kuya niya. Walang nagawa si Collin nang nagpababa sa pagkakabuhat niya ang bata.

Masamang tingin at nakanguso si Berniece kay Collin. Naka-krus pa ang maliliit na braso sa harap ng dibdib nito.

Nung mapansin kong hindi talaga sasang-ayon si Collin sa sinasabi ng kapatid niya, ako na lang ang nagpaliwanag ng mas maayos kay Berniece.

"Fairytales are real because you're a princess." Sabi ko kay Berniece na nakaupo na sa lap ko.

"Really? I'm a princess?" Namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Amazed na amazed siguro siya sa sinabi ko.

Tumango ako sa kanya.

"See, brother." Nakangisi na ngayon si Berniece kay Collin. "You have to bow down to me because I am a princess!"

Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Collin na napailing sa sinabi ni Berniece.

"Your yayay is telling to you too many fairytale stories. Really."

What do I expect from a guy? Of course, they don't believe in such craziness.

"Lunch's ready!"

-

Naging maayos naman 'yung lunch with Collin's extended family. Extended family talaga kasi buong angkan ata nila kanina kasama naming naglunch.

Wala akong masasabi sa pamilya nila dahil mababait silang lahat sa akin. Sa una, nakaramdam talaga ako ng hiya. Syempre naman 'no! Meet the family ang drama eh!

"Sorry kanina. Hindi ko naman alam na iimbitahan nila mama 'yung ibang relatives namin." Sabi ni Collin nang maihatid na niya ako sa tapat ng bahay namin.

"Ano ka ba! Ang saya kaya! Sabi nga, the more the merrier. Ang cute pa ng kapatid mo sarap gawin keychain." Natatawang sabi ko sa kanya.

"She's our angel." Nakangiting sabi pa niya na mukhang proud na proud na kuya.

"I know. She really is an angel."

Awkward silence. Tunog na lang ng kuliglig ang kulang.

"So, I have to go. See you on Friday?"

"Okay."

"Okay."

Nakatanaw na lang ako sa sasakyan niyang palayo na sa bahay namin.

I dreamily sighed as I decided na pumasok na ng bahay. Such a long day, it is.

Bubuksan ko na sana 'yung main door ng bahay nang may magbukas nito galing sa loob.

"Summer!" Gulat na sabi ko

Nang makita kong namumula ang mga mata niya ay nag-alala ako.

"Hey, what happened?"

Hindi siya niya sinagot ang tanong ko at patuloy lang ang pagtulo n luha niya sa harapan ko.

She's a mess right now at wala akong ibang maisip gawin kundi iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa. Mahigpit ko siyang niyakap dahil hindi pa rin siya matigil sa pag-iyak niya.

"Spring..." Humihikbing sabi niya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang yakap-yakap ko siya. Naiiyak rin akong makitang umiiyak siya sa harapan ko na parang hirap na hirap.

"Summer, huwag kang umalis..." Sabi ng boses ng lalaki na galing rin sa loob ng bahay namin.

-

A/N: Comments are highly appreciated. Thank you! :)

Lakas maka-TFIOS nung 'okay' nila Spring at Collin. Augustus Waters😍

Hello, SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon