CHAPTER 1:

13.5K 176 3
                                    

Malungkot na nakatunghay sa kanilang bintana si Lucy. Namimiss n'ya ang kakulitang si Ate Joy n'ya.

"Ano na kaya ang ginawa n'ya?tanong nito sa sarili,sabay pakawala ng buntong hininga. Nang biglang magring ang kanyang phone.

"Hello!"wika ni Lucy.

"Lucy,ako ito si,Zack! Kamusta?"wika ng nasa kabilang linya.

"Kuya Zack,ok naman,ikaw? Kamusta na kayo ni Ate Joy?'bahagyang sumigla ang tinig ng dalaga.

"Hindi maayos! Pede ka bang lumuwas dito sa Maynila? I need your help,please!"wika ni Zack

"Wow! Hanep na kargador ah! Nakabalik lang ng Manila,inglisero na!'palatak ni Lucy.

"Lucy! Pakiusap,kailangan ko ng tulong mo!"wika pa ni Zack.

"Ok! Ok!"pagpayag ni Lucy.

"Thank you! Ipapakaon kita d'yan ha! Be ready tomorrow!"sabi ni Zack.

Napaumis na naman si Lucy. Ano kaya ang kakaon sa kanya,tricycle o jeep? Natatawang naglalaro sa utak ng dalaga. Ilang saglit lang,pinatay na ni Lucy ang tawag na iyon ni Zack. Excited na nagpaalam s'ya sa mga magulang.

"Nay,Tay! Ako po ay luluwas sa Maynila bukas. May raket ako dun. Pandagdag din po para sa tuition fee ko. Malapit na ang pasukan eh!'paalam ni Lucy sa mga magulang.

"Maynila? Saan?"tanong ng Nanay ni Lucy.

Agad na gumana ang utak ni Lucy.

"Kay Tiya Ising po. May party daw sa mansyon at kailangan ng makakatulong. Sayang din yun!"pagsisinungaling ni Lucy.

"Ah! S'ya cge,mag-iingat ka."wika ng mga magulang ng dalaga.

"Opo naman,may kakaon sa akin bukas!'wika ni Lucy,at isang malaking ngiti ang kanyang pinakawalan.

Kinabukasan...

Maagang nagising si Lucy. Excited para sa pagluwas sa Maynila. First time kaya n'ya. Kakabangon lang n'ya ng may marinig na wari ay sasakyang tumigil sa harap ng kanilang bahay. Agad s'yang lumabas upang silipin iyon. At isang magarang kotse ang kanyang nabungaran.

"Good morning! Ikaw ba si MS. LUCY PANINGIT?"magalang na tanong ng driver.

Biglang naningkit ang mga mata ni Lucy. Ke-aga-aga,nabwisit s'ya ng kaharap.

"Anong LUCY PANINGIT ang pinagsasasabi mo d'yan ha?"galit na wika ni Lucy.

Napakamot sa batok ang driver,agad na kinuha ang phone nito at may idinayal na numero. Nang sagutin ang tawag nito,iniabot n'ya sa inis na dalaga ang phone.

Pahilang kinuha ni Lucy ang phone,saka itinapat sa kanyang tenga.

"Hello!'inis na wika ng dalaga.

"Lucy,yan ang driver na susundo sa'yo!'wika ni Zack.

"Ikaw pala! Anong sinabi mo dito na LUCY PANINGIT,HA?'usok ang ilong ni Lucy.

Kamot si Zack sa kanyang batok, sabi na nga ba n'ya,magrereact si Lucy.

"Ikaw naman! Mahina lang talaga ang pandinig n'yan,hayaan mo na lang!"pigil ang tawa ni Zack.

Tinapunan ng makamatay na tingin ni Lucy ang driver,saka patulak na ibinalikang phone nito. Isang naniningkit na tingin pa ang ibinigay ni Lucy sa driver bago tuluyang pumasok ng bahay para ihanda ang sarili.

Kakamot-kamot na naman sa kanyang batok ang driver.

'Ano kayang ginawa kong masama sa babaeng iyon? Yun ang sabi ni Bossing eh!'nagtatakang tanong ng driver sa sarili.

SEDUCING MR. ARROGANT By: Reinrose (B3: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon