Monster ♂ Chapter 44

Chloe's POV

“Bakit kasi kailangan mo pang umalis?!” umiiyak na tanong ko sa kanya. Halos lahat ng taong mapadaan malapit sa amin ay napapatingin pero hindi ko na iyon pinansin. Bakit kasi aalis pa siya, eh?! Paano naman ako? Maiiwan ako.

“’Wag ka nang umiyak. Babalik naman ako, eh.” sabi niya habang hawak ang magkabila kong pisngi na basang-basa na ng luha kanina pa.

Aalis kasi siya papuntang Paris para doon mag-college. Oo, siya naman ngayon ang papuntang Paris at ako naman ang maiiwan dito. Hindi kami magkasama kasi nakapag-enrol na ako kaya sayang naman ‘yun tsaka start na ng semester next week kaya hindi na ako pwedeng magback-out.

“Apat na taon lang naman ako ‘dun, eh.” dagdag pa niya. 

“Apat na tanong lang, huh?! Alam ba ‘yung 4 years?! Ang tagal kaya ‘nun!” pagmamaktol ko pa rin.

Nakakainis naman, eh! Pwede namang dito na lang siya mag-aral pero guso nina Mama at Papa na doon na lang sa Paris. Sina Kuya kasi ay sa Paris nag-college noon kaya para hindi na maiba, doon na lang din daw dapat mag-aral si Saturn, doon sa school na pinasukan nina Kuya noon.

“Chloe,” hinawakan niya ang kamay ko kung saan nakasuot sa daliri ko ang singsing na ibinigay niya pagkatapos ‘nung scene na nakita nila kaming magkasama sa kwarto na nakaboxer lang si Saturn. Oh, the memories. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiti kapag naalala ko ‘yun. “As long as you’re wearing this ring that symbolizes my love for you, everything will be okay. Tsaka para din naman sa atin ang pag-aaral kong ‘yun kaya ‘wag ka nang umiyak. Lilipas din ang apat na taon na hindi mo namamalayan. Mabilis lang naman ang takbo ng panahon.” 

Napanguso na lang ako. Handa naman akong intindihin siya, eh. Nalulungkot lang talaga ako dahil ang tagal naming magkakalayo. Hindi ako natatakot na baka magkaroon ng lamat ang relasyon namin dahil magiging long-distance relationship ang relasyon dahil sa dami nang pinagdaanan namin, naging matatag na kami.

Hinalikan niya ako sa noo. “Hindi naman tayo mahihirapan sa communication, eh, kaya hindi na problema ‘yun. Basta ba ‘wag ka lang manlalake kundi pupudpudin ko sa suntok ang magtatangka ‘sayo.” pagbabanta niya.

“Baka nga ikaw dyan, eh! Ikaw ang ‘wag mambababae kundi nakuuu, lagot ka talaga sa akin pati na ang magiging babe mo.”

Ang dami kayang magagandang babae ‘dun! Hindi malayo sa posibilidad na madaming magkagusto sa kanya kasi ang gwapo niya. Para siyang model. 

“May tiwala ka naman sa akin, ‘di ba?” tumango lamang ako sa kanya. “May tiwala din ako ‘sayo kaya ‘wag ka nang malulungkot.” 

Hinalikan niya ako sa labi pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ko ang batok niya. Matagal-tagal ko din siyang hindi mahahalikan ng ganito kaya bago pa siya umalis ay susulitin ko na.

Maya-maya pa ay tinawag na ang mga pasaherong pupuntang Paris at kasama na doon si Saturn. Unti-unti na namang namuo ang luha sa mga mata ko.

“Ah, umiiyak ka na naman.” aniya sabay yakap sa akin nang mahigpit. “Be a good girl, okay? Basta tandaan mo, pagbalik ko, asawa na kita.” then he smirked. 

Mabilis niya akong hinalikan sa aking labi at lumakad na siya palayo sa akin. Ang lungkot naman nito! Kahit pa ayaw ko talaga siyang umalis ay wala din naman akong magagawa. Par sa future niya ‘yun kaya hindi dapat ako maging selfish. Gusto din naman niya iyon dahil mas maganda ang turo sa ibang bansa kaya naman siguradong magiging okay siya doon. Gaya ng sinabi niya, tatandaan ko na lang na sa pagbalik niya ay magiging asawa na niya ako.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!