Ika-Tatlumpu't dalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Tahimik lang ako sa sasakyan habang ang mag-iina ay nagkikwentuhan na parang walang nangyari. Hindi rin sila galit sa akin na pinagtataka ko.

"Mabuti at pumayag si Mama Meldy niyo na sundan kami?"

"Hindi lang pumayag mommy, isa din ito sa may gusto na sundan kayo lalo na si lily at baka daw mapano"

Kahit papaano ay napangiti ako sa narinig, kahit ganun ang nangyari ay hindi parin nagiba ang tingin nila sa akin. Tunay ngang minahal ako ng pamilyang ito at mababait sila.

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa sasakyna bago kami makarating sa bahay nila Tita Imee. Ilang beses na akong nakapunta dito pero manghang mangha parin ako. Ang ganda ganda kasi at ang luwang luwang, para bang museum.

"Lily diretso ka na sa dati mong tinutuluyan anak. Susunod ako doon" wika ni Tita.

Dumiretso na ako sa guest room at humiga ako agad sa kama. Ilang sandali pa ay may kumatok, bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong magkakapatid.

"Lily, maari ka ba naming kausapin?" Tumango ako.

"Lily pasensya na sa mga nasabi ni Tita Irene sayo kanina ha? Alam naming masakit iyon, nadala lang si Tita Irene ng galit kaya niya nasabi iyon. Hindi niya naman sinasadya"

"Kuya hindi po ito ang unang pagkakataon na napagsabihan ako ni Ms ng ganung mga masasakit na salita. Ang pinagkaiba lang po ay nung una puro paratang ang sinabi niya at ngayon naman ay lahat ng iyon ay tama pero aaminin ko po sobrang sakit po nung sinabi niya pero anong magagawa ko, totoo naman po yun"

"Totoo naman po na sabit lang ako sa pamilya niyo, hindi niyo naman po ako kadugo eh. Nagtataka nga rin po ako kung bakit ang bait bait niyo sa akin at hanggang ngayon kahit nakagulo ako ay mabait parin kayo"

"Lily sshhh, please know that even we're not related in blood you are our family. Parte ka na ng pamilya namin dahil napalapit at napamahal ka na sa amin kaya never ka ng magiging sabit sa amin" wika ni kuya matt kaya nateary eye ako

"Matt is right lily, our family events will not be complete if wala ka kaya parte ka na ng pamilya. Mas favorite ka na nga ni Mama Meldy samin e" biro naman ni kuya mike

"Pagpasensyahan mo na si Zia kung ganun siya may pinagdadaanan lang iyon, malaki kasi ang problema rin nila ni Tita Irene" napakunot noo naman ako dun.

"But all in all we are sorry for what happened. Mama meldy also wants to say sorry. Magpahinga ka na ha? Aalis na kami"

"Pasensya na rin po mga kuya at Salamat po. Goodnight po" wika ko, lumabas naman na sila sa kwarto na tinutuluyan ko. Pagkatapos nun ay ilang sandali pumasok si Tita Imee at Tito Rod.

Nangamusta lang si Tito Rod at agad ding nagpaalam dahil may tumawag sakanya kaya naiwan si Tita Imee

"Lily?" Tawag ni Tita, bigla siyang napahawak sa pisngi ko kaya napaaray ako

"Hey what happened to this?"

"Wala po, katangahan ko lang po"

"Yung totoo?" Seryosong tanonh niya.

"N-nasampal po ni Zia nung nagtatalo kami kanina" wika ko

"Zia slapped you? Lily? May I know what happened earlier? Gusto ko lang malaman kung nauna ka ba talaga? I know Zia mabait yin pero kilala rin kita at alam kong di mo iyon kayang gawin"

"Tita pasensya na po, Tama po si Zia tinulak ko siya at sinabi ko pong kawawa siya dahil kahit andito na siya ay ako parin ang hinahanap niyo. Pero hindi po ako ang nauna"

"Why did you do that? What happened?" Yumuko ako

"Kasi po sabi niya nalaman daw po niya na wala na akong magulang, sabi niya deserve ko daw mawalan ng magulang. Natrigger lang po ako kaya nasumbatan ko siya ng ganun kaya sinampal niya po ako at di ko po napigilan ang sarili ko na tinulak siya, yun po yung nakita ni Ms Irene"

"Nagbago na talaga si Zia. Pasensya ka na Lily ha, hindi naman talaga ganyan si Zia eh. Mabait yun na bata pero nagbago simula nagpunta sila ng San Francisco"

"Sabi po ni kuya borgy may problema daw po sila ni Ms Irene. Maaari po bang malaman kung ano yun?"

"Zia is a kind and sweet little girl back then. Nang mag highschool ito ay napagdesisyonan nila na isunod na siya sa San Francisco kasama nila Luis at Alfie para dun mag-aral. Ayaw niya pumayag nun pero wala siyang nagawa, araw araw sa akin tumatawag ang bata at sinasabing galit parin sakanya si Irene kaya nila nagawang papuntahin siya dun"

"Galit? Bakit naman po magagalit si Ms. Sakanya?"

"Dahil nung bata pa siya, mag 4 years old siya nun may trahedyang nangyari sa pamilya nila na nagpabago ng buhay nila, namin"

"Pwede pong malaman kung ano yun? Kung hindi po okay lang naman po"

"Nawala ang ate ni Zia na si Vianne simula bata sila. Simula nun sinisi ni Irene ang sarili niya at medyo napabayaan si Zia dahil sa depresyon.  ang akala ni Zia ay galit at sinisisi siya ni Irene dahil sa nangyari, kaya simula nung nawala si Vianne ay apektado ang relasyon nilang mag-ina"

"Ibig pong sabihin apat ang anak ni Ms. Irene at nawawala yung isa? Hindi pa rin po ba siya nahanap hanggang ngayon?" Umiling ito

"Sad to say hindi pa at tinigil na rin ang paghahanap dahil walang lead. Naclose na ang kaso dahil ang mga maaaring clue at testigo ay wala na"

"Sinabi ring patay na si Vianne, hindi iyon matanggap ni Irene pero wala kaming magagawa dahil iyong nag imbestiga na mismo ang nagsabi"

"Kawawa naman po pala si Ms. Irene pati si Zia. Mas naiintindihan ko na po kung bakit obsessed at ayaw na ayaw ako ni Zia. Akala niya aagawin ko sakanya si Ms. Irene, siguro nagseselos siya dahil inaakala niyang mas malapit na ako kay Ms" tumango ito

"Ganun na nga, kaya Lily please understand their situation. Alam kong masakit ang mga nasabi saiyo at nagawa ng maginang Irene at Zia kaya ako na ang humingi ng tawad"

"Wala po yun sakin, masakit po pero naiintindihan ko naman po Tita"

"Salamat Lily, teka hintayin mo ako rito at kukuha ako ng cold pack para diyan sa pisngi mo"

"Wag na po Tita, okay naman na po ito siguro bukas"

"Anong okay? Tumahimik ka diyan lily di yan okay noh. Gagamutin ko yan teka at may kukunin lang ako. Ang taba na nga ng pisngi mo dinagdagan pa ng pamumula. Mukha ka ng siopao asado" biro niya sabay tawa, natawa rin naman ako.

"Tita Naman eh, sige po hihintayin ko kayo rito. Salamat Tita ha?"

"Anukaba okay lang yun, wait for me here ha? Loveyou!" wika niya sabay halik sa noo ko. Napangiti naman ako sakanya at pinagmasdan siya habang papalabas ng kwarto.

End of Flashback.

°°°°°°°°

Blessed Sunday Everyone! Have a nice day.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now