Chapter 2
"How to focus, Yan?" I asked, feeling hopeless.
Tuluyan na akong nawala sa konsentrasyon simula nang dumating sila.
Sumandal si Yan sa upuan niya at ibinaba ang ball pen sa mesa. "We can study at home. I'll sleep over at your place."
"Please?"
Tumango siya at inayos ang mga gamit.
"Restroom lang," paalam ko.
Pumasok ako sa restroom at tiningnan ang sarili sa salamin.
Malungkot akong ngumiti. "Magagawa mo ulit ngumiti nang totoo. Hintay lang."
Inayos ko ang buhok at pinasadahan ng kamay ang puting uniform. Nakarinig ako ng tunog ng heels at pumasok dito ang girlfriend ni Benj. Lumapit siya sa salamin, siguro ay kalahating metro ang layo niya sa akin.
Pasimple ko siyang tiningnan. Kung hindi ako nagkakamali ay new student siya. Nursing din ang kinukuha at same block ni Benj base sa mga naririnig ko sa mga estudyante.
Allowed naman mag-civilian attire lalo na kung new student. Dapat lang ay marunong sumunod sa dress code. Kahapon ay tube lang ang panloob niya sa leather jacket. And now she was dressed in a white crop top, black pleated mini skirt, and black suede sock boots.
Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya, pero mabilis rin akong nagbawi dahil saktong nagtama ang tingin namin.
"Am, what's taking you so long?" Tumigil si Yan pagpasok nang makita na hindi ako nag-iisa.
"Palabas na rin." Awkward akong ngumiti.
Agad naman siyang tumalikod at iniwan kami.
Napatigil ako sa paglabas nang magsalita ang girlfriend ni Benj. "Did you get a bump on your head?"
Nilingon ko siya, nakatingin siya sa akin sa salamin habang hinuhugasan ang mga kamay.
Umiling ako. Gusto ko ring magtanong tungkol sa labi niya pero pinigil ko na ang sarili.
Tuluyan na akong lumabas. Tumatak sa isip ko ang itsura niya habang nakatingin sa akin.
She had a pair of almond-shaped eyes, full lips, and a V-shaped jawline. Matangos ang ilong, hindi makapal pero hindi rin naman manipis ang kilay, at mukhang natural ang pagkakapilantik ng pilik-mata.
"You're spacing out," Yan remarked.
Nilingon ko siya na hindi pa pinapaandar ang sasakyan.
Nakahawak lang siya sa steering wheel at puno ng pagtataka ang mukha na pinanonood ako. "Did something happen in the restroom?"
"Wala. Ngayon ko lang kasi natitigan nang husto ang mukha niya." Isinuot ko ang seatbelt saka niya ini-start ang sasakyan.
"Nag-usap kayo?"
"Nagtanong lang kung may bukol ako." Dinukot ko ang phone sa bag at nag-online ako sa Instagram.
I suddenly found myself searching for her Instagram account. Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Yan.
Pagkakita sa IG niya ay nai-tap ko ang picture niya na naka-rider outfit na halos katulad ng suot niya kahapon. Pero ang mas kumuha ng pansin ko ay ang seryoso niyang mukha—halatang stolen shot dahil mukhang biglang lingon siya rito.
"Tao ba 'to?" mahina kong tanong.
"And now you're stalking her."
Itinuloy ko ang pagtingin sa mga picture niya. "Grabe naman kasi. Ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang babae."
