BAD BEAUTY 1: Heartless
Chapter 2
By: Letmebed1Krista San Jose
"Max, umurong ka nga!"sabi ko, naka-spread kasi ang mga kamay niya dito sa kama.
Umurong naman siya at humiga na ako.
"Krista."
"Mhmm?"busy ako sa phone ko, nagchat kasi si Barry. Magre-reply lang ako ng goodnight.
"Wala ka bang balak na palitan si Barry?"
Natatawa ako na nilapag ang phone ko sa side table.
"Alam mo Max, huwag mo akong igaya sayo na papalit-palit ng jowa."
Pinanggigilan ko ang pisngi niya saka ako yumakap sa unan.
Nakatitig ako sa kanya habang nakatingin siya sa kisame.
"Mahahanap ko rin siya Krista at kapag nangyari iyon ipapakilala ko na siya sayo ng pormal."
"Okay."sagot ko saka ako tumalikod.
Iikot na naman kasi ang usapan sa mga naging Ex niya.
Nakatulog ako na katabi si Max.
...
Kinabukasan after ng trabaho ay nagkita naman kami ni Barry.
Macho-guapo ito sa suot niyang shorts at sando. May dala-dala itong body bag, mga gamit niya iyon pang gym.
Humalik siya sa pisngi ko.
Dito kami sa milk tea shop nagpunta.
"Sa apartment mo ba natulog si Maxine kagabi?"
"Oo, nakipagbreak na naman siya sa girlfriend niya."
Si Max ay umalis din nakipagdate sa nakilala niya sa facebook.
"Kris, baka naman mamaya magkagusto sayo yang si Maxine. Tumatabi ka ron baka mamaya anong gawin niya sayo. Pusong lalake siya kahit sabihin natin na babae siyang kumilos."
Kahit matagal na niyang kilala si Max lagi pa rin niya akong pinapaalalahanan tungkol sa bagay na ito.
"Barry, hindi mangyayari yon. Sa tagal naming magkaibigan never ko siyang nakitaan na may gusto siya sakin."
Totoo yong sinabi ko. Ni hindi ko naramdaman na nagpahaging si Max, kaya kampante ako na kaibigan lang ang tingin niya sakin.
Tsaka siguradong hindi yon magkakagusto sakin. Gusto non ng mga liberated na babae.
"Siguraduhin mo lang Kris. Baka masuntok ko yan kapag may ginawa siyang hindi maganda sayo."
"Baliw ka Barry, susuntok ka ng babae? Baka mamaya kapag naging mag asawa tayo suntukin mo rin ako!"
"Hindi, yan lang kaibigan mo."
"Huwag mong gagawin yon."
Pagkatapos namin uminom ng milk tea ay hinatid na ako ni Barry dito sa apartment ko. Mag-gi-gym pa daw kasi siya kaya umalis din siya agad.
Sakto naman ang dating ni Max.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba may date ka?"
"Yeah nagkita kami saglit, andito ako para magcelebrate kasama ka."
"Anong meron?"
"Kami na! Sinagot na niya ako."
Nakakawindang!
"Bilib na talaga ako sa karisma mo Max. Ang tinik mo talaga."
"Matatanggihan ba niya ang karisma ko?"nakangiting saad niya.
"Anong name niya?"
"Ha?Ahh...Wait check ko sa fb."
"Ay grabe! Naging kayo ng hindi mo alam ang pangalan?!"
"Ahh! Ria pala name niya. Buti natanong mo."
Mawiwindang ka talaga dito sa kaibigan ko!
Sabay na kaming pumasok dito sa apartment ko. Nagoffer siya na siya na lang daw ang magluluto ng dinner.
Kapag siya naman ang nagluto talagang napapakain ako ng marami dahil masarap siyang magluto.At mukhang masaya siya. Iniisip ata niya na si Ria na ang babaeng makakatuluyan niya.
"Alam mo maganda naman si Ria, eh. Sexy at mayaman."
Nakikinig ako sa kanya habang nagluluto siya.
"So sa tingin mo siya na talaga?"
"Ahm, bigyan mo pa ako ng mga dalawang linggo, malalaman ko yan."
Tumango ako.
Sinong babae o lalake ang hindi ma-a-attract dito kay Max?
Kung ilalarawan ko siya...maiksi ang buhok niya hanggang balikat, sexy at maputi, medyo singkitin ang mga mata na akala mo may pagka-koreana.
Kaya nga kahit asarin ko siyang squidward di na siya naaasar kasi malaki daw mata non.
Hindi siya mahilig magsuklay. Never ko ata siyang nakitang nagsuklay ng buhok niya pero kahit messy iyon ay bagay niya. Nakakadagdag iyon sa karisma niya.
"Bakit ganyan ka makatitig sakin Krista? Huwag mo sabihin na may lihim kang pagtingin sakin?"
Natatawa ako.
"Magagalit ka ba kung sabihin ko na di kita type?"
"Ang sakit non Krista."
Napapailing ako na natatawa. Alam ko naman na nagbibiro lang siya.
"Akyat lang ako Max. Maliligo muna ako."
"Baba ka after 15 minutes. Malapit ng maluto 'to."
"Okay."
Naligo na ako at paglipas ng fifteen-minutes ay bumaba na ako. Sakto naman nakahanda na ang mga pagkain.
"Ginagawa mo ba to sa mga naging girlfriend mo?"
"Mhm minsan, kapag nasa mood akong magluto."
"Sa bahay mo?"
"Nope sa bahay nila."
Sabi na nga ba hindi talaga niya dinadala sa bahay niya ang mga nagiging girlfriend niya.
Sabay na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Umuwi din siya pagkatapos naming magdinner.
_____________________________________________
Thank you!

BINABASA MO ANG
BAD BEAUTY 1: HEARTLESS
RomanceWarning⚠️ SPG Content🔥 Maxine Genares a.k.a. Max - The Top Walang sineseryosong relasyon at laging nagpapaiyak ng babae. Krista San Jose - The Bot Ang role lang niya ay paalalahanan si Max na magbago na ito at tigilan na niya ang pagiging heartbrea...