OBSESSION ENTRY # 30

31.6K 453 75
                                    













OBSESSION ENTRY # 30











" E-Emilie.." dinig na dinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan.. bakas na bakas doon ang kumpirmasyon sa aking hinala.. kinagat ko ng pagdiin diin ang aking pang ibabang labi, kanina pa ako hindi mapakali.. nanginginig din ang aking buong katawan mabuti na lamang at nakaupo ako sa isa sa mga upuan dito sa loob ng opisina niya.. Naramdaman kong namamasa na ang aking magkabilang pisngi pero hindi ko iyon pinunasan bagkus hinayaan lang..









what happened next.. will be worst..

all the signs Im feeling for the past 2 months was confirmed..





I'm pregn-------









" Your pregnant, Emilie.. " tuluyan ng bumigay ang composure ko.. wala sa sariling umiyak ako ng umiyak sa aking dalawang kamay na nakatakip sa aking buong mukha.. Mali.. maling mali ang mga nangyari.. papaano ko ipapaliwanag sa ama ng anak ko na nagbunga ang kapusukan naming dalawa ng gabing iyon? Ako.. ako ang nasa tamang huwisyo at pag iisip ng gabing iyon pero hinayaan kong matangay ang aking sarili sa kanyang mga halik at maiinit na haplos.. Sinamantala ko ang kalasingan niya ng gabing iyon.. sinamantala ko.. papaano ko sasabihin sa kanya na buntis ako at siya ang ama.. gayung hindi niya alam at matandaan na may nangyari sa amin buong magdamag? We were celebrating for his fast recovery.. I am her physical therapist.. but that night.. kinalimutan ko iyon at pinagbigyan ko ang aking sariling tangayin ng makamundong pagnanasa ko sa kanya at dahil sa matinding pagkagusto ko sa kanya.. tama.. Matagal na akong may gusto sa kanya.. kaya ng maa assign ako bilang physical therapist niya laking tuwa ko talaga..









" E-Emilie.. you need to calm down.. makakasama sayo yan, sa baby mo.. here drink this water.." sa nanginginig kong mga kamay hinawakan ko ang baso at uminom ako ng marahan doon.. nagtagpo ang mga mata namin ni Chesca.. kunut na kunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan akong mabuti.. alam kong nagtataka siya, may gusto siyang itanong pero hindi niya alam kung paano sisimulan.









" C-Can y-you keep it as a secret between us Ches? p-please.. Im begging you I-I needed my j-job.. alam mo naman na sa akin lang umaasa ang mga kapatid ko.. a-ako lang an--- alam mong against sa hospital rules natin ito.. bawal magbuntis kung wala kang asawa.. at lalong lalo na kung hindi ka kasal... just.. give me sometime para makapaghanap ng ibang trabaho bago ako magresign.. plea---------













" O-of course, Em.. kaibigan mo ako, ano ka ba.. hindi mo kailangan matakot ng ganyan.. kaya lang darating ang ilang linggo at buwan mahahalata nila ang tiyan mo.. sana by that time.. may maayos ka ng trabahong papasukan.. At isa pa.. kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako.. kami ni Kuya Luigi.. " hawak hawak pa niya ng pagkahigpit higpit ang aking kanang kamay bilang assurance.. doon lang ako nakahinga ng maluwag..













" T-Thank y-you Ches.. thank you so much.. "









" Gusto mo bang malaman kung ilang weeks na siya? kung ilang months?.. pwede na natin siyang i- ultrasound.. may heartbeat na rin siya kung tama ang kalkulasyon ko sa dalawang buwan mong pagkadelayed.. " napahawak ako ng marahan sa pipis ko pang tiyan.. hindi pa pumapasok sa aking isipan ang mga nangyayari talaga.. ang alam ko lang dala dala ko sa aking sinapupunan ang bunga ng sobrang pagmamahal ko sa lalaking iyon..













" P-pag balik k-ko na lang Ches, next week ... may kailangan pa kasi akong gawin.. a-at kausapin.." mahinang sagot ko sa kanya.













" Okay.. but be sure to buy those vitamins na nireseta ko sayo ha.. your baby need that, lalo at nasa first trimester ka pa lang.. And be very careful.. " tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.. tumayo ako ng marahan na marahan .. kumalma na ang aking pakiramdam kaysa kanina.. napunasan ko na rin ang aking mga luha although alam kong ang aking mga mata ay namamaga na.. I murmured thanks to her and was about to open the door and leave ng marinig ko ang katanungan niya...











" E-Em.. who's the f-father? " sinasabi ko na nga ba.. itatanong na niya iyon.. alam kong kanina pa niya gustong malaman iyon.. pikit matang pinanatili ko ang aking likod sa kanyang harapan.. hindi ko kayang ipakita sa kanya ang aking itsura.. nakakahiya.. napaka-desperada ko.. ibinigay ko ang aking sa sarili sa lalaking may pananagutan na.. and worst.. baliw na baliw siya sa kanyang asawa.. to the point na ng may mangyari sa amin.. pangalan nito ang kanyang binabanggit.. pinilit ko lang iyong inignora.. pero ang totoo.. nangangapal ang aking mukha... dahil.. bawat ulos at ungol niya.. " Jas.. Jas.." yun ang bukang bibig niya..











Jas.. Jas.. napakaswerte niya..













" A-Alexander.. Si X-Xander Montenegro.." kasabay ng pagbagsak ng aking luha ang pagbanggit ko sa kanyang pangalan...













----------------------









new character : Emilie Rose Sullano















O  B  S  E  S  S  I  O  NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon