05. WHAT IF I TOLD YOU THAT I'VE FALLEN?

Start from the beginning
                                    

Naglahad siya ng kamay kaya inabot ko naman yun bago tumango. Inabot nga ng ilang segundo yun. Kung hindi pa tumikhim ng malakas si Wyatt ay hindi niya na bibitawan ang kamay ko.

"Sorry..ang ganda mo."

I was amazed by how fast he is. I thank him once again. Bakit ba may kasama si Wyatt na iba?

"Shan, before I forgot. I want to acknowledge Paul's presence. He's my boyfriend, tutulungan niya tayo sa reporting."Wyatt and Paul hold hands.

Dahan dahan akong napatango bago naalala kung bakit tumikhim si Wyatt kanina. They're boyfriends. That's nice.

Gaya nga ng sinabi ni Wyatt ay tinulungan kami ni Paul. Dentistry rin pala si Paul pero graduating na samantalang kami ay second year pa. Marami siyang naitulong sa amin hanggang sa natapos na nga namin ang ginagawang reporting.

We were just getting ready for our presentation next week. Ilang oras rin kami roon at inabot nga kami ng gabi. I suppose to book a grab since it's rude riding with them kasi baka may ibang lakad pa sila.

Habang nagb-book ako ay di ko naiwasang titigan ang numero ni Brent sa contacts ko. Tapos na kaya ang practice nila? Okay na kaya siya?

"I texted Brent to fitch you since tapos naman na raw sila. Papunta na siya rito. I know may nangyari sainyo. You need a serious talk Shan, conversation with understanding is what you need."tumabi si Wyatt sa akin sa table sa labas habang hinihintay ang kaniyang boyfriend.

It's raining heavily. Halos buong week ay umuulan. Isang payong lang ang dala ni Paul kaya nagdecide siyang ihatid muna si Wyatt sa sasakyan nila at balikan ako pagkatapos para ihatid sa sasakyan ni Brent.

"And also..one thing, alam kong ikaw ang nakabasa sa text ni Brent noong nakaraan kaya nalaman mo ang pera na trinasfer niya. I bit you forgot that Brent's family is open for donation, may sakit ang Lola ko kaya ganon kalaki ang binigay niyang pera. Sana magkaayos agad kayo,"

I was left dumbfounded for a minute. I fix my hair and look around. I judged him easily. Nagalit agad ako nang hindi pinapakinggan ang side niya. I suddenly remember how teary eyed he was kanina. Naka-focus kaya siya sa practice?

By then, Paul went back to share his umbrella with me and my eyes automatically found Brent's BMW parking near our direction.

Sakto namang pagkarating namin sa harap ng sasakyan ay lumabas si Brent na may dalang payong. Tiningnan niya ang kabuoan ko bago niya binalingan ng tingin si Paul.

Umigting ang panga niya bago ako hinila papunta sakanya.

"Thanks dude, pwede ka ng umalis, nandito na ako."malamig na tugon niya na ipinagkibit balikat lang ni Paul bago kami tinalikuran.

Pinapayungan niya ako nang pumasok ako sa passenger seat. Naglakad siya kaagad pabalik sa driver's seat at nilagay ang payong sa likod. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang abala siya sa pag-abot ng towel sa likod at pag-aasikaso sa aircon.

Inabot niya ang towel sa akin nang hindi ako inaangatan ng tingin. He run his fingers through his hair after adjusting the air conditioner. Pinupunasan ko naman ang braso kong bahagyang nabasa kanina. Hindi pa umaandar ang sasakyan at tahimik lang rin siya kaya hindi ko na rin sinubukang magsalita.

His jaw clenched. I want to greet him and ask for a kiss on the cheek. I was waiting for it the whole time we're inside this car right now but he just remain silent and serious.

Napapakagat ako sa labi ko. Hindi ko na kayang manatiling tahimik. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.

Nilingon ko siya at mahinang tumikhim. Nakakahiya ang mga pinagsasabi ko kanina, paano ako magbubukas ng usapan nito?

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Where stories live. Discover now