Chapter 1
I was not paying attention during the discussion on a general education subject. Kaya nang tawagin ako ng professor sa recitation ay hindi ako nakasagot.
Siniko ako ni Yan pagkatapos ng klase. "Are you still thinking about the girl?"
Dinampot ko ang mga libro sa desk ko. "Ipagpapalit nga ako ni Benj. Mas maganda ang bago niyang girlfriend sa personal," mapakla kong sabi.
"You're right, Benj has good taste in women."
Hinampas ko siya ng libro. Napaaray siya habang tumatawa.
Umuna ako palabas ng room. Alas-otso na ng gabi pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang babae.
"Ako ba ang kaibigan mo o ang babaeng 'yon?" Tumalim ang tingin ko sa kanya.
Bahagya siyang lumayo sa akin. "Come on, Am. I'm not one to sugarcoat things. I just say what's on my mind."
"Ako ang kaibigan mo. Dapat marunong kang makiramdam kung ano'ng gusto kong marinig mula sa 'yo."
Sinabayan niya ako paglalakad. She shook her head and looked at me from head to toe.
"You taught me to always be honest, yet now you ask me to lie just to spare your feelings?"
"Ito naman, hindi na mabiro." Inakbayan ko siya, at pilit akong ngumiti. "Sana lang hindi ko na makita ang babaeng 'yon. Naipapamukha sa akin kung bakit ako pinagpalit," pagbawi ko.
Nagtawanan kami.
"Can you wait for me? I need to meet my groupmates at the Science Laboratory."
Tumango ako.
"I'll see you later. Our meeting won't take much time."
"Go na," taboy ko.
Humiwalay siya sa akin. Pinanood ko siya na lumiko sa Science Laboratory.
While waiting for Yan, I put on my AirPods and turned on Spotify shuffle mode. A slight smile formed on my face as the first song started playing.
"Mapanakit ka talaga, Moira," natatawa kong sabi. Sumandal ako sa bench at tumingala sa kalangitan.
Kinagat ko ang loob ng pisngi habang nakatingin sa makikinang na mga bituin.
"Saan nagsimulang magbago ang lahat? Kailan no'ng ako'y 'di na naging sapat?" Mas lalo akong natawa dahil sa pagsabay ko sa kanta.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Yan sa akin kinabukasan after ng breakup namin ni Benj.
"Listen to music while you're hurting, as if you're in a music video."
Kung kanina ay napigil ko pa ang luha, pero ngayon ay hindi na.
Dumiin ang pagkagat ko sa loob ng pisngi, balewala ang sakit nito. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang bigat sa dibdib ko.
"Tangina naman," mahina kong mura. Pumikit ako at hindi na napigil ang paghikbi. "Bakit ko ba sinunod ang sinabi si Yan?"
Sinapo ko ng mga palad ang mukha. Nagpa-flashback sa isip ko ang masasaya naming alaala ni Benj.
Ano nga bang mas masakit? Happy or sad memories?
Natapos ang Paubaya at noon lang ako tumunghay. Paglingon ko sa tabi ko ay nagitla ako. "Ay, black lady!" Napahagod ako sa dibdib dahil sa gulat.
Nilingon din ako ng babae, walang emosyon ang tingin sa akin.
"Here, use this." Iniabot niya sa akin ang isang kulay itim na handkerchief.
