Prologue
"'Ma 'yong girlfriend ko po si Tattiana. Dadalhin ko po dito." rinig kong saad ni Kuya Rowell sa mga magulang ko na nanonood ng FPJ's Ang Probinsiya. Tutok na tutok ang mga magulang ko sa palabas, ito kasi ang kaisa-isang primetime series na kanilang inaabangan ngayon. Ito rin kasi ang gusto ng mga matatanda, 'yong may umaatikabong bakbakan at idolo pa nila itong si Cardo Dalisay na hindi mamatay-matay. Jusko!
Kahit na di ko nakikita ang mga magulang ko dahil may ginagawa akong summary para sa upcoming second periodical exam ay ramdam kong natigilan ang mga matatanda. Umikot ako upang tingnan sila na nakaharap sa flatscreen naming TV.
Si Papa ay napailing, si Mama naman ay halos panlakihan ng butas sa kanyang ilong.
"Ibang babae mo na naman, Rowell?" May pagkamasungit na tanong ni Mama. Iniwan ang panonood sa idol niyang si Cardo!
Mabilis naman na umiling si Kuya Rowell. Napaungol si Kuya. "! Hindi 'ma. Si Tattiana po iyong long term girlfriend ko."
"Iyong pa phonepal mo, Kuya?" 'Di ko mapigilang 'di sumingit.
Tamad akong binalingan ni Kuya.
"Oo." Walang gana nitong sagot sa akin.
Ngumisi ako. Nakapatong ang isa kong paa sa kinauupuan kong silya at saka sinampay ang braso ko sa aking tuhod. Iniwan ko ang ginawa saglit.
"Dapat maganda 'yan, Kuya." Biro ko.
"Talagang maganda si Tattiana." May pagmamalaking untag ni Kuya Rowell.
Napailing lang ako at muling binalik ang atensyon sa ginagawang summary. Ewan ko kasi sa sarili ko, e. Printed na naman itong mga kailangan kong aralin sa periodical namin kaso itong utak ko 'di yata gumagana sa mga printed text. Gustong magpuyat pa talaga ako kakasulat. Mas madali kasing pumasok sa isip ko ang mga inaaral ko kapag sinusulat ko ang mga ito. Mas naa-absorb ng utak ko kapag sulat ko talaga.
Finocus ko nalang ang utak ko sa aking ginagawa kaysa sa makinig sa usapan nila Kuya at ng mga magulang namin. Duda pa rin kasi talaga ako dyaan kay Kuya Rowell sa sinasabi niyang girlfriend niya, two years na kasi sila tapos through phone lang sila nagkakilala at baka nga nito lang sila nagkasama physically. Well, wala rin naman akong paki d'yan.
'Di ko alam na seryoso pala iyong pa-chat chat lang ni Kuya Rowell. Akala ko pang pawala lang iyon sa boredom niya kaso heto na dadalhin na sa bahay namin ang long time girlfriend niya na nakilala niya online.
Iba na talaga ang panahon. Kahit na sa online lang at 'di mo nakikita ang tao, posible ka palang mahulog dito.
Natapos akong magsulat at tiningnan ko si Kuya na malaki ang ngisi na nakaharap sa telepono niya. I guess nagcha-chat na naman siya sa gf niya. Alangan naman kung sino diba?
Kinabukasan dinaan ako ni Kuya Rowell sa school ko bago ito pumasok sa kanyang trabaho.
Wala namang masyadong ganap sa school at mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa mag-uwian na kami.
At habang hinihintay ko si Kuya Rowell sa waiting shed na nasa tapat ng school ay may umupo sa tabi ko.
"Sa tingin mo ba magugustuhan 'to ng parents mo?" tanong ng isang babae sa kausap nitong babae rin.
Hindi naman ako nakikichismis kasi magkatabi lang kami at sadyang malakas lang din talaga ang boses nila. Tumingin ako dito at nakita kong magkaholding hands sila. From that, I concluded na magkasintahan sila lalo na nang makita ko kung papaano nila tingnan ang isa't isa.
They looked lovely.
I sighed.
Humawak ako nang mahigpit sa folder na dala ko. Aaminin kong 'di ako sanay na makakakita ng ganoon kaya naman kinuha ko ang telepono ko sa bulsa ng bag ko at kinalikot iyon. I should mind my own business.
---
"'Ma, si Kuya?" tanong ko kay Mama isang gabi nang maghapunan kami. Tumingin ako sa wall clock namin at nakita kong alas siete na naman ng gabi. Sa pagkakaalam ko kasi ay alas sais palang nakakauwi na si Kuya.
Half-day lang kami sa araw na ito kaya naman 'di na ako naghintay pa kay Kuya. Mas pinili kong magcommute pauwi.
"Sinusundo ang girlfriend niya." Natural na saad ni Mama habang nilalabas ang pagkain.
Saka ko lang napagtanto na kaya pala marami ang nakahanda sa mesa.
"Ngayon na po pala dadalhin ni Kuya dito sa atin ang syota niya?"
"Oo, tumawag kanina." sagot ni Mama sa akin.
"E, si Papa po? Saan?"
"Pauwi na rin iyon."
Sinabi ni Mama na sabay-sabay na raw kaming kakain kaya naman naghintay kami sa sala na dumating ang aming bisita. Si Kuya ay nasa tamang edad na rin naman para sa ganito. Pero ni minsan ay hindi pa nagdadala ng babae dito si Kuya sa bahay kaya masasabi kong seryoso talaga ito sa girlfriend niya ngayon. Aaminin kong kahit na kapatid si Kuya Rowell ay may reputasyon din siya sa babae noong highschool niya. Lagi nga 'yong napapagalitan kina Mama dati. Babaero kasi.
Mga alas syete y medya ay tama namang dumating si Papa at sunod niya ay si Kuya Rowell.
"Maganda gabi, 'ma." anito.
Nagmano si Kuya kay Mama.
Tiningnan ko ang kamay ni Kuya na may nakahawak na ibang kamay doon at nagtatago ang bulto sa likod niya. Tumabi si Kuya at doon ko nakita ang isang babae. 'Di ko matanggal ang tingin ko roon.
"'Ma, 'Pa, si Tattiana po pala girlfriend ko."
Masiglang sinalubong ito nina Mama at inasikaso. Ako naman ay 'di ko malaman kung bakit 'di ako mapalagay. Pakiramdam ko may humuhukay sa loob ng tiyan ko. Kabag ba ito? Pero baka dahil ito ang unang beses na nagdala ng babae sa amin si Kuya kaya ganito ang pakiramdam ko? O baka nabigla lang din ako? Hindi lang siguro nasanay.
"Hi!" bati ng girlfriend ni Kuya sa akin na si Tattiana. Nilahad nito ang palad sa akin.
Napatingin ako doon. Matagal bago ko ito tinanggap. At kung 'di lang ako nakatanggap ng batok kay kuya ay baka 'di ako magising sa lalim ng iniisip ko.
"R-rachel... po."
Tumawa ito na kinatanga ko. Sobrang ganda nga niya!
"H'wag ka namang mag-po sa akin. Ate would do, Ate Tatti would do." Nakangiti nitong wika sa akin na kinagulo ng sistema ko sa loob. Shit!

BINABASA MO ANG
The Flicked Of Heart
General FictionGirls' Love Collaboration Rachel Cuenco is a senior high school student with the general academic strand (GAS). She was born and raised in a very conservative and god-centered family. However, fate made fun of her when she met her brother's girlfrie...