Hindi ko na nireplyan ang text ni Philip at panay ang kulit sakin ng gagang yon! Hay nako, Feliciano! Tumigil-tigil kayo sa pangaasar sakin please lang! Huwag niyo muna ako tanungin tungkol sa concert concert na yan ha!
Ayoko pa nga siyang makita! Ayoko siyang makita! Kagabi pa ako isip ng isip sa concert na yan!
Naghanda na ako papasok sa trabaho maaga naman ako nagigising pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng plain purple sweater at checkered pleated skirt na color beige this is my outfit for today kailangan ko na palang pumasok ayokong malate!
Pagkalabas ko ng apartment naglakad na ako papalabas at sumakay na ng taxi nagiipon pa ako ng pera para sa sasakyan na gusto ko nakasave na yon at sasakyan na lang ang kulang hahaha! Nakababa na ako at naglakad na papuntang building namin nakasabay ko pa si Yesha papasok ng kumpanya.
"Good morning!" bati naman niya sakin nakangiti akong tumango at binati din siya.
Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang magtrabaho pagkabukas ko ng desktop unang bumungad sa news feed ko ang poster concert ni Andrei. Grabe! Mas lalo siyang gumwapo ngayon ang ganda ng kuha niya sa poster na ito.
Akala ko ba magsisimula ang umaga ko ng walang mukha niya ang bumubungad. Ano ngayon to? Kung kailan ka nga naman magsisimula sa trabaho! Okay. Huwag ngayon.
Dane, mag focus ka sa trabaho mo. Please lang! Huwag na huwag kang mawawalan ng focus sa trabaho isantabi mo muna yang concert na yan at huwag mo munang isipin. Alright! Hinubad ko muna yung coat ko at nilapag ko yun sa likod lang ng upuan ko break time na din mamaya pupunta na lang akong pantry para kumuha ng snack magoorder na lang ako sa isang coffee shop ng light caramel frappuccino.
"May papasabay ka ba?" tanong ni Yesha sakin ngumiti ako at tumango sakanya sinabi ko na yung order ko at binigay ko na yung bayad ko para sa kape. Ang bait talaga ni Yesha! Pumunta na akong pantry kumuha ako ng isang biscuit at bumalik na sa pwesto ko nagtext na si Yesha na nandiyan na siya andiyan na yung hot coffee ko.
"Thank you, Yesha!" nakangiting sabi ko inabot niya na yung kape ko nagtakha pa ako ng nagbigay siya ng pera sakin yung pera ko ito pangbayad sa kape ko bakit binigay niya?
"Libre ko na." nakangiting sabi niya sakin malayo kasi yung pwesto sakin ni Yesha doon pa siya sa bandang dulo nakapwesto nag thank you ako sakanya at ngumiti naman siya sakin sinimulan ko ng kainin yung biscuit at iniinom ko na rin itong kape. Nakalibre na naman ako kay Yesha grabe na ang bait talaga niya super duper kind!
Nagscroll ako sa facebook at puro pagmumukha ni Andrei ang nakikita ko may detail na yung concert niya at hindi ko na tinignan pa tinuloy ko na lang ang pagkain nitong biscuit at kape madali ko lang natapos itong pagkain at sinimulan na ulit mag type sa desktop ko.
Ganito ang routine ko kapag pumapasok sa trabaho it's friday today at wala masyadong overtime nagpapa-online meeting na lang si Mr. Lee kapag wala kami dito sa kumpanya well baka dalhin ko yung laptop ko doon sa bahay pagkauwi ko kila Mama.
Pinasa ko na sa email yung natapos ko para makita na din ng head namin yung ginawa kong letter may darating kasing presentation at bagong ilalaunch na product hindi ko pa alam kung ano yon at ang task sakin ay gumawa ng letter at isend ito sa mga ka-negosyante ni Mr. Lee binigay ko muna yon sa head para tignan niya tapos isesend naman niya yung reply niya sakin tapos kapag na confirm okay na yon at gagawan ko na lang ng letter and envelope by company para ipadala sa mga negosyante.
Ayon ang task ko ngayon at sana matapos ko iyon ngayon din para wala narin akong gawin by weekend at para bisitihan ko sila Mama sa bahay at alam kong miss na miss na ako non.
"Dane, sabay tayo pauwi?" tanong ni Yesha sakin.
"Sige!" nakangiting sagot ko.
Tinignan ko na yung email sakin ni Ma'am approved niya na at pwede ko na itong kopyahin at gawan ng envelope para ibigay narin sa mga company through online. Ilang kopya pa ito this is so tiring! Okay kailangan ko ng magmadali at malapit ng mag office hour ibig sabihin lang non uwian na!
Nakapag save na ako ng ilang envelope at ready to give na ito through online. Gawa ko ba talaga ito? Sinimplehan ko lang yung gawa kong envelope sinend ko na rin ito sa mga ka negotiate ni Mr. Lee sana maapprove din ito ni Mr. Lee.
Malapit na din kasi yung meeting ni Mr. Lee kaya kailangan magawa ko na ito at matapos. Natapos din! Tinurn off ko na yung desktop at nung matapos na siya mag off niligpit ko na rin yung mga gamit ko.
Nagtap na ako ng card para out time ko at umuwi na sa apartment ko sumakay na ako ng taxi mga ilang minuto lang nakauwi na ako. Napagisipin ko na magluto na lang ng kimchi fried rice bumili muna ako ng ingridients bago umuwi sa apartment.
Nang makauwi na ako sa partment dumiretso muna ako sa kwarto at nag half bath bago magluto ng pagkain. I'm craving for this!
Nagsimula na akong magluto ng kimchi fried rice grabe ang sarap nito! Namiss ko ito kapag si Mama yung nagluluto binuksan ko na yung laptop ko at nagaantay ng email galing sa mga nasendan ko ng envelope pati yung ibang email na mangagaling sa head namin at isesend sakin na email.
Hindi pa rin tapos ang trabaho ko kahit nakauwi na ako dito sa apartment. Akala ko din tapos na hahaha! Hindi pa pala. Nagtext kasi sakin yung head namin at kailangan ko pa din tignan at basahin yung mga importanteng email.
Waaa! Magpupuyat na naman ako nito kailangan maaga nakaalis na ako dito sa apartment para makarating kaagad ako sa bahay habang abala ako sa pagaantay ng email sakin nagvibrate naman yung phone ko may text message akong natanggap galing kay Yesha.
From: Yesha
Dane, may ticket selling na!
Nabilhan na kita.
VIP Seat tayo.
What? VIP Seat? Seryoso ba?
YOU ARE READING
My Euphoria
Fanfiction[Fan Fiction] Danes Leila Cristoval is an ex-girlfriend of famous vocalist boy band of Black Ace artist, Andrei Stefan Montecillo. How can she escape her past experience with Andrei if she is not the cause of her ex-boyfriend happiness? Will she co...
