Chapter Thirty Four

53.6K 692 11

CHAPTER THIRTY FOUR

ZAYL'S POV

"Hindi niyo man lang ba ako hinanap?" Tanong ko kay Mama.

"Sinubukan ko pero hindi ko mahanap noon si Linda. Nawalan ako ng pag- asa. Tinanggap ko na lang sa sarili ko na napakasama kong ina. Anak, patawarin mo ako kung nagawa ko sayo 'yun." Sabi ni Mama.

Naiintindihan ko naman, atsaka tapos na 'yun. Kailangan na lang naming mag- focus sa kasalukuyan.

"Okay lang po 'yun. Tapos na po 'yun." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Napaka- drama din pala ng past niya.

"Eherm." Si Papa.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at tumingin kay Papa. Sabay pa kaming nagpahid ng luha ni Mama at napangiti.

"Kanina pa kayong seryoso diyan. Puwede na ba akong makisali?" Napangiti kami sa sinabi ni Papa.

"Ofcourse Papa. Halika may itatanong po ako." Sabi ko.

"What is it iha?" Tanong ni Papa pagkaupo niya.

"May continuation pa ba 'yung love story niyo ni Mama?" Napapangiti kong sabi.

Love story nga ba? Eh gusto ko kasi silang magkatuluyan. Hehe.

Nakita ko si Mama na napalunok sa tanong ko. Haha.

"Gusto ko sana, ewan ko lang sa Mama mo. Well, you can help me iha. Maybe after your wedding?" Sabi ni Papa habang nakatingin kay Mama.

What???? Haha kinikilig ako kahit alam kong may hadlang pa dahil kasal pa rin siya kay Cynthia pero maaayos din naman 'yung problema in time at magiging masaya na kaming lahat.

"Ofcourse! " Masaya kong sabi.

"Maiwan ko muna kayo, may gagawin pa nga pala ako." Sabi ni Mama.

Hala nahiya pa. Hahaha. Nagkatinginan kami ni Papa bagkus tumawa.

"Madalas ko ngang biruin 'yang Mama mo kaso binabara naman ako. Ang tanda- tanda na raw namin." Sabi ni Papa pagkaalis ni Mama.

"Age doesn't matter. Basta tutulungan namin kayo ni Jack." Sabi ko.

"Salamat iha. Basta sabihin mo sa Mama mo huwag ng umalis dito. Baka kasi layasan ako bigla. Mabuti na lang at dito na rin titira si Zandro."

"Mabuti naman po para na rin may tulay kayo papunta kay Mama kapag wala ako." Sabi ko.

"Pero minsan nararamdaman kong nagpapakipot lang 'yang Mama mo." Sabi ni Papa at sabay kaming nagtawanan.

"Papa! Lagot ka kay Mama. Basta ayusin niyo na 'yung annulment niyo kay Cynthia. Mas mapapadali kasi ang lahat kung wala ng nag- uugnay sa inyo sa babaeng 'yun." Sabi ko.

"Yes I will." Sabi ni Papa.

Maaayos din ang lahat. In His perfect time.

TRICIA'S POV

"Dad, I want to be his secretary forever!" Sabi ko kay Daddy.

Nakakainis! Ginawa ko na lahat para mapalapit kay Jack pero bakit bigla na lang nila akong papalitan? Gusto rin daw ng daddy ni Jack na palitan na ako. Bwisit 'yang Zayl na 'yan!

"Anak, wala na akong magagawa. Iyon ang gusto nila." Sabi ni Daddy.

"Dad alam nating qualified ako sa posisyong yun!" Nakaka- high blood.

Akala ko okay na. I'm sure sumipsip na naman ang babaeng 'yun!

"Yes I know. At mas mataas pa sa posisyong 'yun ang nababagay sayo anak." Sabi niya.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!