Bago ako pumasok sa trabaho, dumaan muna ako sa computer shop para magpa-print at magpa-xerox. Nilagay ko ang mga yun sa folders tapos saka ko sinilid sa loob ng plastic envelope sa bag ko. Tumawid ako at pumasok na sa building namin.
Sumakay ako ng elevator papuntang 7th floor. Habang naghihintay, napatingin ako sa relong suot ko. May 25 minutes pa bago mag-umpisa ang meeting. Nung makarating ako sa 7th floor, kumatok ako sa office ni Sir Russell at nung pinapasok niya ako, inabot ko ang usual coffee order niya.
Binati niya ako ng magandang umaga at binati ko lang rin siya tapos pumunta na ako sa conference room. Nilagay ko yung bawat folder sa tapat ng mga upuan at sinigurong presentable ang mga yun. May natatarantang intern din sa labas na naghihintay na mapagalitan siya ng boss niya.
Sinigurado kong tama ang bilang ng folders na nasa table tapos nung okay na, lumabas na ako ng conference room. Nung oras na para sa meeting, saka lang ako bumalik doon. Sinundan ko lang si Sir Russell tas umupo ako katabi ng iba pang assistant.
Ang mga nandito ngayon sa conference room ay ang runners ng talk show kung saan assistant director si Sir Russell habang ako naman ang temp and part-time assistant/secretary niya. Naka-maternity leave kasi yata yung dating secretary ni sir or tinatamad pa lang siyang mag-hire ng iba.
Nandito rin yung producers, director, at ang mga magiging guest ng talk show sa Thursday. Actually, dalawa pa lang silang nandito at yung manager lang nila yung kasama nila. Sa pagkakaalam ko, miyembro silang dalawa ng banda. Yung babaeng naka-balayage blonde ang buhok at may dark brown roots ang isa raw sa vocalists tapos yung naka-buzz cut sa tabi niya ay ang keyboardist nila.
Pinag-usapan ng bosses ang flow sa talk show.
Yung bandang yun, na nakalimutan ko ang pangalan, sumikat sila through social media. Nag-post sila ng video habang kumakanta ng rock version of ‘If I Ain't Got You’ ni Alicia Keys sa isang studio. It was a hit, nag-trend sila. Sa Facebook yata o Twitter nila pinost yun, di ako sure. Napansin ng maraming tao, including my employers.
Before everyone knew it, nagla-live show na sila sa mga bar, nasa TV commercials na, tapos na-interview na sa magazine at pinagkakaguluhan ng mga tao sa internet, may published articles na rin about sa kanila sa internet.
So far, wala pa silang original song at ang purpose ng pag-guest nila sa talk show na 'to ay ang pag-aannounce sa fans nila na maglalabas sila ng original songs throughout the year.
Tanghali nung matapos ang meeting. Ginawa ko lang ang mga utos ni Sir Russell tapos nung gabi na, umuwi lang ako para maligo tapos nagbihis na ako ng uniform para sa night job ko.
Bumiyahe ako at nakarating sa coffee shop five minutes bago ang shift ko. Pumasok ako sa loob at nag-turn in ng attendance ko tapos hinintay ko lang yung kapalitan ko ng shift.
All-around talaga ako rito sa coffee shop kasi may shortage sila sa personnel at natanggap naman ako ng kahit anong trabaho basta may kita. Pero this month, nasa cashier lang ako madalas.
Dumaan ang ilang oras, napagod na ako kakatayo. Nag-break ako for five minutes lang para magpunta ng CR tapos bumalik na ulit ako sa cashier. Anong oras na, pero ang dami pa ring tao. Ganon ba talaga kasarap yung kape dito? O baka wifi lang namin yung habol nila? Pero wala ba silang mga bahay?
Ngayon, naiirita ako dito sa customer na nasa harap ko. Ang dami niyang demands sa order niya at na-punch in ko na lahat yun tapos mayamaya, binawi niya at iniba yung sa orders kasi nagkamali daw siya. Napatungo na lang ako at umirap. Ito mga pinaka-ayaw kong customer. Patagal sa pila yung errors tas ako naman nahihirapang palitan yung orders nila.
Dumagdag lang sa irita ko yung customer na yun. Buti hindi yata napansin ng sumunod sa kanya kung gaano siya katagal. Binigay ko na lang sa barista yung order nung nakakainis na customer tapos inasikaso ko na yung sumunod.
Kaso di pa rin nawawala yung inis ko. So, hindi ko na halos natingnan 'tong customer ko ngayon. Mas matangkad rin naman siya sa'kin at ang ka-eye level ko ay ang crew neck T-shirt niyang brown lang na may loose collar. Mukhang di na nag-effort mag-ayos ng suot since gabi na nga.
Sinabi ko lang yung scripted greeting namin sa customers at hindi na ako nagpaka-enthusiastic kasi baka katulad na naman 'to nung kanina.
"May I take your oder, sir?" Tanong ko habang nakaharap sa screen tapos naghintay ako ng sagot.
"One large cafe americano please." Sagot niya. Raspy ang boses nito.
"Anything else po?" Tanong ko pa ulit on a monotonous voice.
"Nope, just that." Sagot naman nito with a jolly voice.
"Nako, siguraduhin mo lang talaga." Inis na bulong ko sa sarili ko. Baka kasi tulad siya nung huling customer na nagpadagdag, nag-add ng kung ano-anong demands tapos nagpabawas pa ng order sa huli. I sighed at saka ko in-input yung order nitong nasa harap ko.
"That would be 248 pesos," pag-iinform ko. Nag-abot siya ng 250 pesos gamit ang mapayat niyang mga kamay na may F-clef tattoo sa wrist. Sinuklian ko siya ng dos.
"Name for the cup?" Tanong ko. Mukhang nag-isip pa ang isang 'to. I sighed and waited habang naghihintay na isulat or alalahanin na lang yung name para sa cup nito.
"Uhmmm...I guess, Brendon Urie." Sagot niya. Napataas ako ng kilay saka tumango.
"Pahintay na lang sa side or tables na matawag kayo." Paalala ko tapos saka ko binigay sa barista yung resibo ng order na sinulatan ko ng Brendon Urie sa likod.
Spencer, yung barista this shift, he made the drink at binigay yun sa umorder nang hindi ko napapansin. Nagpaka-busy lang ako dito and waited na mag-alas dos na ng umaga. 24 hours ang coffee shop na 'to since marami raw call center sa paligid.
Nung wala na masyadong tao, nakapag-kwentuhan kami ni Spence since dalawa lang kaming nandito sa counter ng ganitong oras. Nagpapahinga yata sa likod yung iba.
"Nga pala," sabi ni Spence sa'kin. Tiningnan ko siya habang tinataasan ng kilay. Kumakain ako ng sandwich na baon ko at siya naman, nakain mula sa baunan niya habang nakaupo sa sahig para di siya makita ng customers.
"Yung Brendon Urie sa cup kanina, pakiramdam ko nakita ko na yun sa kung saan. Di ko nga lang maalala talaga." Sabi niya sa'kin. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman nakita yung mukha non so, di ko alam kung saan niya possibly nakita.
"Baka sa Pan!c at the Disco?" Sarkastikong sagot ko kay Spence at nasabihan noya naman akong tanga.
"Hindi naman nagtatagalog yung do'n!" Pagpopoint out niya. Nag-shrug na lang ulit ako ng balikat.
"Mukha pa kamong famous kasi tinitingnan ng mga babaeng customers kanina tas pinipicturan. Kung nag-stay pa siguro yun ng mas matagal dito, baka may nagpa-picture talaga don." Pagkukwento pa ni Spence. Ang bilis talaga nito ma-bore sa trabaho kaya nagmamasid na lang ng mga tao pag trip niya.
"Baka ganon lang siya ka-gwapo," dagdag pa ni Spencer. Naubos ko na yung sandwich ko. Lumapit ako sa basurahan at tinapon yun.
"Okay, so?" Tanong ko pa kay Spence kasi nakatingin pa rin siya sa'kin.
"Alalahanin mo rin itsura no'n para maalala ko kung saan ko ba nakita," pagpilit niya sa'kin. Hindi talaga rin madali matahimik ang utak ng isang 'to.
Baka iniisip niya rin na missed opportunity yun. Kasi may mga ganong moments diba? Nakakita ka ng famous kaso di mo maalala tas pag uwi mo, isesearch mo o kaya titingnan sa trends tas masasayangan ka kasi nasa harap mo na previously pero di ka pa nagpa-picture or anything.
Kung ako yung nakakita ng famous na tao, pipicturan ko tas ibebenta ko sa media yung picture. Ganong klase yung "missed opportunity" with famous people sa'kin kasi.
"Sorry to disappoint, di ko nakita yung mukha." Sagot ko at napabuntong hininga na lang si Spence. Tinuloy niyang kumain sa sahig still with a puzzled look on his face habang ako naman, I tended to the customer na kakalapit lang sa counter.
KAMU SEDANG MEMBACA
Harmonic Euphonies
Romansa"𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐜𝐨𝐫𝐝, 𝐢 𝐧𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐥𝐢𝐤𝐞𝐝 𝐡𝐢𝐦." ♪~♪~♪~♪~♪ Hot-headed and hardworking Justin meets the rising star and carefree band vocalist Kian, but nothing seems the way they see each other. People wear masks and armors everyday, i...
