BOOK 2- Chapter 2

2.2K 50 0
                                    

CHAPTER 2

"Sometimes, it's not just about love. Sometimes, it's all about trust. Because you can love anyone easily. But you cannot trust everyone."
   -c.




Inabala ko ang sarili ko sa pakikinig sa klase. Nagkaroon kami ng group activity at quiz, at nakapasa ako. Si Zanea ay busy sa patagong pagtetext. I'm sure si Van ang katext niya. Nagtataka talaga ako kung bakit hindi pa sila. Baka nga tinatago na lang nila sa amin na nagkabalikan na ulit sila.

Pagkatapos ng klase, chineck ko ulit ang cellphone ko. Bukod sa text ni Ate Hershey ay wala na. Nagpaalam lang si ate thru text at tinanong niya kung masasamahan daw ba ako ni Zanea. Nagreply ako na bukas pa lang siya makakapag-stay sa bahay. Binigyan ko rin siya ng goodluck sa kanyang business meeting doon.

Last summer, nagbakasyon sina Tita Joy at Naio sa London. Dapat ay kasama ako pero mas pinili kong mag-stay dito lalo na't hindi pa ako masyadong nakakapag-move on noon sa pagkawala ni Ate Gail. Kaya pati si Ate Hershey ay nagpaiwan na. I felt guilty dahil family vacation nila iyon pero sinira ko. Once a year lang sila magpunta doon para bisitahin ang kapatid ng lola namin.

"Sorry, Gib Hindi ako makakasabay pauwi sayo." Ani Zanea habang naglalakad kami sa hallway.

"Ha? Bakit?"

"Manghihiram lang ako saglit ng book sa library tapos aalis kami ni Van." Ngumisi siya pagkasabi niya sa pangalan ni Van.

I sighed. "Wala naman akong magagawa, e. Enjoy your date na lang."

Nabigla ako nang bigla akong yakapin ni Zanea. "Don't be sad, bestfriend. Just trust Dame. Okay?"

Tumango ako. "Thank you! Sige na. I won't ruin your valentine date with Van."

She chuckled. "Bye!"

Mag-isa na akong naglakad palabas ng university. Ni hindi ko nakita kahit bakas ni Damon. I'm starting to get worried. Gusto ko na rin magtampo pero alam kong mali. Ang sabi ko may tiwala ako sa kanya kaya hindi ako dapat magtampo. Kailangan ko lang maghintay. Wala naman kaming pinag-awayan kaya walang dahilan para lumayo siya. At alam kong hindi na siya 'yung dating Damon na basagulero at hambog.

"Still alone?"

Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Hunter. "Para ka talagang kabute."

Tumawa siya. "Nagtext na ba siya sayo?"

"Hindi pa nga e. Sayo ba?"

"Magtaka ka kung nagtext siya sakin." Tumawa siya ng nakakaloko.

"Crazy," I mouthed.

"Hatid na kita?"

"Huh? Akala ko ba sira sasakyan mo?"

"Sino ba nagsabing kotse lang ang meron ako?"

Napailing na lang ako. Hinila niya ako papunta sa parking area ng mga motor. Nanlaki ang mga mata ko nang lapitan namin ang kulay itim na YZF-R6 na motorbike. Marunong rin siya mag-motor? Wala akong alam sa mga ganito pero kumikinang sa motor niya ang kamahalan nito.

Naalala ko nung mga bata pa kami ni ate. Kahit na takot ako sa tao noon, pinangarap pa rin namin ni ate ang matutong mag-bike. Binili kami ni papa noon ng bike pero isa lang ang nakayanan niyang bilhin. Tinuruan kami ni papa hanggang sa matuto kami. Nakakamiss ang mga panahon na kasama ko pa ang pamilya ko.

"Gibrielle? Ayaw mo ba?"

"Ha? Hindi naman. Pero paano mo ako papasakayin diyan?"

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon