"We're leaving today. Hinanda ko na ang mga gamit natin kanina habang tulog ka pa." Pag-iiba niya ng usapan at iginiya na ako patungo sa lanai.

"Nagpa-book ka na ng ticket? Hindi ba parang ang bilis-"

"We're just going back to the city. Kung ayaw mo pa umalis ng bansa, we'll do it. It's fine. Besides, I need to discuss something to Celina." Putol nito sa sasabihin ko kaya napatango na lamang ako.

Umupo ako at sumunod naman silang tatlo. Nangunot ang noo ko nang mapansing wala sina Alyanna at Justine. I was about to ask them where are their girls but Kiel ask something again.

"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang idi-discuss ko kay Celina?" Tanong niya sa 'kin kaya natawa ako.

Itinagilid ko ang ulo ko upang tingnan siya. Seryoso ang ekspresyon nito habang may tinitingnan sa cellphone niya. Sinilip ko pa iyon at nakita kong nag checheck siya ng emails niya. Lalong lumakas ang iritasyong nararamdaman ko para sa kaniya. Hinawi ko pa ang kamay niyang nakahawak sa hita ko na siyang ikinagulat niya. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.

"Kung gusto mong malaman ko ay sasabihin mo na agad kung ano iyon bago pa man ako magtanong, Kiel. Is it important? Tungkol saan?" I asked him which made him look at me.

Ang hula ko ay tungkol iyon sa comeback nila. Duda ako na sasabihin din niya sa 'kin kaya't bakit pa siya magtatanong?

"It's kind of important. Anyway, Lynne gave birth already. Do you want to visit her when we got there?" Tanong niyang muli sa 'kin.

Bago pa man ako makasagot ay bigla nang dumating ang dalawa.

"We're planning to do a welcome party for her. Exclusive for close friends only. Do you want to join? Of course, you should." Alyanna said while scrolling on her cell phone.

"Did you rest well? Masakit pa ang tiyan mo?" Dinig kong tanong ni Asher sa kaniya.

Bumaling ako ng tingin kay Kiel na nakatingin pa rin sa cellphone niya. Naramdaman ko ang pag-usbong ng galit ko sa ginagawa niya kaya tinapik ko ito.

"What are you doing? Sino ba ang kausap mo diyan?" Hindi ko na napigilan ang iritasyon sa tono ko.

Gulat siyang tumingin sa 'kin at ibinaba ang cellphone niya sa table. Ang apat ay nakatingin lang sa 'min.

"I was just checking my mails dahil may hinihintay akong email from-"

"From whom? One of your girls?" I cut him off.

Kumunot lalo ang noo nito kaya napairap muli ako. Padarag na tumayo ako at akmang aalis na sana nang hulihin niya agad ang kamay ko.

"What's wrong? Are you okay? Did I do something wrong? I'm sorry," he uttered which made me mad even more.

Patuloy lang sa panonood sa 'min ang apat kaya nakaramdam ako ng hiya. Ngunit mas malakas ang iritasyon nararamdaman ko para kay Kiel. Hindi ko alam kung bakit!

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa 'kin dahil upang mapatayo na siya.

"Baby-"

"Stop calling me by that endearment! I don't want to see your face, Kiel. Back off!" I almost yell at him

"What? Why? Are you mad? Kanina ay okay ka pa-"

"Of course, I'm fine!" Sigaw kong muli at tinalikuran na siya.

Pero bago pa ako makalayo ay hinatak na naman niya ako paharap sa kaniya kaya napamura na ako.

"What is your problem?" Naguguluhan niyang tanong sa 'kin.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now