Kabanata 65

Mulai dari awal
                                    

Napangiti ako nang mapakla at akmang tatayo na sana ngunit mabilis na hinawakan ni Lynne ang braso ko.

"Where are you going? Why are you acting that way, Acel?" Takang tanong niya sa 'kin.

Tinagilid ko ang aking ulo at sinulyapan siya.

"Let's not talk about him-"

"Why? You should know this dahil patuloy mo pa ring iniisip ang lalaking iyon. Bakit nagkakaganyan ka? Why don't you believe us? Bakit? Dahil ayaw mong masira ang imahe niya na nakatatak sa puso mo?"

Kumalampag nang husto ang puso ko nang sabihin niya iyon. Tila nahulaan niya ang iniisip at nararamdaman ko. Nanghihina akong bumalik ng upo sa tabi niya at napayuko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

"I just . . . can't accept it yet, Lynne. Nahihirapan ako. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi kayang tanggapin ng puso ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari nang araw na 'yon pero nahihirapan ako. I want to remember what happened that day! Gusto kong malaman kung may sinabi ba siya sa 'kin dahil pakiramdam ko ay mayroon. Hindi ko na alam . . ." Halos bulong ko sa sarili ko at nagmura nang paulit-ulit.

Marahas akong bumuntong-hininga at tiningnan siyang muli.

"Ngayon, kung tatanungin mo pa rin kung ano ang lagay ko, my answer is no, I'm not fine. Ramdam kong hindi ako okay. I feel really empty. Wala akong maramdaman bukod sa bigat na nararamdaman ko. I'm fucking . . . empty, Lynne. It's scary . . ." I almost whispered to myself at tuluyan na siyang iniwan doon.

Narinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ng ilan nang matapat ako sa kanila ngunit binalewala ko na lamang iyon. Diretso akong tumungo sa kuwarto namin ni Kiel. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower. Nakatayo lamang ako roon, nakatitig sa wall tiles habang nababasa ng malamig na tubig. Ramdam ko ang panunuot lalo ng malamig na tubig na 'yon sa katawan ko.

Maya-maya pa, tuluyan ko nang naramdaman ang mainit na likidong 'yon na nagmula sa mga mata ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay at labi ko kaya pumikit ako nang mariin.

Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw nang napakalakas! Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hindi ko na maramdaman ang emosyonal na sakit. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na bagay na 'yon sa dibdib ko. It's so heavy and disturbing. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilulunod nito. That the more I suppress what I feel, the more I feel like choking. I feel like I'm suffocating. I feel like I'm drowning. Hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin no'n. Ilang araw na akong ganito. Mula nang makalabas ako sa ospital ay pakiramdam ko, sasabog na ako anumang-oras ngunit hindi no'n kayang lumabas. Hindi ko maintindihan.

Ilang minuto akong nakatayo roon nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Doon ko lang din napansin na nakapatay na ang shower. Nang iangat ko ang tingin ko ay tumambad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Kiel.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang mga mata niya. Ang asul niyang mga mata na tila hinahatak ako paroon.

"What's wrong? Why are you here?" Nagsusumamo niyang tanong sa 'kin.

Hindi ako sumagot. Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita mula roon. His voice triggered my feelings and suddenly, I began to explode. Nanghihina akong sumubsob sa dibdib niya at pinakawalan doon ang impit na sigaw. Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko.

Ilang minuto pa ay binuksan niyang muli ang shower. Hindi ito nagsasalita. Tahimik niya akong pinaliguan at hinayaan ko lamang siya. Nanghihina ako. Masakit ang lahat sa 'kin. Pinagmasdan ko lamang siyang gawin ang gusto niyang gawin sa 'kin.

He took care of me. Matapos niya akong paliguan ay binihisan at iginiya akong mahiga sa kama namin. Kinumutan niya pa ako at naupo sa tabi ko. He didn't say anything. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nanatili lang itong nakatingin sa 'kin. Tila nais magsalita ngunit pinipigilan.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang