CHAPTER 39

1.6K 121 35
                                    

“Si Joaquin! Anak pala ni former General Jacob! Joaquin si Jaica, bestfriend ko!” pagpapakilala ni Belle.

Nilahad ni Jaica ang kanyang kamay upang makipagkilala ngunit pinagmasdan siya Joaquin bago iabot ang kamay. 

“J—Joaquin… I’m Joaquin, nice to meet you… Jaica.”

“Nice to meet you too, sir! Anyway, nakapili na po ba kayo?”

“Yes, this rubby. Where will I pay this?” tanong ni Joaquin habang nakatitig pa rin kay Jaica.

“Here, sir!”

    Sumunod naman si Joaquin kay Jaica kaya naman naiwan si Belle habang pinagmamasdan ang kilos ng binata.   

    “Anyway, matutulala lang talaga si Joaquin dahil maganda si Jaica,” malokong sinabi ni Belle pagkatapos ay sumunod sa kanilang dalawa.

    A few minutes later, natapos si Belle at Joaquin sa paghahanap ng regalo. 

    “Belle, let’s go. Ihahatid na kita.”

    “Hindi na, sabay na kami ni Jaica. Malapit na rin kasi siyang lumabas. Salamat pala sa  libre ha!”

    “No problem, next time ulit!” Paalam ni Joaquin.

    Sa pagtalikod ng binata, binalikan ni Belle ang isang souvenir shop na kanyang nakita kanina. 

    “Magkano ito?” tanong niya sa sales lady.

    “Five hundred po for two.”

    “Talaga? Sige kunin ko!”

    Sumunod naman ang dalaga sa sales lady hanggang sa makuha niya ang gustong couple bracelet.

    “Magugustuhan kaya ito ni Hugo?  Hay teka… tig two fifty? Naku, sa tipo niya ng lalaki… nagsusuot ba siya ng mumurahin?” nagkakamot ng ulo ang dalaga. “Dibale na, ibibigay ko pa rin. Ito lang naman ang kaya ko. Sana magustohan niya,” ngumiti lang si Belle at tiningnan ang maliit na dedication paper.

    “This bracelet represents strength and protection,” mas lalong umawang ang ngiti sa kanyang labi dahil sumagi sa isip niya kung paano siya iniligtas ni Hugo ng ilang beses. “Hala, may tama na nga ako sa kanya,” tinakpan ni Belle ang mukha habang kinikilig.

    Natapos ang oras ni Jaica sa trabaho at doon ay nakita na nila ang service pauwi sa bahay ni Hugo.

    “Loka, ang gwapo naman ng mga circle of friends mo ngayon.”

    “Oo, pero syempre malayo pa rin ang agwat natin sa kanila. Kulangot lang tayo,” tugon ni Belle.

    Napatingin naman sa rear-view mirror si Jamie habang pinapakinggan ang dalawang dalaga. Siya ang inutusan ni Manong Boyet dahil inasikaso niya ang sugat ng kanilang amo.

    “Huy, ano itong binili mo?” hinatak ni Jaica ang hawak niyang plastic.

    “Ito talaga! Ang epal mo, huwag mo naman hatakin!” reklamo ni Belle.

    “Hoy, pang couple ito ha? Kanino ang isa, kay Mr. Franklin Hugo?”

    “Huy! Magtigil ka nga! Naririnig ka nang driver! Akala totoo!” Nahihiyang sinabi ni Belle pagkatapos ay pinandilatan ng mga mata si Jaica.

    Napangisi na lamang si Jamie habang natatakpan ng mask ang kalahating mukha. Hindi maikubli ang pagkakainis kaya naman tinapakan niya bigla ang preno.

    “Aray! Dahan-dahan ka naman po!” Bulalas ni Belle.

    Hindi kumibo si Jamie at yumuko lang ng konti upang hindi siya mahalata. Inis na inis at ingay na ingay siya sa dalawang magkaibigan. Walang kwenta ang pinag-uusapan lalong tawa pa nang tawa. Minadali talagang magmaneho ni Jamie hanggang sa mabilis silang nakabalik ng bahay.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now