Chapter One

99 15 0
                                    

Third POV

"WHERE ARE YOU right now?"

"Hmm...hindi ko sasabihin."

The man in the call, sigh. "Pwede ba...pwede bang huwag mo ibaba ang tawag para mahanap ka namin!" His tone was full of frustration.

Tumawa lang ang kausap nito sa linya. "Ano ako, uto-uto? Hahahaha!" Tuluyan na nga nitong ibinaba ang linya.

"Ano sabi, Xenon?" Tawag pansin ng isang lalaking papalapit sa direksyon nito.

Hindi maipinta ang mukha ng lalaking nagnga-ngalang Xenon. "She hung up the phone. That woman..." He grumbled and looked at the man who just arrived. "Nahanap nyo ba ang lokasyon nya, Vyn?"

Tumango si Vyn. "Oo, kaya tara na bago kapa sumabog dyan." Naglakad na ang mga ito habang nagpa-plano ano ang susunod na gagawin.

Reinvert Calla's POV

"Ahahahaha...ehehehe.."

"Miss, ito na oh."

"Ay, sorry po manong." Tinigil ko muna ang pagtawa ko bago kuhain ang ice cream na binili ko kay manong. "Ito po, keep the change."

Nanlaki naman ang mga mata ni manong. "Ah iha! Isang libo ito pero dalawang ice cream lang ang binili mo. Maghintay ka muna saglit bago kita masuklian."

Tinaas ko ang kamay ko kaya tumigil sa pagkilos si manong sa pagtataka. "Ayos lang po, manong. Kunwari utang ko po 'yong paghintay nyo kanina dahil sa kakatawa ko. Ba-bye!" I grinned. Tumakbo kaaagad ako palayo.

"Iha, kahit ang weird mo, salamat padin!" Sigaw ni manong. Kumaway nalang ako at mas mabuting hindi inalala ang una nitong sinabi.

Umakyat na ako sa bus, dahil nasa tabi lang ng bus station si manong na nagtitinda ng ice cream. Umupo na ako sa bakanteng upuan at dinilaan ang mga natutunaw na ice cream sa cone. Save for the best ang cone, ang paborito ko.

While enjoying the view, accomplishment na 'to sa mga commuters, may nagsigawan sa loob ng bus. Luh, ang ganda na ng scene eh!

"Walang gagalaw! Kundi, may masasaktan sa inyo!" Sigaw ng isang lalaking may itim na tela sa mukha.

Nagpatuloy lang ako sa pagdila ng ice cream kong nalulusaw habang kung ano-ano ang pinagsasabi ng lalaking nasa gitna ng bus. May mga kasama 'rin pala ito, nasa gitna ng upuan at meron din sa dulo ng bus.

May mga dala silang armas na mas kinakatakot ng lahat ng pasahero dito. Nakatitig lang ako sa mga nangyayari at sa susunod na mangyayari.

"Ilabas nyo ang mga gamit nyo, 'yong mapagkakakitaan ng pera. Walang magtatago ng kahit ano! Kapag nahuli ko kayo, kayo lang din ang masasaktan!" The old man warned all the passengers, syempre maniniwala din naman ang mga ito sa takot.

Sus, bentang-benta na sakin ang mga linyahang 'yan. Napaikot nalang ako ng mga mata dito.

Isa-isa na ngang nag-ikot ang mga lalaki. May isa sa dulo na nakamasid, habang ang dalawa ang mango-ngolekta ng mga gamit. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng may sumigaw na naman.

"Akin na! Sabing ilabas ang lahat, diba?!" May hinahablot ang lalaking lider na may balot sa mukha, sa isang babaeng pasahero.

"Wag po! Bigay po sakin ng mama ko 'yan!" Pagmamaka-awa ng babae, nanlalaban din sa paghablot ng kwintas na nasa sariling leeg nito. Magkakasugat ito, panigurado.

"Aba! Hindi ka nakikinig, ito talaga ang hinahanap mo!" Tinaas nito ang palad, pero bago pa lumading ang kamay nito sa pisngi ng babae, may pumigil dito.

My Wife, The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon