Monster ♂ Chapter 43

Saturn's POV

Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang hawak ang resulta ng DNA test at patuloy pa rin ako sa pagluha. Paano nila nagawang magsinungaling sa amin? Bakit kailangan nilang saktan at pahirapan kami? Nagpatuloy kami sa buhay na puro kasinungalingan. Paulit-ulit ko pa itong binasa para makumpirma at tama, hindi nga kami magkapatid. Madami silang dapat ipaliwanag sa akin at paanong napunta ito kay Chloe? Bakit hindi siya sa akin dumiretso nang makita niya ito?

Bigla kong naalala kanina nang pababa ako ng hagdan ay nakita ko siyang nagmamadali habang hawak itong brown envelope. Kung ganoon ay sa bahay niya nakuha ang test na ‘to. Sina Mom at Dad ang may alam ng lahat. Siguro ay kaya hindi sa akin sinabi ni Chloe ay gusto niyang kumpirmahin kina Mom at Dad ang nalaman niya kaya umalis siya ng bahay.

"Saturn! Anong nangyari?!" sabi ni Justin na humahangos kasama sina Steff at Harris. Dumating na din ang buong barkada kasama si Ate Shanna, nandito na din sina Mrs. at Mr. Rosette.

"Nabangga si Chloe." sabi ko sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa papel na hawak ko.

“Goddamn it! Again?” frustrated na sabi ni Kuya Steff.

"Ano ba ‘yang hawak mo?" tanong ni Harris nang mapansin niyang doon lang ako nakatingin.

Kukunin na sana niya ito sa aking kamay pero naagaw ang atensyon nila nang dumating sina Mom at Dad.

"Anong nangyari sa anak ko?" naiiyak na sabi ni Mom.

It's about time. Tumayo ako at tiningnan silang dalawa.

"Can you explain what's this?" sabi ko sa kanila at ipinakita sa kanina ang result.

Nanginginig ang kamay ni Dad na kinuha ang result at gulat ang nakarehistro sa mukha nila.

“T-This..S-Saturn. I-I’m sorry. L-Let me explain.” sabi ni Mom na umiiyak na ngayon.

Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. “Explain what?! Niloko niyo kami! Alam niyong mahal na mahal ko siya! Pinaniwala niyo kaming dalawa na magkapatid kami pero ano?! Hindi pala! Masaya na sana kami ngayon habang magkasama pero pinagkait niyo sa amin ‘yon! Para saan?! Bakit niyo ginawa ‘to?!” umaapaw ako sa galit. Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan sila ng boses. 

“S-Saturn, I-I don’t want to lose both of you!” sabi ni Mom.

“Sarili niyo lang pala ang iniisip niyo, eh! Hindi niyo man lang ba naisip ang sakit at hirap na pinagdaanan namin dahil sa putanginang kasinungalingan niyo?! Hanggang kailan niyo balak itago ang lahat, ha?! Hanggang kailan?!”

Hinawakan ni Ate Shanna ang aking braso.

“Bakit ‘yung result ng pina-DNA ko, positive? Kayo din ba ang may kagagawan noon, Mom?” tanong niya.

Dahan-dahang tumango si Mom. “Nalaman kasi naming nagpa-DNA test ka kaya naman bago mo pa makuha ang result ay pinapalitan namin iyon at kami ang kumuha.”

“I can’t believe this.” bulong ni Ate Shanna.

Lumapit si Mrs. Rosette. "Kung ganoon, kanino talagang anak si Saturn at Chloe?"

“Mas mabuti sigurong kumalma na muna tayong lahat bago natin ito pag-usapan.” sabi ni Dad. “Patawarin niyo kami pero kapag kumalma na tayong lahat, sasabihin na namin sa inyo ang totoo.”

Nag-antay na lamang kami at pinakalma ang aming mga sarili. Nagagalit pa rin ako. Wala silang karapatan para itago ang lahat sa amin. Wala silang karapatan para kontrolin ang buhay namin. Para lang sa pansarili nilang kagustuhan, nagawa nilang sirain ang buhay namin. Binago ko ang sarili ko, ibinalik ko ang gagong Saturn noon para makalimutan siya, ginusto kong mapalayo sa kanya at makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya tapos malalaman ko na lang na hindi pala kami magkapatid. Tapos ngayon nandito sa ospital ang babaeng mahal ko na nag-aagaw buhay.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!