Monster ♂ Chapter 42

Shanna's POV

"ANG SLOW NILANG DALAWA!" sigaw ko nang makaalis na sina Saturn at Chloe. Naiwan naman kami dito sa condo ni Kath. Haaay. Akala ko effective ‘yung plano ko, hindi pala. Kailangan ko na talagang makausap sina Mom at Dad about this, hindi pwedeng habang-buhay nilang itatago ang katotohanan at isa pa, nagpa-DNA test na ako kahit hindi nagpapaalam sa kanila. What for? Siguradong hindi rin naman sila papayag.

May nalaman kasi akong tungkol kina Saturn at Chloe pero hindi ko pa sinasabi sa kanilang dalawa kung ano ‘yon. Wala akong karapatan para sabihin sa kanila ‘yon at tsaka inaantay ko sina Mom at Dad para sabihin ang totoo pero hanggang ngayon nananatili silang tahimik kaya naman unti-unti na akong gumagawa ng hakbang.

“Kailangan na nating puntahan sina Mom at Dad mo, Shanna. Hindi pwedeng ganito na lang. Kailangan din naming malaman ang totoo” sabi ni Harris.

I gave him a faint smile. Sa pagkakataong ‘to, siya ang katulong ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kami ka-close. Madali kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay at madalas pareho ang aming iniisip. Pakiramdam ko din na pareho lang kami ng nararamdaman para sa isa’t-isa. Mabait naman siya at gwapo pa kaya wala na akong hahanapin pa.

"Ano na ang gagawin natin, Ate Shanna?" tanong naman ni Shellie.

“Kakausapin ko muna sina Mom at Dad. Sasabihin ko sa kanilang alam ko na ang lahat. Kailangan ko lang ng paliwanag nila para maging malinaw sa akin ang mga ginawa nila.”

Tumayo na ako at tiningnan silang lahat.

"Sumama kayo sa akin, kailangan niyong malaman ang buong katotohanan para hindi maging mahirap sa atin na paliwanagan ang dalawang slow ang utak na ‘yun.”

Tumango lamang sila sa akin at sumunod na sila papunta sa bahay namin. Wala naman siguro sina Saturn at Choe doon dahil sabi nila kakain muna sila.

Pagdating namin sa bahay, dumiretso agad kami sa office nina Mom at Dad. Nasa iisang kwarto lamang naman ang office nila, eh, at tamang-tama, nagkakape lang sila. Lumapit ako sa kanila at nagulat pa sila sa’kin pati na rin sa mga kasama ko.

"Anong meron, anak? Bakit nandito kayo?" nakangiting bati ni Mom. Inalis niya ang suot niyang salamin at lumakad patungo sa amin.

"Oo nga, may sasabihin ba kayo?" tanong naman ni Dad na ibinaba ang hawak na diyaryo.

Huminga ako nang malalim at tiningnan sila.

"Mom, Dad, alam ko na ang totoo.”

Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ko.

"Anong totoo?"

"Saturn and Chloe were not siblings! Alam kong hindi natin tunay na kadugo si Saturn! Tell me, Mom. Anong ibig sabihin noon?”

Ilang minuto din silang nakatitig sakin pagkatapos ay tinawanan lang nila ako. Nagtaka naman ako sa ginawa nila.

"Patawa ka din, anak, eh, paanong magiging ampon si Saturn? Sabihin mo nga!"

"Nagpa-DNA test ako!"

"Nakuha mo na ba ang result?" seryosong tanong ni Dad.

Napaiwas ako ng tingin sa kanila. "H-Hindi pa. Pero alam kong ‘yun ang totoo!"

Tiningnan lang ako ni Mom na para bang nababaliw na ako dahil sa mga sinasabi ko. "Shanna, kapatid mo sina Saturn at Chloe, nagsasabi ako ng totoo. Kahit ilang beses mo pang ipa-DNA test ang dalawa, magmamatch pa rin ang dugo nila dahil tunay silang magkapatid. Kabilang sila sa pamilyang ito, lalo na si Saturn, hindi mo ba ‘yun nararamdaman?"

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!