"I am letting you go, Scarlett. Not because I don't love you but because I love you so much. Papanagutan ko si Lauren sa ayaw at sa gusto niya. Ngayon na alam na ni Jack ang totoo, sana gawin mo ang tama. Gawin mo ang tama para sa ikabubuti ng mga bata."

I know what he mean but I can't absorb it. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Nakakatakot sumugal lalo na kung nasubukan mo na dati at natalo ka.

I still love Jack but it's difficult to trust again and to risks. Baka masaktan lang ako at ang mga bata sa huli. Ayokong masaktan sila dahil triple ang balik noon sakin.

"I will be a real father after nine months."

Gulat na napatingin ako kay Edward. Buntis agad si Lauren? Ang bilis naman noon?

Natawa naman ito sa reaksyon ko pero alam kong may kasamang lungkot ang tawa niya.

"I am also Lauren's close friend. Sabay ang schedule niyo ng menstruation at mula sa calculation ko, she's fertile that night."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kaya pala ang lakas ng loob niyang panagutan si Lauren pero kahit hindi siya mabuntis alam kong pananagutan pa rin niya ito.

"You bastard! Kaya pala problema ka lagi!" inis na sabi ko rito

"With or without child I'll still marry her. I will learn to love her, right?" tanong nito na may bakas ng lungkot sa boses

"Do everything Edward to love her. Ayokong masaktan si Lauren sa huli."

Natahimik siya sa sinabi ko pero maya maya ay tumango rin ito. Hipokrita ako kung sasabihin kung hindi ako nakaramdam ng galit kay Lauren. Normal lang naman iyon dahil nobyo ko si Edward at nasa tamang pag-iisip siya ng gabing iyon. Pero alam kong ginawa lang niya iyon dahil hindi na niya mapigilan ang pagmamahal niya kay Edward.

Dahil sa pagmamahal nakakagawa tayo ng mga kasalanan. Hindi mo naman pwedeng sabihing, nagmahal lang ako dahil sa una pa lang may choice na tayo. Naiintindihan ko siya dahil ako rin noon pinili ko ang pagiging tanga ko kay Jack kaya nagkaroon kami ng kambal.

Pero hindi ako nagsisi sa nangyari dahil ngayon may dalawang anak ako na nagapasaya sakin. May bad at good effect naman lahat ng katangahan at kasalanan na nagagawa natin.

"I love you, my Princess Red. I really do. Kahit gaano kahirap gawin mo ang tama. I am letting you go for your real happiness. Goodbye for now."

Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko at ang pagkawala niya sa harap ko. At that very moment, I already know that I lost a bestfriend. I lost the man who loves me very much. I lost my first love.

Pero sabi nga nila, first love never dies. Edward will remain in my heart as a special person.

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at nagkulong sa kwarto ko. Alam kong hindi pababayaan ni mommy ang mga bata kaya hinayaan ko na. Tahimik lang akong nakaupo sa kama ko.

Nakayakap ako sa tuhod ko at tulalang nakatingin sa kawalan. Iniisip at tinitimbang ang mga bagay. Nahihirapan na ako sa mga nangyayari. Wala pang isang linggo pero nasasaktan na ako ng ganito.

What will happen tomorrow? The day after tommorrow? Next week? Next month?

Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko nahulog ako sa malalim na butas at hindi na makalabas pa. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok si Kuya na nakapambahay at may dalang tray.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinundan si Ate Zea kahit ilang araw na silang nasa States.

"Nag-aalala na sa'yo ang kambal kaya kumain ka na." malumanay na sabi ni Kuya

The Casanova Got Me PregnantTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang