Chapter 10 - Night Date

Start from the beginning
                                    

Si Noah daw pumunta sa bahay namin pero sabi nila nasa Maynila na ako.

Ano naman kailangan sa'kin ng playboy na 'yun?

"Narda---'" tawag ni Regina pagkatapos nya buksan ang pintuan ng office ko.

"It looks like i disturb you both." Isasarado na nya sana 'yung pintuan pero pinigilan ko sya at inend 'yung tawag namin ni Brian.

"Sorry Regina distracted kasi ako di ako makapag focus sa work. Pasok ka." Sinarado nya 'yung pintuan at lumapit sa'kin ng konti.

"This is not the time para makipag-usap at pagchismisan ang mga walang kwentang bagay. Do you want me to suspend you?" Galit nanaman sya eh sya nga 'tong nakikipag-usap kay Era during work hours na baka wala ring kabuluhan.

"Sorry." 'yan nalang 'yung nasabi ko kesa naman lumaban pa ako eh tama naman kasi sya.

"Tell me, ano bang pinagk-kwentuhan nyo ni Brian at ngiting-ngiti ka kanina pagpasok ko?" Tanong nya habang lumalapit sya lalo sa'kin habang ako naman nakaupo pa rin sa chair ko.

"W-wala. Nag k-kwento lang sya about Nueva Esperanza at kung anong nangyayari dun." Ba't ba ako nag s-stutter? Nagtatanong lang naman sya.

"May gusto ka ba kay Brian?" Palapit sya nang palapit sa'kin. "Wala 'noh!" Walang pag a-alinlangan kong sagot at nag smirk sya.

Nag bend sya dahilan para maglapit ang mga mukha namin. "What about me? Do you like me?" We're facing each other now at dahilan na rin para hindi nanaman ako makapagsalita sakanya at naging yelo nanaman ako sa harap nya.

"Ma'am Custodio may ipapabil---"

"Oh my god! Sorry po!" Agad umayos ng tayo si Regina dahil kay Floryn. "It's not what you think!" Sambit ni Regina pero sinarado at umalis na si Floryn sa office ko.

Baka kung ano nanamang rumor ang kumalat nito.

Tumingin lang rin sa'kin si Regina at napansin kong namumula 'yung mukha nya tapos lumabas na sya.

Nakita ko syang pumasok sa office nya tapos tinakpan nya ng kurtina sarili nya dahil glass 'yung pader nya at kita ko sa kabila.

Ganon rin sya sa office ko nakikita nya rin ako.

Lumabas rin ako para hanapin si Floryn tapos nakita ko sya na papasok na ng elevator kaya pumasok na rin ako.

Maraming workers na pumasok so crowded ngayon 'yung elevator.

"Floryn mali ka ng iniisip. May tinatanggal lang si Regina sa mata ko. Napuwing kasi." Pagsisinungaling ko.

"Wala naman po akong nakita ano ka ba." Pagbubulungan pa namin pero kita ko sa mukha nya 'yung takot pero may halong ngiti rin.

Baka natatakot syang tanggalin sya ni Regina pero hindi ko naman hahayaang tanggalin sya ni Regina dahil lang dun. "Sinundan mo lang ba ako ma'am Custodio para sabihin 'yan?" Tumango ako sakanya.

Nang nasa lobby na kami, ako nalang naiwan sa elevator kaya pinindot ko na 'yung floor number namin tapos bumalik na ako sa trabaho.

Sobrang daming nangyayari ngayong araw at di ko na rin alam kung anong uunahin kong problemahin at isipin.

Nag ring 'yung telepono kaya sinagot ko. "Vanguardia Oil Company, assistant secretary Narda Custodio speaking how may i help you?"

"Narda this is Noah." Ano ba naman talaga oh imbis na tatlong problema lang iniisip ko ngayon dumagdag ka na naman.

Thank you kasi lagi mong dinadagdagan problema ko, Noah.

"Sir this is a company telephone number po, kung gusto nyo kausapin si Regina personally meron naman po siguro kayong contact sakanya sa phone nyo." Ibababa ko na sana 'yung call pero nagsalita sya ulit.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now