Chapter 11: Van Rei Isaac Fenier Walker

Van’s POV

“May nakuha na po akong impormasyon, Young Master” sabi sa akin ni Zick. Agad akong napaangat ng tingin sa kanya, hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya dahil abala ako sa pag-iisip at pagtitig sa natutulog na si Kisha. Hindi ko tuloy mapigilang sisihin ang aking sarili sa nangyari sa kanya. Inaamin kong sobra akong nakaramdam  ng takot ng makita siyang nahuhulog sa hukay. Noon lamang ako nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. Ayoko na muling mangyari sa kanya iyon at simula ngayon ay mas lalo kong pag-iigihin ang pagbabantay at pagpoprotekta sa kanya…

“Ano ang mga nalaman mo?” tinuloy ko ang paghaplos sa pisngi ni Kisha habang inaantay siyang magpatuloy...

“Sa isang malayong kabundukan, sa bandang Norte ng bansa. Doon nakatira ang nag-iisang tao na nakakaalam ng lahat”

Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lamang iyon narinig... “Anong sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko ay wala nang nakakaalam pa ng buong historya ng mga bampira”

“Kung gayo’y nagkakamali kayo Young Master. Ang matandang ermitanyo sa mahiwagang Bundok ng Tersiyara, doon daw naninirahan ang matandang may alam ng lahat. Maaaring alam niya din ang tungkol sa isang Legendary Vampire na noon pa lang ay naibaon na sa limot”

Tama siya. Kahit kelan ay hindi na napag-usapan pa ang tungkol sa Legendary Vampire. Sabi nila ay isinisilang ang Legendary Vampire kada-limang-daang taon at napaka-rare ng kaso na may Legendary Vampire. Isa lang ang kilala kong Legendary Vampire at matagal na siyang patay, lagi siyang laman noon ng balita, ayon sa sabi-sabi ay isa siyang magiting na bampira. At sabi din nila ay may dugong Walker ang Legendary Vampire na iyon kaya maaaring isa siyang Walker pero wala pa ring nagpapatunay sa teoryang iyon hanggang ngayon hanggang sa nalimot na ito ng panahon...

Tumayo ako at hinalikan ko si Kisha sa kanyang noo bago lumabas ng kwarto na kasunod si Zick. Kailangan kong testingin na palabasin uli yung dark aura sa paligid ng katawan ko. Paano kaya? Pumunta ako sa may garden at huminga ako ng malalim. Inisip ko ang mga ginawa at naramdaman ko kahapon...

Galit at takot...

Tama. Paano naman ako magagalit at matatakot ng walang dahilan?

“Kailangan mo ng tulong namin Young Master?” tanong ni Jick kasama ang iba pang Nobles...

“Galitin niyo ako” sabi ko sa kanila...

Bigla naming nawala ang kulay sa mga mukha nila... “Baka naman sa sobrang galit mo mapatay mo na kami Young Master!” sabi naman ni Jack...

“Gagawin niyo o hinde?” Masama ko silang tiningnan, pinatunog ko pa ang mga buto ko sa aking kamao at dahan-dahang lumapit sa kanla. Dahan-dahan naman silang napaatras at kitang-kita ang takot sa kanilang mukha. Ganun na ba ako nakakatakot sa kanila? Tss.

“OO NA PO! GAGAWIN NA NAMIN!” sabay-sabay nilang sabi kaya napangiti na lang ako ng malapad…

 Humilera sila sa harapan ko at unang nagsalita si Zick...

“You’re so hot-tempered and bossy. I don’t like you sometimes. Wait. Let me rephrase that. I don’t like you ALL the time” 

Naiyukom ko ang palad ko… “YOU-----!” handa n asana akong sumugod dahil sa sinabi ni Zick pero agad na humarang sa harapan ko si Jick…

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!