Monster ♂ Chapter 41

Chloe's POV

Maagang natapos ang party. Nakakapagod at gusto ko nang magpahinga pero kailangan kong pumunta sa condo ni Kath. Tinawagan niya kasi ako kanina at sabi niya ay mag-usap daw kami. Hindi ko na naitanong kung bakit. Siguro importante kaya naman nagbihis lang ako saglit at dumiretso na ako sa condo niya.

Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ng condo niya, nag-doorbell ako pero walang nagbukas ng pinto. Paulit-ulit akong nag-doorbell pero wala pa ring nagbubukas. Niloloko lang niya ba niya ako? Baka naman wala siya dito? Sinubukan kong pihitin ang doorknob at leche, bukas pala.

Dumiretso na ako sa loob pero patay ang lahat ng ilaw kaya madilim. Mukhang wala siya dito. Pero kung wala siya, hindi niya ako papupuntahin dito at hindi niya hahayaang hindi naka-lock ang pinto ng condo niya. Nasaan na kaya ang babaeng ‘yun?

Hindi ko saulo ang pasikot-sikot dito sa condo ni Kath kaya hindi ko mahanap kaagad ang switch ng ilaw kaya kumapa-kapa na lamang ako. Sa pagkapa ko ay nahawakan ko ang doorknob ng isa pang pinto. Siguro ay kwarto niya ‘to kaya naman binuksan ko ito kaagad. May kaunting ilaw na nanggagaling sa may bintana kaya naman nakita ko ang ilang gamit dito sa kwarto. Kwarto na nga ito ni Kath.

“Hello? Kath?”

Walang sumagot. ‘Yung tipong nag-echo pa ‘yung boses ko na parang sa mga horror movies with matching pa-suspense music pa. Uggh, ‘wag mo ngang takutin ang sarili mo, Chloe!

Pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto niya at nagulat na lang ako nang biglang lumabagabag ang pinto. Agad kong pinihit ang doorknob pero naka-lock ito muna sa labas. Waaaaaaaaaaaah! Baka kunin ako ni Sadako! May may mumu dito sa condo ni Kath?! OMG. Kinatok ko nang kinatok ‘yung pinto pero hindi pa rin mabuksan. Nakulong na ako dito sa kwarto ni Kath! Ano ba talagang nangyayari?

“Buksan niyo ang pinto, pelase! Kung sino ka man! Buksan mo ‘to!”

“Uhhh.” 

Nanlaki ang aking mga mata at dahan-dahang humarap sa pinanggagalingan ng ungol. Baka nandyan na si Sadako!

Eh, saan galing si Sadako? Wala namang TV sa loob ng kwarto ni Kath, ah?

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang konsensya ko. Tama nga naman. Saan manggagaling si Sadako, eh, walang TV dito? Mehehehe.

Pero baka ‘yung babae at bata sa The Grudge ang nandito! Waaaaaaaaaaaaaah!

May butas ba ang kisame ni Kath?

Umepal na naman ang konsensya ko. Kahit saan naman nalabas ng mumu, eh! Wala ‘yung pinipiling panahon at oras. Baka patayin niya ako at isunod sa koleksyon niya ng mga kaluluwa! O baka naman kinabukasan ay baliw na ako at hindi na makausap dahil sa nangyayari ngayon!

Wag kang tanga. Buhayin mo na lang kaya ‘yung ilaw?

Much better. Bakit hindi ko naisip ‘yun? Kumapa-kapa ulit ako hanggang sa nahawakan ko na ‘yung switch ng ilaw. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mabuksan ko na ang ilaw.

TADAAAAAAA~

H-Huh? Nag-e-expect akong si Kath ang makikita kong nakahiga sa kama at duguan, walang buhay at may katabibng cereal killer pero isang Saturn Riff ang nakita kong nakahiga, topless at naka-boxer shorts lang!!! OMG! Pakana siguro ito ni Kath?! Waaaaaaaaaah! My eyes! Please lang, Chloe, stop staring! He’s your brother! He’s your freaking brother! Ay? Ano ba ‘yan? Napapa-cuss na ako ng wala sa oras! Bakit ba kasi siya nandito?!

“Uhhh, shi Cupid. Hehehehe.” Hala? Lasing ba siya? Lumapit ako sa kanya ng kaunti. Nakapikit siya pero nakataas ang isa niyang kamay at nakaturo sa kisame. “Shi Cupid...pinana ako...taposh...wuuuushiiing!” Ibinagsak niya ang palad niya sa dibdib niya. “Napana ang pusho ko, nainlove ako pero sha kapatid ko. Hahaha! Nakakatawa talaga. Punyeta ka, Cupid. Dapat hindi Kupido ang tawag shayo, eh! Dapat...dapat...Shtupido! Papana ka rin lang, sha maling tao pa tumama! Hahahaha! Ang gago mo, Shtupido!”

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!