He found her old notebook. Paulit-ulit na nakalagay ang pangalan niya sa likuran nito hanggang sa mabasa ang isang salita. "Franklin Pogi?" Napangisi ang binata at muling inilipat ng pahina. Natigil ang binata nang makita niya ang 2x2 picture niya na nakadikit sa kwaderno ni Belle.

"Saan naman niya nakuha ang litrato ko?" Wika ni Hugo hanggang sa hinawakan niya ang litrato. It wasn't a photo paper, instead, it was a printed bond paper. "She printed my picture? For what?"

Kinalkal muli ni Hugo ang bag ni Belle hanggang sa makita ang isa pang kwaderno. Iba't ibang business terms na may kaakibat na definition ang nakasulat. Ang iba ay mali pa ang spelling hanggang sa makita niya huling pangungusap.

"Magiging matalino ka, Annabelle."

Biglang sinara ni Hugo ang kwaderno at kinuha ito hanggang sa paglabas niya. Para bang may kumurot sa puso nito hanggang sa tiningnan niya ang cellphone upang tawagan si Jamie.

"Yes sir?" Paos ang boses nito dahil nagising lamang sa tawag ni Hugo.

"Book me a plane ticket going back to Manila."

"Hindi pa po tapos ang misyon natin sa Cebu."

"Just book me a flight."

Sa pagbaba ng linya, Hugo tried to call Belle. Hinihintay niyang sagutin ng dalaga ang cellphone. 

Mula sa couch, napabalikwas si Belle nang marinig ang cellphone at nakita ang pangalan ni Hugo. 

"Tumatawag siya? Para saan pa? Hindi ba't disappointment lang ako? Tsaka magnanakaw din naman ang tingin niya sa akin diba?" Asar na sinabi ni Belle pagkatapos ay tinanggal niya ang baterya nito at basta na lang pinasok sa bag.

"She turned off my call?" Kunot noo si Hugo at muling tinawagan. "Pick up the pho—"

"The number yo—" 

Hindi pinatapos ni Hugo ang operator at  biglang binaba ang linya. Naiinis na tinawagan niya si Charm para nakibalita.

Naalimpungatan si Charm ngunit kailangan niyang sagutin ang tawag ng amo. "Yes sir?"

"Nakabalik ba ng mansyon si Belle?"

"Sir?"

"I said! If Belle came back to my house?!"

"No sir."

"Ha? What do you mean?"

"Hindi ko po siya mahanap. Hindi makapagbigay ng information ang airport."

"Where is she?! Hack the fucking system!"

"Okay sir."

Asar na kinuha ni Hugo ang alak at basta na lamang niya itong nilagok. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung saan hahanapin ang dalaga.

"I want to trust her, pero bakit nasa kanya ang mamahlin kong gamit? She tried to snatch Gael's wrist watch? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi."

KINABUKASAN, puyat na puyat si Jamie habang kasabay na naglalakad si Hugo. Parehong walang tulog dahil sa pagmamatigas ni Hugo na umuwi para kay Belle. Bahagyang naiinis si Jamie dahil tumatakbo ang oras ng hindi pa nila nahahanap ang lider ng sindikato 

"Where is she?!" Sigaw ni Hugo sa mga katulong.

"Wala pong umuwi rito."

"Find her! Ibalik niyo rito sa mansyon!"

"Sir, what's the problem?" Hinihingal na tanong ni Gael. Kadarating lamang nito mula sa Tagaytay dahil nabalitaan niya ang biglaang pag-uwi ni Hugo.

"Inside my office now," utos ni Hugo. Ngunit nang makita niya si Jamie na mukhang sumasama, "Not you, Jamie. Go back to your work."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now