Chapter 45: Thank You

807 26 2
                                                  

×MIRAE×

"N-no! Tory please!"

Please...Please don't do this. God, we need you here..

"Tory, pahirapan na lang muna natin sila." sabi ni Roxanne.

Yes. Oo. Pahirapan niyo na lang muna, wag niyong tuluyan, dahil..Dahil hindi ko kaya. P-pero..

"Pero, kating kati na yung mga kamay kong pumatay! Please, Roxanne. Kahit isa lang sa kanila."

"NO!" sigaw ko, kaya napalingon silang lahat sakin.

Nakangising lumapit sakin si Tory at mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa nyang kamay. "Yes. Papatayin ko ang gusto kong patayin.. At KAYONG lahat iyon. Alam mo bang... Ako ang pumatay kay...Hailey? Si Roxanne sana, pero agad kong sinabi na ako na lang e. At ATE Mirae... Deserve niyong lahat ang mama--"

"Go to hell, D*** you!"

*PAK* napapikit ako sa sakit.

"I should be the one to say that!"

"But I just did." wala akong pakealam kung mapikon man sya sakin. And so what?

'You killed my sister...So I'll kill yours.'

Naalala ko yung text ni Roxanne.

Gulat ko syang hinarap at nagsalita. "M-may text sakin s-si Roxanne... Kahit p-pa-patayin mo kami, m-mamamatay ka rin naman e. Save y-yourself. Kami rin.. Iligtas m-mo!"

"She would never do that!"

"Yes, baby I will." napalingon kami kay Roxanne na ngising ngisi.

"May usapan tayo!"

"But I never said it was a deal. I commanded you but I didn't deal with you, b****!"

"He--"

"Just kill them now! You're wasting my time!" sigaw ni Roxanne.

"Si Jeff! Sino sya? Sino siya?!" napatingin kaming lahat kay Mirella na naiyak.

"Ow, so nakita mo at nakausap mo sya?" sabi ni Roxanne habang papalapit dito. Lumuhod sya at hinawak ng mahigpit ang magkabilang pisngi gamit ang isang kamay.

"Bakit hindi niya ako kilala?! Tell me, he's not Jeff Santos!"

"He is. He is Jeff Santos. I'll kill him--"

"What?" lahat naman kami ngayon ay kay Jeff napatingin. Yung lalaki.

"Sabi ko, I'll kill you after I kill them!" sabi ni Roxanne habang tinuturo-turo kami.

"What the?--"

"ARRGHHH!" sinugod ni Warren si Roxanne, siguro natanggal niya tali niya. Pero pag ka sakal naman ni Warren sa batok ni Roxanne, agad siya sinaksak ni...

"F*** TORY! WH-WHAT DID YOU DO?! P-PAPATAYIN KITA! WA-WARREN! WARREN!" alam kong aabot pa si Warren sa hospital, dahil braso lang ang nasaksak ni Tory.

"Feeling niya kaya niya ko? Huh! Hanggang salita na lang siya."

"Warren...Warren, wake up." buti pa si Mirella nalalapitan pa niya si Warren. Dahil nasa sahig lang si Mirella. Mabubuhay pa si Warren, malayo sa bituka ang pagkakasaksak sa kaniya.

Halos lahat kami ay umiiyak sa takot.

Nagagalit ako sa sarili ko.

Ano yun? Wait.. Bubog ba to? May nahahawakan ako sa likod ng kamay ko. I guess bubog nga yun. Tama! Gagamitin ko to, para maalis yung tali.

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon