"Duh we're classmates, how come may gagawin ka at ako wala?"

"We have a project to work on hindi ka ba nakikinig kanina?"

"Geez that's not due until the end of the month, why rush doing it? Tara na kasi!" pagpupumilit niya pa.

"I already said no Ashlynn and I'm not in the mood for this whining of yours and everything. Kung gusto mong pumunta sa Mall go with Dylan" padabog akong binitawan ni Ashlynn kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Why are you being so difficult Kia? Just say it! Na nasasaktan ka, pwede ka namang umiyak o malungkot o kung ano pa man just don't act as if okay ka sa nangyare kasi ako ung nafu-frustrate para sa'yo"

"What the hell do you expect me to do? Umanbsent? Magkulong sa kwarto? Humagulgol? What for?! It's not like crying is going to solve anything. Umiyak na ko isang beses that's it. I'm currently running for class valedictorian and I'm dead set getting that academic scholarship for college I can't afford to just breakdown and be all heartbroken like you expect me to do. Hindi naman ako biglang magugustuhan ni Gil dahil lang umiyak ako at nagkulong sa kwarto. Hindi lang kay Gil naikot ang buhay ko Ashlynn and unlike Gil these thing I'm working on right now is not just gonna go turn its back on me and be with someone else"

I took a deep breath bago ako nagsalita ulit "So please Ash, I'm hurt but I'm fine just let me be"

"Fine! be that way. I'm only concern for your well-being dahil parati kang gan'yan. You always act like it's not a big deal na parang hindi ka nasasaktan, pushing yourself to be busy hanggang sa maipon na lahat ng sakit. Alam ko naman na hindi lang kay Gil naikot ang mundo mo dahil matagal na kitang nabatukan kung sakali pero wag mo naman sanang kimkimin lahat ng sakit at hintaying umabot ka sa puntong pagod na pagod kana at gugustuhin mo nalang sumabog. Hindi ito parang pagbagsak lang sa exam na pwede mong iiyak isang beses at ibawi nalang sa susunod na test. You are hurt Kia, hindi ka okay i-sink in mo yan jan sa matalino mong utak" pulang pula ang mukha ni Ashlynn na parang anytime siya ang sasabog at iiyak.

"Oh bakit hindi ka makasagot? Ano, sasama ka ba o kakaladkarin kita?" Ashlynn held out her hand kaya kinuha ko na 'yon para matigil na ang drama dahil pinagtitingin na kami ng iba pang mga studyanteng palabas ng campus.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta sumama ka nalang, Manong Ber tara na po" Sumakay kami ng family car nila at bumyahe ng halos isang oras at kalahati bago tumigil ang sasakyan sa isang familiar na lugar.

"Amusement park? Seriously? Lahat ng dramang 'yon para lang dalhin ako dito? Ayoko uuwi na ko" tangkang babalik na ko sa sasakyan pero pinigilan niya ko.

"Ano ka ba Kia this will be fun, I promise"

"Fun? Anong fun sa pagpila sa initan at makipagsiksikan sa mga tao?"

"Ang arte mo talaga kung hindi ka lang broken babatukan na talaga kita. Tara na nga sa loob"

Hindi na kami pumila sa ticket booth dahil nakabili na online si Ashlynn, halatang pinagplanuhan nitong babaeng 'to na kaladkarin ako dito. Kaya pala hindi ako kinulit nung weekend ganito pala ang plano niya.

Maghapon kaming pumila sa iba't-ibang rides, naglaro ng kung ano-anong games sa mga stalls, kumain at nagtitili. All in all naging masaya naman 'tong araw na 'to kahit hindi ko naman talaga hilig ang mga ganitong activities. Hindi ko akalaing mapapasakay ako ni Ashlynn sa roller coaster, don't get me wrong I'm not afraid of heights pero sinong hindi matatakot sa sumisirko - sirkong rides na with just one look alam mong nakakahilo na? But to be fair I did enjoy it but I won't be riding it again anytime soon.

"So? How was it?" Madilim na and we are currently riding our last ride for the day, the Ferris wheel.

"I had fun" I answered while looking outside habang unti - unting tumataas ang sinasakyan namin.

"See I told you mage-enjoy ka" hindi na ko sumagot at ngumit nalang sa kawalan while admiring the view. After a long and tiring day ending it with an amazing view of the sky and city lights is all that I need to officially say that it was indeed a day well spent, paminsan - minsan may maganda rin palang naidudulot ang pagpapakaladkad kay Ashlynn.

"I'm glad to see na nag-enoy ka talaga Kia" this time nilingon ko na siya.

"Why? Feeling mo ba napipilitan lang ako?" medyo natatawa kong sabi.

"Hindi naman pero siguro kung ngayon mo sasabihin sa'king okay ka lang baka maniwala na ko" may bahid ng lungkot na sabi niya.

"Dahil okay lang naman kasi talaga ako. After kong magmuni-muni nung weekend narealize ko na baka ito na ung sign ko that Gil and I, we're better off as friends. At isa pa I know my own worth, madami pa kong makikilala sa college"

"Still, it's not like bigla ka nalang makakamove on overnight, if you ever feel like crying nandito lang ako. Who cares about Gil anyway? You're too good for him, sa pangit nung mokong na un? Ew ha!"

"Ash, ipapaalala ko lang just incase nakalimutan mong you guys are identical twins, if pangit siya pangit ka rin" nanlaki ang mata niya na parang ngayon niya lang narealize na magkamukha sila ni Gil kaya natawa ako ng malakas ilang saglit pa ay tumatawa na rin siya sa sarili n'yang kagagahan.

After the ride umuwi na din kami, along the way I received a text from Mom na late siyang makakauwi kaya nagsabi ako na if pwede kaming magdrive thru dahil wala ako sa mood kumain sa bahay magisa na hindi sinangayunan ni Ashlynn.

"If you don't want to eat alone then eat with me, sa bahay kana kumain"

"Pero baka nandon si Gil" nagaalangan kong sagot sa suhestyon niya.

"Akala ko ba okay ka lang?" at talagang nakuha pa niyang mangasar kaya naman sinimangutan ko siya.

"Joke! Late ring nauwi si Gil these past few days  kaya for sure hindi natin siya makakasabay kaya tara na, please?"

"Fine"

Sa sobrang daldal ni Ash hindi na namin namalayang naka uwi na pala kami, as always parang hindi nauubusan ng energy ang babaeng 'to sa mantalang ako quotang-quota na para sa araw na 'to.

"We're home! Hello Manang ano pong ulam? Dito rin po pala kakain si Kia paki handa nalang po magbibihis lang po kami" masiglang bungad niya ng makapasok na kami sa pinto ng bahay nila.

"Sige hija tamang-tama maagang umuwi ngayon ang Daddy mo sumabay na kayo sa kanila kumain"

Kagaya ng sinabi ni Ashlynn pumunta kami sa kwarto niya para magbihis bago pumunta sa kusina. Naabutan namin na kumakain sina Tito at Tita kaya nagmano muna kami at saka umupo na rin para sabayan silang kumain.

"So, kamusta naman ang mga araw ninyo?" Tita Lana asked.

"Sobrang saya Mom..." and Ashlynn went on and on about how our day went sa sobrang haba ng kwento niya hindi nalang ako nakinig at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Ikaw naman Akia, how was your day?"

"I had fun din po Tita" Tipid kong sagot ng biglang ibaling sa'kin ni Tita Lana ang tanong.

"See, I told you nag-enjoy din si Kia! Hindi kasi kayo naniniwala sa'kin 'e" nagkunwari pang nagtatampo si Ashlynn kaya napuno ng tawanan ang buong dining table.

Patuloy lang kami sa pagkain at tawanan dahil sa kakulitan ni Ashlynn when all of a sudden pumasok si Gil sa kusina kasama si Savannah kaya natahimik kaming lahat.

"Gil naka uwi kana pala. Who's with you?" Si Tita Lana ang bumasag ng katahimikan.

"Sav these are my parents, you've met Ashlynn and Kia before. Mom, Dad, this is Savannah my girlfriend" pakiramdam ko bumara lahat ng kinakain ko sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita o lungunin man lang sila.

Ito na nga ba ang sunasabi ko 'e. Kaya ayokong pumunta, kapag talaga umiiwas ka gagawa at gagawa ang universe ng paraan para ipamukha sayo ang katotohanan. Paano na ako aalis nito? Awkward!



- (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。

When is the Time to Let You GoМесто, где живут истории. Откройте их для себя