Chapter three

11 1 0
                                        

Nang maisip ni Nathalie na mag-iisa nanaman siya sa nakakatakot na lugar na iyon at sira pa ang kotse niya ay mabilis niyang kinuha ang cellphone. Tatawag siya sa bahay para magpasundo. Alam niyang kanina pa siya hinihintay ni Nanay Linda. Pero minamalas yata talaga siya dahil hindi siya maka-contact. Nagloko rin ang cellphone niya. Dahil wala iyong cignal.

Lumabas ng sasakyan si Nathalie. Nahigit niya ang hininga ng makita si Raven na nakasandal sa asul na Jaguar. He shoved his hands into the pockets of his jeans. Ang isang paa nitong nakabaluktot ay nakatapak sa ibabang haligi ng kotse nito. Kahit sa dilim ay malakas pa rin ang hatak ng karisma nito. He looked so hot in that position. Alam niyang kung may ibang babae lang na nakakakita rito ngayon ay tiyak na isang "bagay" ang magaganap. The girl would take advantage of him and it was Raven was waiting for. They would end up in his bed. Gusto niyang sakalin ang binata.

Bakit nga pala hindi pa ito umaalis?
Gumitna si Nathalie sa kalsada, tumanaw sa magkabilang direksyon kung may parating na sasakyan. Sa malas ay wala siyang nakitang headlights.

"Kapag ganitong oras, ang ibang motorista ay umiiwas na dumaan dito. Baka abotin pa ng isang oras bago may dumaan. At kung sakaling hintuan ka--makakaasa ka bang ligtas ka? Baka ang maka-encounter mo ay ang masamang-tao. Maraming pwedeng mangyari lalo't babae ka"

"Tinatakot mo ba ako?" Sino ba naman ito para pakialaman siya? Pero natakot talaga siya sa sinabi nito. Ayaw niyang mabiktima ng gang rape. Iyong pagpipiyestahan ng mga lalaki ang basal pang katawan niya. At kinabukasan ay makikita nalang ang bangkay niya na palutang-lutang sa ilog. Kinilabutan siya.

"Nagsasabi lang ako ng posibleng mangyari sa'yo" pangangatwiran ni Raven.

"At ikaw ba ay hindi? Na mabait ka at wala kang gagawin sa akin against my will?"

"I'll honestly say 'yes'. Hindi ko maatim na iwanan ka ditong mag-isa. Malaki ang malasakit at paggalang ko sa mga babae kaya ibinigay ko iyo sa iyo."

Bago pa mapahinuhod si Nathalie ng mga salita nito at magbago ang pangit na impression niya ay inunahan na niya ito. "Will you leave me alone? Kaya ko ang sarili ko!"

Anong kaya? Ni hindi nga siya marunong sumipa. At paano niya maipagtatanggol ang sarili niya? Alam niyang nasa katwiran si Raven. Subalit nanaig ang pride niya.
Nagkibit-balikat na lang si Raven. "Bibigyan pa kita ng Isa pang pagkakataon, Miss. I'll give you ten minutes to think it over. Ihahatid kita sa inyo o mag isa ka lang dito?"
Dapat ba niyang paniwalaan ito? Nababasa niya sa mga article na isinusulat tungkol dito nag nagsasaad ng mga kabutihang loob at pagkakawanggawa. Forty percent sa kinikita nito sa pagmomodelo ay idino-donate nito sa mga charity institution at foundation. May puso ito sa mga mahihirap at mga streetchildren.

May rumor nag nagsasabing may pagkasuplado si Raven sa mga babae. Bihirang-bihira lang kasi itong ngumiti at palaging seryoso ang mukha. Pero ang mga katangiang iyon ang nagustuhan ng mga babae rito, ang pagiging aloof nito. Nakadagdag ito sa kanyang appeal kaya dumami pang lalo ang fans nito.
Bakit sakanya, hindi ito suplado? Sa halip ay ipinakita nito ang pagmamalasakit sa kanya. Ayaw nitong mapahamak siya. Hindi niya ito Boyfriend. Lalong hindi niya ito kamag-anak upang pagmalasakitan siya ng ganoon.

"You're ten minutes are up," pinal na salita ni Raven matapos sumulyap sa Luminous wristwatch. "I offered you security but you just threw it away. Pasensiyahan nalang tayo." binuksan na nito ang pinto ng likuran.

Hindi makapagpasya si Nathalie, ayaw niyang umalis si Raven at iwan siyang mag-isa roon. Subalit inutusan siya ng kanyang Pride na panindigan ang nasabi na. Hindi niya babawiin iyon.

Muling umalulong ang aso. Mas malakas at nakakapanindig-balahibo ang alulong kaysa sa una. Iyong takbo niya sabay sugod mula sa likod ni Raven na papasok na sana sa Driver's seat. Yumakap siya ng mahigpit sa baywang nito at isinubsob ang mukha sa likod nito. Nasa isip niya ang umalulong aso.

"Hey, what's happened?" maang na tanong ni Raven. Binaklas niya ang mga kamay sa pakakayakap rito. "Please hug me tight, im scared," bulong niya.
Ikinulong nga siya ni Raven sa pagkakayakap nito, masuyong hinaplos ang mahabang niyang buhok at hinagod-hagod ang kanyang likod, "You're tremblin."
Ngayong damang-dama niya ang init ng katawan nito ay nakabawas iyon ng nadarama niyang takot.
Pag-angat ni Nathalie mukha ay nasalubong nya ang mga mata ni Raven. Malapit na malapit ang mga mukha nila sa isa't isa at nalalanghap niya ang mabangong hininga nito. Parang pinangangapusan sya ng hininga.

"Bring me inside, please?" pakiusap niya. Hindi pa rin nya magawang humiwalay mula kay Raven. Nakahanap sya ng kanlungan mula sa yakap nito. Pakiramdam niya ay ligtas siya. Walang maaaring makapanindak at makapanakit sa kanya. At gusto nya ang pakiramdam na iyon. Gusto niya ang init na hatid nito. Kung puwede nga lang na hindi matapos ang sandaling iyon.
"Takot ka sa alulong ng aso?" tanong ni raven na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

"Yes, can you bring me home?" muling pakiusap niya.

"Just wait here."

Gusto niyang magprotesta nang ilayo nito ang sarili sa kanya. Gininaw siya ng mawala ito sa tabi niya.
"Saan ka pupunta?" Iiwan ba siya nito?

"Ikakandado ko lang ang kotse mo,"

Habang hinihintay ni Nathalie ang pagbabalik ni Raven ay naglumikot ang mga mata niya sa paligid. Tahimik na tahimik ang lugar. Pumasok siya sa kotse nito. Saka sya nagkaroon ng oras na i-anlyze ang mga pangyayari. Bakit ipinagsiksikan nya ang katawan nito? Bigla syang nahiya sa inakto nya.

Ilang sandali lang ay sumakay na ito at naupo sa harap ng manibela--sa tabi niya. Iniabot nito sa kanya ang susi at ng remote ng kanyang kotse. Dumistansiya sya.

"Saan ka nakatira?" tanong ni Raven na pinaandar ang sasakyan.
Sinabi niya ang complete address niya.

"Okay, take a nap and relax. Paggising mo ay nasa bahay ka ninyo" pag-aasure nito sa kanya.
Tumango si Nathalie at pumikit. Gusto na nyang magpahinga. Alas-dos na ng madaling araw. Antok na antok na siya. Hindi na niya pinagkaabalahang isipin kung bakit siya pumayag na ihatid sya nito. Bukas nalang niya ipapahila ang kotse niya.

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDWhere stories live. Discover now