PBAP 7

4.5K 84 0

"Bakit ka nagwalk out?" Tanong ni Grace.
Di ko din alam e, basta nang lumapit sa akin si Jhake ay nag init dugo ko.

"Canteen tayo!" Pag iiba ko pero sa mukha nito ay pipilitin ako nito...

"Sige dun tayo sa Canteen pero libre mo ko" Ay? Kailangan talaga ilibre. Kuripot naman nito hahaha!

"Kuripot naman nito" Sabi ko "Ang yaman yaman niyo nga nagpapalibre ka pa" Di na ako nagulat nang batukan ako nito.

"Nagbibiro lang naman ako!" Sigaw nito "Hahaha! Tara na! Gutom na ako!" Saka ako nito kinaladkad gosh! Itong babaeng toh kahit kailan ang baliw at ang kulit! Pero syempre mas makulit ang kapatid nito.

"Ay?! Ang landi talaga nito ni Ysabelle!"

"Oh my god! Brooklyn! Si Shane at Ysabelle!! Nag aaway!"

"Oh No! Bakit kaya?! Tara punta tayo"

Yan ang rinig namin sa hallway at napatingin ako dito kay Grace.

"Tara dun tayo sa Fields" Seryosong sabi ni Grace at agad kaming pumunta sa Fields..

"Walanghiya ka! Mang aagaw ang puta!"

"Anong mang aagaw?! Seriously? Ako ang girlfriend ni Johann!" Boses na iyon ni Shane.

Tuloy tuloy parin ang rambulan ng mapunta kami sa harap ay nakita ko si Shane at Ysabelle? Ayun sabog ang mga buhok.

"Shane!" Agad na takbo ni Grace at hinila si Shane.

"Ate ano ba?! Magtutuos pa kami ng malanding yan!" Sigaw ni Shane agad namang sumugod si Ysabelle at sinabunutan si Shane.

"Hindi ako malandi! Ikaw yun! Inagaw mo sa akin boyfriend ko!" Sigaw nito at agad namang pumagitna si Grace para hindi masaktan ang kapatid.

"Baka Ex? Hello Two years na kami ni Johann sadyang sumiksik ka lang!" Sabi ni Shane at agad naman ng sabunutan ulit ni Ysabelle si Shane.

Then Grace Grab Ysabelle's Hair "Wag na wag mong sasaktan kapatid ko!" At agad na binitawan yun patulak ba kaya nahulog si Ysabelle sa lapag.

Lumingon lingon ako at ng mahagip ko sa mata si Jhake at si Johann na nag uusap ng masinsinan kaya lumapit ako.

"Ano na naman ba ang pinasok mo?" Tanong ni Jhake "May Girlfriend ka na nga babalikan mo pa yang Ex mo"

"Kuya, wala akong balak nagulat na nga lang din ako" Sabi ni Johann.

Kunwari napadaan na lang ako pero hindi nila alam na ang eavesdropping ako alam kong masama pero curious ako e.

"Ate France" Tawag ng isang lalake at si....Hans? Siya nga ba?
Napalingon ako at lumapit na siya sa akin.
"Oh?" Tanong ko dito.

"Kapatid mo ba si Shane?" Tanong nito.

"Hindi, bakit?" Sagot kong tanong.

"Naiwan niya sa Field pakibigay na lang" Sabi nito at iniabot sa akin yun iPhone 6 plus at pitaka na black with baby blue stripes....

Nagulat na lang ako ng mag ring ang phone nito at ang caller id ay... MOO Johann calling.....

"Bakit nasayo phone ni Shane?" Tanong ni Johann na kasama si Jhake na grabe ang titig sa akin.

"Ahh, may nagabot sa akin sabi na iwan daw ni Shane sa Fields" Sabi ko.

Naiilang ako di ko alam kung bakit.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!