Chapter 10: Kidnapped

Kisha's POV

Bukas na ng gabi ang Ball para sa mga iba't-ibang lahi ng bampira. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Meron na din akong susuotin. Kung ano yun? Malalaman niyo din kapag naayusan na ako. Hahaha! :P

Nandito ako ngayon sa school kasi nga Biyernes ngayon. Buti nga Sabada gaganapin ang Ball eh kaya kahit magpuyat ako ay okay lang. Wala ngayon sina Van at ang mga Nobles kasi tumutulong sila sa pag-oorganize ng Ball. Siguradong uupo lang naman si Van doon at hindi tutulong, gaya ng sinabi niya kanina bago siya umalis, pupunta siya sa paggaganapan ng Ball para masabi lang na nandun siya pero hindi siya tutulong. Like a boss eh. Sa bagay BOSS naman talaga siya kaya ganun umasta. =___=

"Cross!" tawag ko sa kanya habang naglalagay siya ng gamit niya sa may locker niya. Tiningnan niya lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Psh. Ang suplado talaga ni Cross! Lagi pang nakapoker face! Ni hindi man lang ngumingiti!

Nilapitan ko siya at inantay ko lang siyang matapos sa pag-aayos ng mga gamit niya. Isinara niya ang kanyang locker at tumingin sakin...

"What do you want?" =__=

"Sabay tayong kumain!" masiglang sabi ko sa kanya. Tutal wala din naman akong kaibigan dito bukod sa mga Nobles ay siya na lang kasi forever alone ang peg niya sa tuwing papasok siya o kaya kapag kakain siya sa may cafeteria...

"Do what you want, I don't mind" =__=

Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko na lang siya. Nagha-hop pa ako habang nakasunod sa kanya hanggang sa tabi na kaming maglakad...

"Cross, bakit ang tahimik mo?"

"Less talk, less mistakes" =__=

"Bakit ka nakapoker face palagi?"

"What?"

"Gaya nito" at nagpoker face ako sa harapan niya. Nakita kong napangiti siya pero saglit lang. AT dahil may matalas akong paningin ay nakita ko yung ngiti niya! Waaaaaaaaaaah! Ang gwapo naman pala niya lalo kapag nakangiti eh! Bakit kaya hindi siya ngumiti palagi? "Uuuuuy! Ngumiti siya! Isa pa nga!" tapos sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya...

"Stop that" tapos tumingin siya sakin ng masama. Waaaaaaaaah! Nakakatakot! Pero mas nakakatakot pa rin ang mga tingin ni Van. >__<

Tahimik lang kaming nakarating sa cafeteria at sabay na din kaming umorder at humanap ng lamesa. Lahat ng estudyanteng madaanan niya ay napapatili at yung iba ay bumabati pa pero hindi niya pinapansin. Wow. Sikat na din pala siya. Ang swerte talaga ng school naming 'to, ang daming transferee na gwapo at maganda....

"Ang dami mo nang fan girls!" sabi ko sa kanya para naman umimik siya. Hindi na siya ulit nagsalita simula kanina. -__-

"I don't care. I hate loud girls like them. I hate girls wearing a lot of make-up to the point that they look like a clown" 

Napanganga na lang ako sa sinabi niya at hindi ko mapigilang mapalakpak...

"Wow!" I gasped and clapped my hands with matching pag-iling pa ng ulo... "Longest na sinabi mo! Amazing!"

"Psh. Is that a big deal?" at pinagpatuloy lang niya ang pagkain...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!