Lakad-takbo na ang ginawa ko sa pagpasok sa una kong klase. Paano ba naman kasi, wala yung phone ko na siyang ginagamit ko sa pag-alarm!
Hindi rin ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip kung papaano ko makukuha yun. May kutob akong nasa lalaking iyon yung phone ko dahil nung araw ding iyon ay bumalik ako sa gym para hanapin iyon pero hindi ko nahanap!
Papalapit na ako sa pinto ng aming classroom nang may mapansin akong matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ng pinto.
Bigla akong napahinto nang makalapit ako roon. Tumingin ako dun sa lalaki at halos mapatras ako nang makitang nakatingin na rin pala ito sa akin!
"T-Teka, ikaw yung lalaki sa gym di ba? Na sa'yo ba yung phone ko?" tanong ko agad sa kanya kahit hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
Ngumisi lang ito sa akin bago nito inilabas mula sa kanyang bulsa ang phone ko.
"Here." Nagulat pa ako nang bigla nitong ihagis iyon sa akin pero dahil mabilis ang reflexes ko ay nasalo ko naman iyon.
"Salbahe nito, bakit bigla mo nalang hinagis, paano kung di ko nasalo? Edi nasira, wala pa man din akong pambili ng bago." Mahinang wika ko.
Umirap lang ito sa akin.
"Paano mo pala nalaman na dito ang unang klase ko? Kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"I saw it on your phone." casual na sagot nito.
"Huh? Paano? Nabuksan mo? eh may password ito."
Tumingin itong muli sa akin na para bang hindi makapaniwala na hindi ko alam.
"You really don't know me..." saad nito.
Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw si Tiffany.
"Huy Alessia anong ginagawa mo di---" bigla itong natigilan nang lumingon sa lalaking kausap ko at agad itong impit na tumili.
"OMG! Hi Ronan! Fan na fan mo ako!" kinikilig na sabi nito kay Ronan.
Wait.. Ronan??? As in yung Ronan na kinababaliwan ng mga babae dito? Yung team captain ng taekwondo team?!
Hindi naman sumagot si Ronan, tumango lang ito kay Tiffany bago muling tumingin sa akin.
Nasundan naman ni Tiffany ang ginawa nito at lalong lumawak ang ngiti nito.
"Wow, kinakamusta mo ba si Alessia? Grabe the best captain ka talaga Ronan, maalaga ka kahit sa mga rookies niyo."
"Captain?" saad ko.
"Oo! Huy Alessia, siya si Ronan, yung team captain niyo. Hindi mo ba alam?
BINABASA MO ANG
Alluring Fighter (Sporty Princess #6)
General FictionMakapag-aral muli at makaalis sa tirahan ng kanyang tiyahin. Iyon lamang ang hiling ni Alessia para sa kanilang dalawang magkapatid. Kaya nang dumating ang oportunidad na magawa nila iyon ay agad niya iyong tinanggap . Pero hindi magiging madali an...