Pag-ibig, inspirasyon o destraksyon ?

46.1K 118 31
                                    

Bakit nga ba Pag-ibig ang problema ng isang kabataan liban sa pag-aaral?

Madalas pa ngang isipin ng kabataan ang kanyang Lovelife kumpara sa kanyang mga takdang aralin o proyekto. Madalas pang topic ng barkada kumpara sa lesson na tinuro ni Mam. Maging sa cellphone love quotes ang nakasave. Kahit si txtmate lovelife ang tinatanong. Anung nga bang meron sa love na nakakapukaw ng atensyon ng tao lalo na sa kabataan. Kabataan na sinasabing pag-asa ng bayan, ngunit paano masasabing pag-asa ng bayan kung si kabataan bigo sa pag-ibig at para bang walang pag-asa kay iniibig? Ang kabataan ngayon si pag-ibig ang iniiyakan hindi na si palakol na grades. Pag-ibig na kung sa umpisa ay napakaganda ngunit kung sumobra at hindi na nasubay-bayan, naku luha ang mapapala mo. Inspirasyon pa nga ang sabi ng ilan. Sa tuwing nakikita si iniibig buo ang araw, sasabihin pang “ang galling nya sa puzzle ang aga pa lang nabuo na nya ang araw ko.” Kapag nakita si crush ayan na hindi mapalagay at nais ng sumigaw tingin pa lang daw niya panalo na. Kahit nasa paaralan si pag-ibig pa rin ang inaabangan. Kung subject lang siguro ito tiyak plat 1 si Juan. Pero may ilan naman na galit kay pag-ibig. Si pag-ibig ata ang kanilang mortal enemy no. 1. Bitter pa ang bansag ng iba. Sa kanila si pag-ibig hindi inspirasyon kundi distraksyon. Kabataan nga naman, Dr. Jose Rizal, nasaan na ang pag-asa ng bayan ? ang ganda ng naisulat mong El filibusterismo ngunit nagkamali ka ata sa pagkalimbag ng kabataang tinutukoy mo. Ano nga ba ang nangyari sa kabataan ? si nanay,tatay o si ate kuya ba ang dapat sisihin o ang teknolohiyang di mo alam kung sinong kalaban at laging nagpapasikatan at nagpapataasan?. sino nga ba ang may pananagutan sa kalagayan ng mga kabataan?.  Hindi naman ito mali ngunit hindi rin ito ganon katama. Bukod sa pag-ibig marami pang dapat gawin at isipin ang isang kabataan. Hindi lamang sa pag-ibig imiikot ang buhay. Marami parin namang kabataan ang sumasalamin sa pag-asa ng bayan. Hindi ako galit sa kabataan dahil isa rin akong kabataan na may pinagdadaanang problema tungkol din kay pag-ibig. Ang tanong ko lang sa lahat ng kabataan ano ba ang pag-ibig sa inyo inspirasyon o destraksyon. Naniniwala ako na ang tunay na pag-ibig hindi kay classmate, kaibigan o kay crush makikita dahil lahat sila ay lilisan. Ang pag-ibig sa Diyos lamang makakamtan dahil Siya ang may akda ng buhay at ang umiibig sa atin magpakailanman.

Kaya kung ikaw kabataan ay lumuluha ng dahil kay pag-ibig. Si Lord oh naghahantay lang na lumapit ka at handa kanyang yakapin upang ang iyong sakit, hapdi at kirot na naranasan mo kay pag-ibig ay nawala at mapalitan ng kagalakan at pag-ibig na may kaligayahan na sa Diyos lamang matatagpuan.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig, inspirasyon o destraksyon ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon