CHAPTER THREE~ I SLEPT WITH WHOM?!

1.5K 16 0
                                    

A/N:

Anyaree naging PRIVATE yung CHAPTER ONE AND TWO takte! Unintentional po iyon sorry kung di mabasa ahh kailangan kasi naka follow sakin bago mabasa yun ... si watty kssi eehh ... pasensya na talaga ....

Enjoy na lang ...

salamat ...

Here's the update ...

_________________________________

CHAPTER THREE~ I SLEPT WITH WHOM?!

 

Pierre’s POV:

 

TIME: 9:00 AM (London)

The Next Morning…

 

Nagising ako dahil sa liwanag na mula sa sikat ng araw na pumapasok sa loob ng silid kung saan ako tumutuloy. Nananatiling nakasara ang mga talukap ng aking mga mata dahil sumisilaw ang liwanag. Napadilat na lamang ako ng mayroon akong maramdamang mainit sa aking mukha. At tumambad sa akin ang isang malaanghel na mukha ng isang natutulog pang babae. Napaka-amo ng mukha niya at ang makinis, maputi at malambot niyang balat ay natatamaan ng sikat ng araw. Habang pinagmamasdan ko siya ay napabalikwas ako dahil nalaman kong wala pala siyang suot na kahit ano at napaiwas ng tingin

“Holy Shit!” yaan na lang ang nasambit ko  ng malakasat nanlaki talaga ang mga mata ko dahil nakilala ko ang babaeng katabi ko ngayon.

“ARGGHHHHH!!!!!” naibulalas ko out of frustration and confusion.Dahil una salahat di ko aam kung papaano napunta ang babaeng ‘to ditto at kung bakit wala siyang suot kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko at ipinandyak ko ang mga paa ko.

Kinalma ko ang sarili ko at pinilit alalalahanin ang mga pangyayari kagabi. Pero wala naman akong maisip kung paano ito lahat nangyari na sa pagising ko siya agad ang makikita ko. Sabihin niyo nga package deal ba ‘to? At ang masaklap pa dun … God!She’s naked for Christ sake!How can I not think about this?Teka baka naman panaginip ko lang ‘to … kaya sinampal ko ang sarili ko.

 *Pakkkk!*

“Ouch!” what the fuck?! that hurts! I really can slap hard!

So ayun iminulat ko ulit ang mga mata ko pagkatapos ay tumingin ulit sa pwesto kung saan nakahiga ang babaeng yun and … Voila! Holy Crap! This is damn true? Oh just great!

Naiinis ako sa di malamang dahilan.  Di ko lang alam kung dahil bas a wala kong maisip na explanation kung ano mang meron ngayon o dahil nandito an gang kinamumuhian kong babae. Alin man sa dalawang bagay na ‘yan ay naiinis pa rin ako.

At kakaisip ko di ko namalayan na napatingin na pala ko sa pigura sa tabi ko na himbing na himbing pa rin sa pagtulog at napansin ko na amoy alak siya. Teka! Hindi ko naman matandaan na uminom ako kagabi ah! We’ll oo uminom nga ko pero dito lang yun at di ko natandaang kasama namin siya. Isa pa 2 glasses lang ng white wine ang ininom ko kagabi pero siya amoy margarita at champagne.

Fuck! Ano ba talaga ang nangyari? Napahamapas tuloy ako sa kama dahil sobrang naguguluhan na ko. Napasulyap ulit ako dun sa katabi ko … At nakita ko na nagising na siya pagkatapos ay nanlaki ang bilog at itim niyang mga mata.

I Said Something Stupid Like ... I LOVE YOU [ FIN ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon