Akira's POV

Well... it's been 2 weeks since nung nagpropose sila Jiro samin. At nandito kami nila Candy at sinasamahan si Sully humanap ng gown.


"Akira, what do you think?" tanong ni Candy sabay ikot.


"Candy, si Sully and sinamahan naten maghanap ng wedding gown dito at hindi ikaw. Ni wala pa nga kayong final date para sa wedding niyo eh." sabe ko. She pouted at pumasok ulet sa dressing room.


Mas excited pa siya sa ikakasal e. Bat kasi ayaw pa mauna.


Lumabas si Candy sa dressing room at umupo sa tabi ko.


"Naka pili ka ng dress mo?" tanong niya. I nodded. Bridesmaid kasi kami ni Candy. Well, obviously.


Napatingin lang kami sa may kurtina ng may pumalakpak. Yung gay designer lang pala.


"Tama na muna ang chikahan at tignan ang isang anghel na bumaba sa langit." sabe niya sabay bukas ng kurtina. Napatayo naman kami ni Candy.


"WOW! Ang ganda mo, Sully." sabe ni Candy. I smiled and clapped my hands.


"Can't believe this. Kaya mo pala magmukhang anghel, Sully?" napairap naman si Sully sa sinabe ko. Me and Candy laughed.


"Okay, tama na yan. So, future Mrs. Zamora okay na po ba?" maarteng sabe nung bakla kay Sully. Sully nodded and once again looked at herself on the mirror.


Malapit na ang kasal niya and I know that she's nervous at the same time excited.


Pinapasok na ulet siya nung bakla sa dressing room at pinagbihis. Makikipag kita kami sa mga fiances namin ngayon. Maguusap usap lang tungkol sa upcoming wedding nila Sully and Rain.


Nang makalabas na si Sully sa dressing room e nagpaalam na kami kay bakla at umalis na.


"Excited ka na ba, Sully?" tanong ni Candy kay Sully ng makapasok kami sa kotse ko.


Yes, kotse ko. Mga tamad kasi magdrive at ginawa pa akong driver. The hell.


"Yes at the same time nervous." sagot naman ni Sully.


"Don't be. Everything will be fine." sabe ko sa kanya. She nodded.


Nang makarating kami sa meeting place, agad na kaming lumabas at hinanap yung tatlo.


"There." sabe ni Candy sabay turo sa kung saan. Sumunod nalang kami sa kanya.


And finally, we saw them. Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan.


"So, maganda ba yung dress?" tanong ni Lucas.


"Very. Ang ganda ni Sully, grabe!" sagot naman ni Candy.


Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!