Tinagilid ko ang ulo ko sa kanyang sinabi. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kilala ang buong pagkatao ni Grant. Simula nung bata pa ako ay madalas ko lang naman syang makita sa simbahan. Hindi din naman ako lumalabas nang bahay kaya hindi ko talaga sya nakilala nang lubusan, kadalasan, hindi din sya kasama nang mga pinsan nya. Sa mga nadidinig ko, madalas syang nagbabakasyon sa ibang bansa. Hindi katulad nang kapatid nyang si Prom na ayaw na ayaw doon. Ang Kuya nyang si Russell naman ay laging nasa Maynila.

Noong bata pa ako, sa tuwing naliligaw sya sa simbahan ay palagi nalang akong napapatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero I always find him different from all his cousins. Like, humahalakhak na silang lahat pero sya, isang matipid na ngiti lang ang ibibigay nya. O kapag ang mga pinsan nya ay nagbubulong-bulungan at nakatitig sa isang babae, Normally, nakaupo lang sya doon at humahalukipkip. Hindi na nya kailangang magpapansin. He has this aura na babae ang kusang lumalapit sa kanya. I've seen it with my own two eyes. Nang tumungtong ako nang highschool ay hindi ko na sya makikita. Nasa ibang bansa sya nang mga panahong 'yun. Doon ko nakilala ang ama nyang si Mr. Hernandez.

Si Dillon ang naging active sa aming club. Nagpapasalamat ako sa kanya nang dahil doon pero hindi ko maiwasang mailang. Hindi ako manhid para hindi ko maramdamang pumuporma sya sa akin. He's just probably infatuated to me. Ayokong magaassume pero ayoko din sa nararamdaman nya sa akin. I can't devote myself to anyone. I'm not the girl who needs to be committed, I need to be healed.

"You look tired, pahinga kana kaya?" Nagangat ako nang tingin kay Bash nang madinig 'yun. Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Ok lang. Di pa ako pagod." Sabi ko.

"Sabihin mo kung pagod kana ha? Pwede ka namang magpahinga. Kami munang bahala. Shaka nag service ka pa kanina diba? Naglalaro pa naman ang mga bata tsaka tapos na naman silang kumain." Sabi nya sa akin.

"Salamat, Bash." Sabi ko at binitawan ang mga pambatang libro na hawak ko. Umupo ako sa isang  monoblock na upuan at pinagmasdan ang mga batang naglalaro doon. Ngumiti ako nang madinig ang boses ni Jane sa labas.

"Faith! May dumating pa!" Sigaw nya.

Napalingon ako nang dahil doon. Nung una, ang akala ko ay si Dillon ang dumating, I received a text from him na gagawin nya daw ang lahat para makarating sya ngayon, kahit na sinabi ko sa kanya hindi nya naman kayang pilitin kung importante talaga. I expected na si Dillon ang pupunta pero nagulat ako nang si Grant ang makita ko saking harapan. Lumunok ako at nagiwas agad nang tingin nang magtama ang mga mata namin. Why is he panting? Tsaka bakit sya nandito?

"Grant!!!" nadinig ko ang tili ni Clara. Ngumisi si Sarah dahil alam nyang crush na crush ni Clara si Grant. Sya ang topic nila simula pa nang dumating sila dito, pinagkukwentuhan nila ang buhay ni Grant at hindi ko malaman kung sa paanung paraan nila nalaman ang lahat nang 'yun tungkol sa kanya.

Puro babae kaming narito at hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan sya habang nakatitig sya kay Clara. Does he find her pretty? Si Clara ba ang sunod nyang target? O baka naman may namamagitan na sila? Does they have an affair? Kinagat ko ang ibabang labi ko at pumikit sandali. Why am I thinking that? It doesn't concern me.

"Welcome." Sabi ko nang mapatingin sa akin. Narealized kong kanina pa pala ako nakatitig sa kanya at hindi ko na sya nabati at napasalamatan sa kanyang pagdating. Tumitig lang din sya sa akin at hindi na nagsalita. Yan na naman ang pagtitig nya. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko kapag tinitignan nya ako nang ganyan. Kinikilabutan ako palagi.

Remembering Summer (Summer Series #2) (Hernandez Series #2)Where stories live. Discover now